DSWD Field Office 1 - Ilocos Region

DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Official page of the Department of Social Welfare and Development Field Office 1
(15)

Ready na ba kayong malaman kung sino ang tatanghaling Regional Winners ng taunang Search for Natatanging Parent Leader a...
01/06/2026

Ready na ba kayong malaman kung sino ang tatanghaling Regional Winners ng taunang Search for Natatanging Parent Leader at 4Ps Parent Groups? ๐Ÿฅณ๐ŸŒŸ

Sa June 8, sama-sama nating abangan kung sino sa mga provincial winners ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Search for Natatanging Parent Leader at 4Ps Parent Groups ang tatanghaling 2026 Regional Winners.๐Ÿ†โœจ

๐ŸŽ‰Ang mga Regional Finalists ay:

๐ŸŒŸ Natatanging Parent Leader
โ€ข Glory Ann R. Marcos - Banna, Ilocos Norte
โ€ข Margarita โ€œMargieโ€ Supnet Molina - Santa Maria, Ilocos Sur
โ€ข Marilou Canor Calado - Bagulin, La Union
โ€ข Ma. Donna Joy Gabriel Laconsay - Natividad, Pangasinan

๐ŸคNatatanging 4Ps Parent Group
โ€ข Elizabeth Parent Group - Marcos, Ilocos Norte
โ€ข Timpuyog Matallucod Parent Group - Sigay, Ilocos Sur
โ€ข Barangay Balballosa 4Ps Parent Group - San Juan, La Union
โ€ข Matatag Group of Manlocboc - Aguilar, Pangasinan

Ang patimpalak na ito ng DSWD FO 1 ay naglalayong kilalanin ang mahalagang ambag ng mga Parent Leaders sa implementasyon ng programa. Kasama na rito ang kanilang masigasig na pagsunod sa mga kondisyon ng programa, pagiging ehemplo sa kapwa benepisyaro at mahusay na pamumuno sa komunidad. Layunin din nitong magbigay inspirasyon sa iba pang 4Ps families upang mas mapaigting ang kanilang pagsisikap tungo sa mas maayos na pamumuhay.๐Ÿ’›๐Ÿ’™โค๏ธ




Department of Social Welfare and Development - DSWD
Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps

Mas Matatag na Ugnayan Tulay Tungo sa Mas Masaganang KabuhayanMatagumpay na isinagawa ang iba't ibang pagsasanay para sa...
01/06/2026

Mas Matatag na Ugnayan Tulay Tungo sa Mas Masaganang Kabuhayan

Matagumpay na isinagawa ang iba't ibang pagsasanay para sa mga SLP Associations (SLPAs) sa Rehiyon Uno, sa pakikipag-ugnayan ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) Sustainable Livelihood Program (SLP) sa mga katuwang ng programa mula sa pribadong sektor at National Government Agencies (NGAs) noong May 2026.

Sa La Union, 31 SLPAs ang sumailalim sa 1st Batch ng Advanced Financial Literacy Training sa pakikipag-ugnayan ng ahensya sa Rang-ay Bank. Layunin nitong maturuan ang mga SLPAs ng tama at maayos na pamamahala ng kanilang mga kita.

Samantala, aktibo ring nakilahok ang 2 SLPAs sa Hog Management and Soft Skills Training na isinagawa ng Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO) na nagbigay ng libreng vaccination, bitamina, at free deworming services para sa mga alagang baboy ng mga kalahok.

Sa pakikipag-ugnayan naman sa Department of Trade and Industry (DTI)- Pangasinan, naging makabuluhan ang Training- Workshop on Product Packaging and Labeling para sa 1 SLPA mula sa nasabing lalawigan para magkaroon ng maayos na packaging ang kanilang mga produkto.

Malaking tulong din ang Cattle, Goat, and Swine Management Training sa 28 SLPAs mula sa Ilocos Norte na natuto sa mga epektibong pamamaraan ng pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop. Naisagawa ito sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng Badoc, Ilocos Norte at Sunjin Philippines Corporation.

