Akbayan Youth - UST

Akbayan Youth - UST Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Akbayan Youth - UST, Political organisation, España Boulevard, Sampaloc.

AKBAYAN YOUTH-ESPAÑA is a democratic socialist youth & student movement that works for the realization of democratic participation, good governance, & transformative politics.

01/05/2026
28/04/2026
25/04/2026
𝗣𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗔𝗸𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 - 𝗘𝘀𝗽𝗮ñ𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗵𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗡𝗲𝗴𝗿𝗼𝘀Nakikiisa ang Akbayan Youth - Esp...
25/04/2026

𝗣𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗔𝗸𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 - 𝗘𝘀𝗽𝗮ñ𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗵𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗡𝗲𝗴𝗿𝗼𝘀
Nakikiisa ang Akbayan Youth - España sa pagdadalamhati sa lahat ng mga nasawi sa isinagawang operasyon ng 79th Infantry Battalion ng 3rd Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines sa Toboso, Negros Occidental noong ika-19 ng Abril 2026.

Mariing kinokondena ang madugong karahasan na nangyari na manipestasyon ng isang sistemang nakasentro sa interes ng naghaharing uri at sa ekspresyon ng paghahari nito na nakabatay sa rehimeng Marcos-Duterte. Sa isang ganap na demokratikong lipunan, walang espasyo ang pang-aabuso at karahasan ng kahit sinuman, lalo na ng estado. Ang ganitong uri ng dahas na walang kritikal at masusing imbestigasyon ay tahasang pagnormalisa at pagtanggap sa mga kasong pagyurak sa dignidad ng mamamayang Pilipino.

Kung ang kambal ng sinungaling ay pagnanakaw, ang kanilang tagong kapatid ay ang dahas. Sila ay mga anak na dala ng impunity, produkto ng mas malawak na patakaran ng panunupil, na pinagtibay at pinalawak ng Memorandum Order No. 32 at ng Anti-Terrorism Act of 2020. Ginagamit ang mga ito upang gawing lehitimo ang dahas, patahimikin ang mga nagtatanong, at gawing target ang mga ordinaryong mamamayan na tila walang karapatan.

Ito ay isa sa mga ehemplo ng kontradiksyon na nagpapanatili sa isang atrasadong demokrasya, ekonomiya, at kultura. Ang mga institusyon na dapat nagpoprotekta sa demokratikong karapatan ng mamamayan tulad ng Commission on Human Rights at Department of Justice ay tila tahimik at tungo-tungo na lamang.

Bilang kasapi ng Akbayan Youth-UST, Kami ay Aktibong Nanawagan:
𝟭) 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗻𝗱𝗲𝗽𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗧𝗵𝗶𝗿𝗱-𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗜𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa nangyaring karahasan at pagpatay. Paniguraduhin na hindi lamang islogan at lip service ang pagsunod sa international humanitarian law. Lalo na sa mga nakaraang at kasaysayan ng abuso na nangyari sa kamay ng AFP.

𝟮) 𝗕𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴𝗶𝗽𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗮𝗱𝘂𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀. Nanawagan kami para maging malaya at malakas ang CHR para hatulan ang mga kaso ng pang-aabuso at karahasan, lalo na sa ilalim ng estado. Paniguraduhin ang karapatan ng ordinaryong mamamayan at protektahan sila laban sa pang-aabuso.

𝟯) 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗴𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗠.𝗢. 𝟯𝟮, 𝗘.𝗢. 𝟳𝟬, 𝗮𝘁 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗧𝗲𝗿𝗿𝗼𝗿 𝗟𝗮𝘄. Irebyu at tuluyang buwagin ang mga patakaran na ginagawang lehitimo ang dahas, legal ang paglabag sa karapatan, at sinusupil ang ordinaryong mamamayan. Tutulan ang abuso at karahasang institusyonal na dala ng gobyerno na dapat nagpoprotekta sa atin.

𝟰) 𝗣𝗮𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘀𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗟𝗮𝘄. Pigilan ang mga operasyon ng pagmamanman at pagre-red-tag sa hanay ng mga estudyante at kabataan. Itaguyod ang usapin ng tunay na reporma sa lupa at demokratikong karapatan.

