San Felipe As One

San Felipe As One OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF LGU SAN FELIPE THIS IS THE OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF THE OFFICE OF THE MAYOR AND LGU SAN FELIPE
(1)

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ฒ๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†Ngayong National Heroes Day, buong-pusong ginunita ng Lokal na Pamahalaan ng San Felipe ...
31/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ฒ๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†

Ngayong National Heroes Day, buong-pusong ginunita ng Lokal na Pamahalaan ng San Felipe ang kabayanihan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani.

Ang kanilang katapangan at paglilingkod ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipino na ipagpatuloy ang paggawa ng kabutihan at paglilingkod para sa kapwa at bayan.

Nawaโ€™y magsilbing paalala ang araw na ito na ang pagiging bayani ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo, kundi maging sa tapat na paglilingkod, malasakit, pagkakaisa, at paggawa ng tama para sa ikabubuti ng lahat.

Saludo kami sa lahat ng bayaniโ€”noon, ngayon, at sa bawat Pilipinong patuloy na naglilingkod para sa bayan.

PAGGUNITA SA ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI PANGULONG RAMON MAGSAYSAYNgayong Agosto 31, ating ginugunita ang ika-119 na ...
30/08/2026

PAGGUNITA SA ANIBERSARYO NG KAPANGANAKAN NI PANGULONG RAMON MAGSAYSAY

Ngayong Agosto 31, ating ginugunita ang ika-119 na anibersaryo ng kapanganakan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, isang lider na kinilala sa kanyang pagiging simple, makatao, at malapit sa karaniwang mamamayan.

Sa kanyang pamumuno, ipinakita niya na ang tunay na serbisyo publiko ay nakaugat sa katapatan, malasakit, at tunay na paglilingkod sa bayan. Ang kanyang buhay at pamana ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa bawat Pilipinong naglilingkod nang buong puso para sa kapwa at sa bayan.

Saludo sa alaala at pamana ni Pangulong Ramon Magsaysay!

๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œNgayong National Heroes Day, ating binibigyang-pugay at inaalala ang mga bayan...
30/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—œ

Ngayong National Heroes Day, ating binibigyang-pugay at inaalala ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at paglilingkod para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.

Ang kanilang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng ating kasaysayanโ€”ito ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon upang tayo rin ay maging bahagi ng pagbabago at pag-unlad ng ating bansa.

Sa bawat simpleng gawa ng kabutihan, katapatan, malasakit, at paglilingkod sa kapwa, nabubuhay ang diwa ng kabayanihan.

Saludo kami sa lahat ng bayaning nag-alay ng sarili para sa Inang Bayanโ€”noon, ngayon, at sa mga darating pang panahon.

Mabuhay ang mga Bayani! Mabuhay ang Pilipinas!

Isang karangalan na ipinagdiriwang, isang tagumpay na sama-samang ipinagmamalaki! Taos-pusong pagbati kay Iver-son G. Al...
30/08/2026

Isang karangalan na ipinagdiriwang, isang tagumpay na sama-samang ipinagmamalaki!

Taos-pusong pagbati kay Iver-son G. Alcantara, LPT, ng Barangay San Rafael, SK Federation President of San Felipe, Zambales, pati narin sa mga Sangguniang Kabataan Council,sa pagkamit ng Provincial Excellence Award sa ZASK 2026 โ€“ Zambales Awards for Sangguniang Kabataan!

Congratulations din sa ating mga Sangguniang Kabataan na kinilala bilang Compliant Sangguniang Kabataan!

โ€ขSK Cyril Remolisan, CHRA and Council
โ€ขSK Engr. Greg Placido and Council
โ€ขSK Jhovan Piocos, LPT and Council
โ€ขSK Daniel Cudapaz, LPT and Council
โ€ขSK Mark Joseph Anaque and Council
โ€ขSK Raxl Glenn Felicano, LPT and Council
โ€ขSK Kiana Carmela Ugalde and Council

Ang parangal na ito ay bunga ng sipag, dedikasyon, pamumuno, at tapat na paglilingkod para sa kabataan. Patunay na kapag sama-sama at may malasakit, mas maraming magandang bagay ang kayang makamit.

Mabuhay ang Kabataan ng San Felipe!
Mabuhay ang Sangguniang Kabataan!

ISANG PAGPUPUGAY AT TAOS-PUSONG PASASALAMAT NURSE DESIREE LOU CABREZAKami, ang buong pamunuan at mga kawani ng Local Gov...
29/08/2026

ISANG PAGPUPUGAY AT TAOS-PUSONG PASASALAMAT
NURSE DESIREE LOU CABREZA

Kami, ang buong pamunuan at mga kawani ng Local Government Unit ng San Felipe, ay nagpapahayag ng aming pinakamalalim na pakikiramay sa pamilya, mga kamag-anak, at mga kaibigan ni Nurse Desiree Lou Cabreza.

Walang sapat na salita ang makakatumbas sa aming pasasalamat sa kanyang mahabang panahon ng tapat at dedikadong paglilingkod bilang isang huwarang healthcare worker ng ating bayan.

Ang kanyang mapagkalingang puso, sipag, at walang sawang malasakit sa kalusugan ng mga mamamayan ng San Felipe ay mananatiling isang dakilang legasya.

Isang malaking karangalan ang makatrabaho ka, Nurse Desiree. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.