Bilang pangunahing Capability Building program ng DSWD FO 1, patuloy ang SLP sa pagbibigay ng oportunidad sa mga SLPAs para mahasa pa ang kanilang kakayahan at mapaunlad pa ang kani-kanilang mga kabuhayan.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Isa si Sunshine Cruz, 21 years old mula Pangasinan State University (PSU) sa 200 Tutors at Youth Development Workers (TY...
01/06/2026

Isa si Sunshine Cruz, 21 years old mula Pangasinan State University (PSU) sa 200 Tutors at Youth Development Workers (TYDWs) ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) mula Lingayen, Pangasinan.

Bilang bahagi ng programa sa ikalawang pagkakataon, naging daan ang Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP) hindi lamang sa pagbabalanse ng kanyang responsibilidad bilang isang mag-aaral, kundi na rin bilang isang anak.

Mas naunawaan niya ang tungkulin ng isang magulang at ang kanilang mga sakripisyo upang mapag-aral ang kanilang mga anak.

Basahin ang kanyang pahayag ๐Ÿ‘‡




Department of Social Welfare and Development - DSWD
DSWD Tara, Basa Tutoring Program

Kasunod ng Cash Relief Assistance payout na isinagawa ng  DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) sa Probinsiya ...
01/06/2026

Kasunod ng Cash Relief Assistance payout na isinagawa ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region (DSWD FO 1) sa Probinsiya ng Ilocos Norte para sa Private Express and Messengerial Delivery Service (PEMEDES) riders noong May 29, 2026, isinagawa rin ang parehong aktibidad sa Probinsiya ng Ilocos Sur noong May 30, 2026.

Mula sa 474 PEMEDES riders na target na mabigyan ng tulong pinansyal, 441 ang aktuwal na tumanggap ng tig-PhP5,000.00 bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Bahagi ito ng patuloy na pagbibigay ng agarang tulong sa mga sektor na labis na naapektuhan ng Energy Emergency na kinakaharap ng bansa.

Related post: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1297761532478844&id=100067350288950&mibextid=ZbWKwL

โค๏ธ
๐Ÿš–

Nagsimula na ngayong araw, June 1, ang taunang Brigada Eskwela ng Department of Education na may temang โ€œBayanihan sa Pa...
01/06/2026

Nagsimula na ngayong araw, June 1, ang taunang Brigada Eskwela ng Department of Education na may temang โ€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ€ ๐Ÿซ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa ika-14 na taong partisipasyon ng DSWD Field Office 1 - Ilocos Region Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, muling hinihikayat ang lahat ng mga 4Ps parents at guardians na makilahok at makipagbayanihan. ๐Ÿค๐Ÿ“š๐Ÿงน

๐Ÿ“ธ I-share rin ang inyong ganap, mga Ka-4Ps! ๐ŸŽ‰ I-comment lamang sa post na ito ang inyong mga good practices at mga aktibidad ngayong Brigada Eskwela 2026. ๐Ÿ’ฌ

๐Ÿ’ก Tandaan: Ang pakikilahok sa Brigada Eskwela ay hindi lamang simpleng pagtulong sa paaralan, ito ay pagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan para sa kinabukasan ng ating mga anak.โค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’™








Department of Social Welfare and Development - DSWD
DepEd Philippines
DepEd Region I

  | Kilalanin si Sheryl Doria Rosario mula Barangay Caloocan Norte, Binmaley, Pangasinan. Isang masipag na 4Ps parent na...
31/05/2026

| Kilalanin si Sheryl Doria Rosario mula Barangay Caloocan Norte, Binmaley, Pangasinan. Isang masipag na 4Ps parent na nagpapatunay na ang pagkatuto ay walang pinipiling edad.๐Ÿ“šโœจ

Sa tulong at paggabay ng kanyang Municipal Link na si Jess Romero, unti-unting natutunan ni Sheryl ang magsulat at bumasa. ๐Ÿ“๐Ÿ’™ Ito ang nagbigay sa kanya ng higit pang pag-asa at kumpiyansa sa sarili na kaya pa niyang matuto at umasenso. Tunay na ang edukasyon ay daan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.๐ŸŒฑโœจ

Ngayong Balik-Eskwela, nawaโ€™y magsilbi siyang inspirasyon na hindi kailanman huli ang lahat para matuto.๐Ÿ“–๐ŸŒŸ