Ang pagnormalisa sa karahasan ay pag walang bahala sa mga kaso ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao. Ito ay banta, hindi lang sa mga progresibong puwersa, kundi pati na rin sa sambayanan at masang Pilipino. Sa halip ang bawat pisong buwis ay napupunta sa paglaya sa kahirapan at laman ng kanilang tiyan, ito ay napupunta sa paglaya ng mga abusado at laman ng baril na tila walang pananagutan.

Ang pananagutan sa mga kaso ng abuso at karahasan ay dapat nakabatay sa katotohanan. Ito ay hindi kailanman magiging tunay kung ang mismong pumatay ay ang mismong hukom kung ito ay alinsunod sa karapatan. Ang pabayaan ang kaso ng karahasan at abuso sa iilan ay siyang siguradong paglabag sa karapatan ng karamihan.







23/04/2026

𝗛𝗨𝗦𝗧𝗜𝗦𝗬𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗘𝗚𝗥𝗢𝗦 — 𝗜𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗠𝗢𝗥𝗔𝗡𝗗𝗨𝗠 𝗢𝗥𝗗𝗘𝗥 𝟯𝟮, 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗚𝗨𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗦𝗧𝗘𝗠𝗔!

Nakikiisa ang Student Council Alliance of the Philippines (SCAP), kasama ang malawak na hanay ng kilusang estudyante sa buong bansa, sa pagdadalamhati at panawagan ng hustisya para sa lahat ng biktima ng karahasan sa Negros Occidental, kabilang ang pagkamatay ng kapwa estudyante, lider, konsehala ng University of the Philippines (UP) Diliman University Student Council na si Alyssa Alano sa gitna ng operasyong militar sa Barangay Salamanca, Toboso.

Malinaw ang katotohanan: isang kabataan at lider-estudyante na may pangarap ang pinaslang. Ito ang bunga ng patuloy na karahasan na produkto ng mga hindi matugunang isyung panlipunan na tinatanggihang harapin ng gobyerno tulad ng kawalan ng lupa at kakulangan sa batayang serbisyong panlipunan—mga kondisyong nag-ugat sa elitistang demokrasya, pasismo, lantarang korapsyon, mga krisis dulot ng kapitalismo, at iba pang sistemikong problema. Ngunit anuman ang konteksto, hindi kailanman maaaring isantabi ang karapatan sa buhay. Ang pagiging “diumano’y armado” ay hindi lisensya para sa paglabag sa due process o pagkitil ng buhay.

Sa ilalim ng International Humanitarian Law (IHL), may malinaw na obligasyon ang estado na sumunod sa mga prinsipyo ng distinction at proportionality—mga pamantayang pinagtitibay ng Republic Act No. 9851, or the Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, na nag-aatas na papanagutin ang mga lumalabag sa mga alituntunin ng digmaan at tiyaking napapangalagaan ang dignidad ng bawat tao, kahit sa gitna ng armadong tunggalian.

Sa ganitong konteksto, mariin naming kinokondena ang nagpapatuloy na karahasan na ang mga mamamayan ng Negros Occidental ang patuloy na nagdurusa. Kaugnay nito, nananawagan kami na ibasura ang Memorandum Order No. 32, na nagbigay-daan sa paglala ng militarisasyon sa mga komunidad, at ituon ang pondo sa pagtugon sa ugat ng sigalot—lupa, kabuhayan, at serbisyong panlipunan.

Kasabay nito, nananawagan kami sa Commission on Human Rights (CHR) na pangunahan ang isang agarang, independyente, at transparent na imbestigasyon upang matiyak ang pananagutan at mailatag ang katotohanan lampas sa mga ulat ng militar. Ang mga operasyong nagreresulta sa maramihang pagkamatay nang walang naaresto ay dapat agarang siyasatin upang matiyak na hindi nalalabag ang karapatan sa buhay, due process, at mga pamantayan ng IHL.

Sa gitna ng pagdadalamhati, naninindigan ang kabataang Pilipino: walang tunay na kapayapaan kung walang hustisya. Patuloy nating ipaglalaban ang dignidad at kaligtasan ng lahat, at tutulan ang anumang anyo ng karahasan—lalo na yaong nagmumula sa estado.

𝗛𝘂𝘀𝘁𝗶𝘀𝘆𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗸𝗮𝘆 𝗔𝗹𝘆𝘀𝘀𝗮 𝗔𝗹𝗮𝗻𝗼!
𝗨𝗽𝗵𝗼𝗹𝗱 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗟𝗮𝘄!
𝗛𝘂𝘀𝘁𝗶𝘀𝘆𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗸𝘁𝗶𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗵𝗮𝘀𝗮𝗻!

