28/10/2025
Sa pangunguna ni Hon. Isidro Dacles Jr. Brgy. Captain Kasama ang Sangguniang members ay matagumpay na naisagawa ang Feeding Program para sa mga kabataan.
Layunin ng programang ito na mapalakas ang kalusugan, mapabuti ang nutrisyon, at mapaunlad ang kabuuang kalagayan ng mga bata. Sa simpleng pagbibigay ng pagkain naipapakita ang malasakit at pagmamahal ng barangay sa mga susunod na henerasyon.
“Alaga sa Kabataan, Alaga sa Kinabukasan.”
Ang busog na tiyan ay simula ng busog na pag-asa.
Maraming salamat sa lahat ng BHW at BNS sa walang sawang tulong sa paghahanda at pagluluto ng mga pagkain para sa mga bata — sa mga magulang at mga kabataang naging bahagi ng makabuluhang aktibidad na ito. Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog at maasikasong Barangay Paco.