Department of Social Welfare and Development - DSWD
Pantawid Pamilyang Pilipino Program - 4Ps

๐Ÿ“ข ๐“๐ก๐ž ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐“๐€ ๐‡๐ž๐ฅ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐Ÿ๐Ÿ‘๐Ÿ–๐Ÿ‘ ๐ข๐ฌ ๐‘๐ž๐š๐๐ฒ ๐ญ๐จ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐žโ€”๐Ÿ๐Ÿ’ ๐‡๐จ๐ฎ๐ซ๐ฌ ๐š ๐ƒ๐š๐ฒ, ๐Ÿ• ๐ƒ๐š๐ฒ๐ฌ ๐š ๐–๐ž๐ž๐ค.Every child deserves safety and...
31/05/2026

๐Ÿ“ข ๐“๐ก๐ž ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐“๐€ ๐‡๐ž๐ฅ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐Ÿ๐Ÿ‘๐Ÿ–๐Ÿ‘ ๐ข๐ฌ ๐‘๐ž๐š๐๐ฒ ๐ญ๐จ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐žโ€”๐Ÿ๐Ÿ’ ๐‡๐จ๐ฎ๐ซ๐ฌ ๐š ๐ƒ๐š๐ฒ, ๐Ÿ• ๐ƒ๐š๐ฒ๐ฌ ๐š ๐–๐ž๐ž๐ค.

Every child deserves safety and protection. Whether you are a child in distress, a concerned parent or guardian, a relative, a social worker, a barangay captain, a teacher, a school worker, or simply someone who knows of abuse happeningโ€”you can report it. The MAKABATA Helpline 1383 handles all forms of abuse, from physical and verbal to sexual, emotional, exploitation, and neglect.

๐Ÿšจ See something? Say something. Suspicion alone is enough to act. Report abuse immediately by calling, texting, or messaging MAKABATA 1383. We will guide you through the reporting process and ensure the case reaches the right authoritiesโ€”swiftly and confidentially.

Your voice can break the silence. Share this now and help make the world safer for children.

โค๏ธ


https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1416750120476605&id=100064248926814&rdid=pqdmjJrRR7PToD9A

๐Ÿ“ข ๐“๐ก๐ž ๐Œ๐€๐Š๐€๐๐€๐“๐€ ๐‡๐ž๐ฅ๐ฉ๐ฅ๐ข๐ง๐ž ๐Ÿ๐Ÿ‘๐Ÿ–๐Ÿ‘ ๐ข๐ฌ ๐‘๐ž๐š๐๐ฒ ๐ญ๐จ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ ๐š๐ง๐ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐žโ€”๐Ÿ๐Ÿ’ ๐‡๐จ๐ฎ๐ซ๐ฌ ๐š ๐ƒ๐š๐ฒ, ๐Ÿ• ๐ƒ๐š๐ฒ๐ฌ ๐š ๐–๐ž๐ž๐ค.

Every child deserves safety and protection. Whether you are a child in distress, a concerned parent or guardian, a relative, a social worker, a barangay captain, a teacher, a school worker, or simply someone who knows of abuse happeningโ€”you can report it. The MAKABATA Helpline 1383 handles all forms of abuse, from physical and verbal to sexual, emotional, exploitation, and neglect.

๐Ÿšจ See something? Say something. Suspicion alone is enough to act. Report abuse immediately by calling, texting, or messaging MAKABATA 1383. We will guide you through the reporting process and ensure the case reaches the right authoritiesโ€”swiftly and confidentially.

Your voice can break the silence. Share this now and help make the world safer for children.

๐“‘๐“ช๐“ผ๐“ฝ๐“ช ๐“‘๐“ช๐“ฝ๐“ช, ๐“ฃ๐“ช๐”‚๐“ธ ๐““๐“ช๐“น๐“ช๐“ฝ ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“‘๐“ช๐“ฑ๐“ช๐“ต๐“ช!