RED WARNING ! Maging Handa at Alerto para Ready tayo! Walang humpay ang Pag-Ulan sa loob ng 1 Oras at Susunod pang 2 Ora...
29/08/2026

RED WARNING !

Maging Handa at Alerto para Ready tayo!

Walang humpay ang Pag-Ulan sa loob ng 1 Oras at Susunod pang 2 Oras .

Heavenly Father, You are our hidingplace from the storm and the rain.Please keep all those in the path ofthis storm safe...
29/08/2026

Heavenly Father, You are our hidingplace from the storm and the rain.Please keep all those in the path ofthis storm safe and defend theirhomes from damage.

AMEN

Patuloy ang maagap at malasakit na pagtugon ng Mdrrmo San Felipe sa panahon ng kalamidad.Isang taos-pusong pasasalamat s...
28/08/2026

Patuloy ang maagap at malasakit na pagtugon ng Mdrrmo San Felipe sa panahon ng kalamidad.

Isang taos-pusong pasasalamat sa ating mga responders, Barangay Responders ng Brgy. San Rafael, at Philippine National Police (PNP) sa kanilang agarang pagkilos para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.

Sa panahon ng habagat at matinding pag-ulan, patuloy tayong maging alerto, handa, at nagtutulungan๐Ÿ™๐Ÿป

CONGRATULATIONS, 2026 B.E.S.T. BARANGAY PASSERS!Taos-pusong pagbati sa Barangay Manglicmot, Barangay San Rafael, at Bara...
28/08/2026

CONGRATULATIONS, 2026 B.E.S.T. BARANGAY PASSERS!

Taos-pusong pagbati sa Barangay Manglicmot, Barangay San Rafael, at Barangay Sto. Niรฑo sa matagumpay na pagpasa sa 2026 B.E.S.T. Barangay.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng inyong mahusay na pamamahala, mahusay na serbisyo, at malasakit sa mga mamamayan. Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy na isulong ang kahusayan, transparency, at makabuluhang paglilingkod sa bawat barangay.

Mabuhay ang mga huwarang Barangay ng San Felipe!

Heavy Rainfall Warning No. 8-A  Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)Issued at: 3:15 PM, 28 August 2026(Friday)RED...
28/08/2026

Heavy Rainfall Warning No. 8-A
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 3:15 PM, 28 August 2026(Friday)

RED WARNING LEVEL: Pampanga, Bataan, Zambales, Bulacan(Hagonoy, Calumpit, Pulilan, Paombong, Malolos, Plaridel, Guiguinto) and Tarlac(San Jose, Mayantoc, Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, Capas, Bamban).
ASSOCIATED HAZARD: Serious FLOODING in flood-prone areas.

ORANGE WARNING LEVEL: Metro Manila, Rizal, Bulacan(Angat, Balagtas, Baliuag, Bocaue, Bulakan, Bustos, Meycauayan, San Jose del Monte, Dona Remedios Trinidad, Marilao, Norzagaray, Obando, Pandi, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael, Santa Maria), Tarlac(Concepcion, Anao, Tarlac City, Gerona, La Paz, Paniqui, Pura, Ramos, San Manuel, Victoria, Moncada), Nueva Ecija(Guimba, Quezon, Licab, Aliaga, Zaragoza, Jaen, San Antonio, Gapan, Cabiao, San Isidro, San Leonardo, General Tinio, Penaranda, Santa Rosa, Cabanatuan, Palayan), Cavite(Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta, Cavite City, Rosario, Tanza, Naic, Ternate, Maragondon) and Batangas(Nasugbu, Lian, Calatagan, Balayan, Tuy).
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING is still THREATENING.

YELLOW WARNING LEVEL: Nueva Ecija(San Jose, Bongabon, Carranglan, Cuyapo, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Laur, Llanera, Lupao, Nampicuan, Pantabangan, Rizal, Santo Domingo, Munoz, Talavera, Talugtug), Cavite(Alfonso, Amadeo, General Trias, General Emilio Aguinaldo, Indang, Magallanes, Mendez, Silang, Tagaytay, Trece Martires, Carmona, Dasmarinas, Gen. Mariano Alvarez), Batangas(Agoncillo, Alitagtag, Balete, Batangas City, Bauan, Calaca, Tanauan, Cuenca, Ibaan, Laurel, Lemery, Lipa, Lobo, Mabini, Malvar, Mataasnakahoy, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Juan, San Luis, San Nicolas, San Pascual, Santa Teresita, Santo Tomas, Taal, Talisay, Taysan, Tingloy) and Laguna(Calamba, Cabuyao, Santa Rosa, Binan, San Pedro, Mabitac, Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete).
ASSOCIATED HAZARD: FLOODING in flood-prone areas.

Meanwhile, expect light to moderate with occasional heavy rains over Laguna(Alaminos, Bay, Calauan, Liliw, Los Banos, Luisiana, Magdalena, Majayjay, Nagcarlan, Pagsanjan, Pila, Rizal, Santa Cruz, Victoria, Cavinti, Kalayaan, Lumban, San Pablo) within the next 3 hours.

Light to moderate with occasional heavy rains affecting Quezon(General Nakar) which may persist within 3 hours and may affect nearby areas.

Mag-ingat po ang lahat at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na ulat ng pamahalaang lokal.

Maging Handa at Alerto para Ready Tayo.

Address

Barangay Feria
San Felipe
2204

Telephone

+639695409138

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Felipe As One posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share