18/09/2025
Isinagawa ang isang re-echo session upang muling pagtibayin ang mahahalagang tungkulin at responsibilidad ng mga Community Youth Leaders at Student Leaders sa pambansang kaunlaran at pamamahalang lokal. Layunin din ng gawaing ito na muling hubugin ang pananaw hinggil sa Sangguniang Kabataan, bilang isang mahalagang plataporma para sa makabuluhang partisipasyon ng kabataan, paghubog ng pamumuno, at pagbibigay-lakas sa komunidad. Sa pamamagitan nito, hinihikayat ang mga kabataang lider na isabuhay ang pananagutan, integridad, at paglilingkod na nakatuon sa kapwa, upang higit na mapatatag ang sektor ng kabataan tungo sa isang mas inklusibo at masiglang pamayanan.
Ito ay dahil sa liderato ng minamahal na Punong Bayan, Kgg. Jerry M. Pagbilao at pangunguna din ng Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, Kgg. Neil Jestoni T. Antonio. Nagbigay din ng technical assistance ang Local Youth Development Office upang maisagawa ng maayos ang nasabing kaganapan.
Pasasalamat sa Saguday National High School sa pangunguna ng kanilang Punong G**o, Dr. Magdalena U. Aquino at ng SSG Adviser, Maโam Miel B. Escalante.