08/10/2023
BASAHIN: 101 sambahayan nagsipagtapos bilang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa bayan ng Sablayan
Muling isinagawa ang pagkilala o "Pugay Tagumpay" sa mga benepisyaryo ng 4Ps na nagsipagtapos na sa programa sa bayan ng Sablayan nito lamang ika-6 ng Oktubre, 2023.
Ang mga nagsipagtapos na benepisyaryo ay inendorso na sa Lokal na Pamahalaan ng Sablayan, kasabay nito ang mga Case Folders na naglalaman ng mga impormasyon na makatutulong upang matiyak ang after care na isasagawa ng LGU para sa bawat sambahayan. Ang seremonya ng pagtanggap ay pinangunahan ni Ms. Elaine Faith Gonzales, OIC-MSWDO. Kasabay ng pagtanggap ng Lokal na Pamahalaan ay ang pangakong patuloy na gagawing prayoridad ang bawat sambahayang nagsipagtapos upang tuloy-tuloy na makatanggap ng mga serbisyong kanilang kinakailangan sa muling pagpapatuloy na kanilang buhay.
Matapos ang pag-endorso, kinilala rin ng DSWD Municipal Operations Office Sablayan ang pagsusumikap ng bawat benepisyaryo na maiangat ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan nang maayos na paggamit ng ayuda na kanilang natatanggap mula ng sila ay maging miyembro hanggang sa kanilang pagtatapos sa programa. Bilang pasasalamat naman sa programa ay nagbigay patotoo ang tatlong benepisyaryo sa katauhan ni Gng. Marites Bolasco mula sa Brgy. Ligaya, Gng. Florida Manzano mula sa Brgy. San Francisco at G. Francisco Llave mula sa Brgy. Poblacion, kung saan ay ibinahagi nila ang buong-pusong pasasalamat sapagkat naging mahalagang bahagi ng kanilang buhay ang Programang Pantawid Pamilya, higit sa naging tulong nito upang matustusan at mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak at mapanatiling malusog at may sapat na nutrisyon ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.
Mula sa MOO Sablayan, taos-puso naming ipinaaabot ang pasasalamat sa pakikibahagi ng bawat benepisyaro upang kilalanin ang kanilang pagsusumikap habang sila ay nasa ilalim ng programa. Gayundin ang pasasalamat sa mga sumusunod sa kanilang pagsuporta upang masigurong magiging matagumpay ang aktibidad na ito:
📣 Gov. Eduardo B. Gadiano sa pamamagitan ni Ms. Grace Fille - OIC-Executive Assistant
📣 Ms. Rosalina Lamoca (PSWDO) sa pamamagitan ni Ms. Michelle Joy Gallinera - SWO I
📣 Mayor Walter "B**g" Marquez
📣 Vice Mayor Edwin Mintu
📣 Sangguniang Bayan Members of Sablayan
📣 Department Heads especially to the very supportive OIC-MSWDO Ms. Elaine Faith Gonzales
📣 SAMVEMCO
📣 Occidental Mindoro Cooperative Bank