29/05/2026
๐๐ค๐ก๐ ๐พ๐๐ง๐๐จ: ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ช๐ก๐๐ฃ๐๐ตโจ๏ธ
Habang abala sa pagtatrabaho sa ibang bansa ang maraming Overseas Filipino Workers (OFWs), may mga tahimik na bayani namang naiiwan sa tahananโang mga lolang buong pusong umaalalay at nag-aaruga sa kanilang mga apo.
Sa Dagupan City, kinilala at binigyang suporta ang mga lola at kanilang mga apo sa pamamagitan ng programang โLola Cares,โ isang inisyatibong naglalayong palakasin ang access ng caregiver grandmothers sa social, health, educational, at community-based services batay sa Ordinance No. 2374-2026.
Bitbit ang kanilang mga kwento ng sakripisyo at pagmamahal, dumalo ang mga lola sa launching ng programa na ginanap sa City Plaza noong Mayo 22. Marami sa kanila ang nagsisilbing pangalawang magulang habang ang kanilang mga anak ay nagsusumikap magtrabaho sa abroad upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.
Hindi man madali ang responsibilidad ng pagpapalaki ng mga bata sa kanilang edad, patuloy pa ring ipinapakita ng mga lola ang walang sawang pagmamahal at dedikasyon para sa kanilang pamilya.
Ayon sa mga organizers, layunin ng โLola Caresโ na kilalanin ang mahalagang papel ng mga lola sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino, lalo na sa mga household na naapektuhan ng pangingibang-bansa ng mga magulang.
Naging katuwang sa programa ang Women and Childrenโs Center, Federated Senior Citizens Association of Dagupan City, at City Health Office upang matiyak na maihatid ang kinakailangang serbisyo at suporta para sa mga benepisyaryo.
Bilang bahagi rin ng programa, namahagi ng ibaโt ibang grocery items, health products, at pagkain para sa mga dumalong lola bilang simbolo ng pasasalamat at pagkilala sa kanilang sakripisyo. Kabilang sa ipinamahagi ang mga inumin, kape, s**a, soy sauce, bitamina, at nutritional products.
Naging posible rin ang programa sa suporta ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Dean Bryan Kua at mga konsehal ng lungsod. Kinilala rin si Councilor Tala Paras bilang principal author ng ordinansang sumusuporta sa naturang programa.
Sa kabila ng pagod at hamon ng pagiging tagapag-alaga, nananatiling matatag ang mga lolaโpatunay na ang tunay na pagmamahal ng pamilya ay hindi nasus**at sa edad kundi sa kahandaang magsakripisyo para sa mga mahal sa buhay.
Sa bawat yakap, payo, at pag-aaruga ng isang lola, naroon ang pagmamahal na nagsisilbing pundasyon ng tahanan at inspirasyon ng bawat pamilyang Pilipino.
โ๏ธSulat ni Shari Ann Servitillo