19/03/2026
NOTICE OF PUBLIC CONSULTATION
PARA SA: Lahat ng Officers at Members ng TODA, mga Commuters, Business Owners, Barangay Officials, at lahat ng residenteng apektado sa San Isidro, Isabela.
SUBJECT: Konsultasyon para sa proposed na pansamantalang taas-pasahe (provisional fare hike) sa traysikel dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Nais po naming ipabatid sa lahat na ang Sangguniang Bayan Committee on Transportation ay magsasagawa ng isang formal consultation o pagpupulong tungkol sa hiling na dagdag-pasahe sa ating bayan.
Layunin ng meeting na ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga transport groups na ipaliwanag ang kanilang petisyon, habang sinisiguro natin na hindi rin ito magiging sobrang bigat para sa mga mananakay.
Ang Public Consultation ay gaganapin sa:
Petsa: March 23, 2026 (Lunes)
Oras: 9:00 AM
Lugar: SB Session Hall
Kung hindi po makakarating, maaari ring magsumite ng inyong sulat o opinyon sa Office of the Secretary to the Sangguniang Bayan bago ang araw ng meeting.