Ang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region ay taos-pusong nagpapasalamat sa Local Government ng San Nicolas, Pangasinan sa ...
30/05/2026

Ang DSWD Field Office 1 - Ilocos Region ay taos-pusong nagpapasalamat sa Local Government ng San Nicolas, Pangasinan sa patuloy na suporta nito sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Parent Leaders sa pamamagitan ng pagbibigay ng monthly transportation allowance sa kabuoang 60 Parent Leaders. ๐Ÿ‘๐Ÿ’–

Makatatanggap ang bawat Parent Leader ng tig-PhP300.00 transportation allowance kada buwan, na ibibigay kada quarter, bilang suporta sa pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang mga lingkod ng komunidad. Batay ito sa inilabas ng munisipyo na Ordinance No. 195 series of 2025.๐Ÿซถโœจ

Bilang Parent Leaders, sila ang nagsisilbing katuwang ng programa sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon, pagmomonitor sa mga benepisyaryo, at pagtiyak ng aktibong partisipasyon ng mga miyembro ng 4Ps sa ibaโ€™t ibang gawain ng programa. ๐ŸŒฑโœจ

Maraming salamat sa patuloy na pagkilala at suporta sa dedikasyon ng ating mga Parent Leaders para sa mas maayos at mas matatag na komunidad. ๐Ÿ’›๐Ÿ’™โค๏ธ




Department of Social Welfare and Development - DSWD

DSWD PRESS RELEASE: DSWD warns AICS clients against engaging services of fixers; criminal case filed vs person behind fa...
30/05/2026

DSWD PRESS RELEASE: DSWD warns AICS clients against engaging services of fixers; criminal case filed vs person behind fake documents

โ€œYung dalawa po doon [sa nahuli], several times nang nakakuha sa AICS. Ibang pagkatao ang pine-present nya. Kaya sabi namin, we have to strengthen our mechanism to avoid this kind of engagement with the people na nagkakaroon ng fraudulent documents. Ang instruction ni Secretary REX Gatchalian, i-report, file a case so that everybody will learn from that,โ€ Director Morata told reporters during the DSWD Media Forum on Thursday (May 21).

โค๏ธ

https://www.facebook.com/photo/?fbid=1416974870454130&set=a.224758276342468

DSWD PRESS RELEASE: DSWD warns AICS clients against engaging services of fixers; criminal case filed vs person behind fake documents

โ€œYung dalawa po doon [sa nahuli], several times nang nakakuha sa AICS. Ibang pagkatao ang pine-present nya. Kaya sabi namin, we have to strengthen our mechanism to avoid this kind of engagement with the people na nagkakaroon ng fraudulent documents. Ang instruction ni Secretary REX Gatchalian, i-report, file a case so that everybody will learn from that,โ€ Director Morata told reporters during the DSWD Media Forum on Thursday (May 21). (YADP)

See comments section for full story.

โค๏ธ

PHOTO RELEASE | Nagsagawa ng benchmarking at warehouse visit ang mga kinatawan ng Barangay Council for the Protection of...
30/05/2026

PHOTO RELEASE | Nagsagawa ng benchmarking at warehouse visit ang mga kinatawan ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) ng Lokal na Pamahalaan ng Laoac, Pangasinan sa Regional Warehouse (RW) ng DSWD Field Office 1 โ€“ Ilocos Region (DSWD FO 1) sa Biday, City of San Fernando, La Union kahapon (May 29).

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa kahalagahan ng maagap at organisadong humanitarian assistance sa panahon ng kalamidad, lalo na sa pangangalaga at proteksyon ng mga bata, kababaihan, at iba pang vulnerable sectors.

Sa isinagawang warehouse visit, naipakita rin ang mga pangunahing proseso sa disaster preparedness, warehousing, relief stockpiling, at logistics operations na mahalaga upang matiyak ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa panahon ng emergency at sakuna.

Patuloy na nagbibigay ang DSWD FO 1 ng technical assistance at kaalaman sa mga lokal na pamahalaan upang higit na mapalakas ang kahandaan at kakayahan nila sa pagtugon sa mga kalamidad at iba pang krisis.




Department of Social Welfare and Development - DSWD

Address

DSWD FIELD OFFICE 1, QUEZON Avenue, BARANGAY SEVILLA
San Fernando
2500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63726878000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Field Office 1 - Ilocos Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DSWD Field Office 1 - Ilocos Region:

Share