17/04/2026

𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗔𝗚𝗔𝗜𝗡𝗦𝗧 𝗞𝗨𝗥𝗔𝗞𝗢𝗧: 𝗭𝗔𝗟𝗗𝗬 𝗖𝗢 𝗜𝗦 𝗔𝗥𝗥𝗘𝗦𝗧𝗘𝗗, 𝗡𝗘𝗫𝗧 𝗦𝗧𝗘𝗣 𝗕𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗠 𝗛𝗢𝗠𝗘 𝗡𝗢𝗪—𝗛𝗘 𝗠𝗨𝗦𝗧 𝗕𝗘 𝗛𝗘𝗟𝗗 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗝𝗨𝗦𝗧𝗜𝗖𝗘

Zaldy Co is finally under arrest, but this is only the first step. After months of evasion and refusal to return, his detention in Prague is long overdue in a scandal involving billions of pesos meant for flood control projects that should have protected communities. Instead, these funds are now tied to allegations of substandard and missing infrastructure while Filipinos continue to suffer from flooding and neglect. The news you bring us is long overdue, President Ferdinand Marcos Jr., we have been waiting for too long, and you have been slow, and vehemently emphasize that this arrest alone is not justice.

The next step is clear: bring him home now. He must face the charges in Philippine courts, and the government must act with urgency to ensure a swift and transparent legal process without delay or special treatment. But this cannot end with one man. He must not be made a scapegoat. This case points to a wider network of corruption that must be fully exposed and held accountable. The youth demand full justice and accountability not just for Zaldy Co, but for everyone involved.

Lahat ng sangkot dapat managot!
Ikulong lahat, mga kurakot!
Ibalik lahat ng ninakaw!

05/04/2026

𝐀!𝐘 𝐏𝐍𝐔: 𝐒𝐡𝐢𝐟𝐭 𝐓𝐨 𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐰

With no sign of ending soon, the imperialist war of the United States and Israel to Iran has brought severe impact on oil industry in the world. The Philippines being the first to declare a national energy emergency is not exempted, in fact, heavily affected.

Students are one of the most vulnerable sectors during this crisis as they travel daily to respective schools and universities. Several in the sector have expressed frustration and concern regarding the struggle on public transportation and looming fare hike.

In line with this, Akbayan! Youth – PNU Manila strongly calls on Philippine Normal University to implement a temporary shift to online classes in light of the ongoing oil crisis and its impact on student mobility.

In this time of crisis, accessibility to education must not come at the expense of students’ welfare and safety. A temporary shift to online classes is a practical and compassionate response that ensures continuity of learning while easing the burden on students. We call on the administration to act with urgency and stand in solidarity with the student body.

𝐒𝐡𝐢𝐟𝐭 𝐭𝐨 𝐎𝐧𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐍𝐨𝐰.





01/04/2026
𝗧𝗿𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗲𝘀𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗶𝗻 𝗘𝗗𝗦𝗔 𝟮.𝟬 - 𝗡𝗢𝗩 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟱LAHAT ng KURAKOT, DAPAT MANAGOT.Marcos, Panagutin! Sara, Litisin!The spiri...
28/11/2025

𝗧𝗿𝗶𝗹𝗹𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗲𝘀𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗵 𝗶𝗻 𝗘𝗗𝗦𝗔 𝟮.𝟬 - 𝗡𝗢𝗩 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟱
LAHAT ng KURAKOT, DAPAT MANAGOT.
Marcos, Panagutin! Sara, Litisin!

The spirit of November 30 lies in the continuous struggle against theft and abuse by elites, both foreign and domestic. The suffering of the Filipino people cannot wait, whether from floods or the refusal to act NOW. We cannot stand idly by, we must all stand together in arms.

Let us make our anger meaningful. Ikulong ang mga Kurakot. Ibalik ang pera at dignidad ng taumbayan.
DINASTIYA, WAKASAN! TAUMBAYAN NAMAN!

When:
7:30 AM - Start of March 9
AM - Rally & Concert

Where: EDSA People Power Monument

Join the TRILLION PESO MARCH 2.0 GC:
https://m.me/j/AbYhszDA8qQJIkSH/

Address

España Boulevard
Sampaloc
1008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Akbayan Youth - UST posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Akbayan Youth - UST:

Share