PBS - Programa para sa Bayan at Sambayanan

PBS - Programa para sa Bayan at Sambayanan News and Commentary

TARABIANGAN ROXAS 📢 PAMPUBLIKONG PAUNAWALIBRENG SERBISYO NG NOTARYO AT LEGAL NA KONSULTASYONSa pamamagitan ng pagsisikap...
13/08/2026

TARABIANGAN ROXAS

📢 PAMPUBLIKONG PAUNAWA

LIBRENG SERBISYO NG NOTARYO AT LEGAL NA KONSULTASYON

Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Mayor Pedy Bautista Sabando, ang Public Attorney’s Office (PAO), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Roxas, ay nag-aanyaya sa publiko na samantalahin ang LIBRENG SERBISYO NG NOTARYO AT LEGAL NA KONSULTASYON sa mga sumusunod na iskedyul:

📅 ISKEDYUL NG PROGRAMA

Unang Sesyon:
📅 Agosto 13, 2026
⏰ 1:00 PM – 5:00 PM
📍 Tanggapan ng Municipal Administrator

Ikalawang Sesyon:
📅 Agosto 14, 2026
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Barangay Hall ng Abaroan

📢 ESPESYAL NA PAUNAWA:
Hinihikayat ang mga residente ng mga barangay na malalapit sa Abaroan na dumalo at samantalahin ang libreng serbisyong legal na ito.

✅ MGA SERBISYONG IPAGKAKALOOB:

Libreng serbisyong notaryo para sa mga kwalipikadong indigent o kapus-palad na kliyente;

Libreng legal na payo at konsultasyon tungkol sa mga usaping sibil, kriminal, at administratibo.

📞 PARA SA MGA KATANUNGAN:

Leah Catherine T. Pelisco
📱 0993-503-6920

O maaaring bumisita sa Tanggapan ng Municipal Administrator.

Ang programa ay bukas para sa lahat ng kwalipikadong residente ng Roxas. Bibigyang-prayoridad ang mga indigent at mababa ang kita.

📌 Paalala: Magdala ng balidong pagkakakilanlan (ID) at mga kinakailangang suportang dokumento para sa serbisyong nais ipagawa.

MAYOR PEDY B. SABANDO, PATULOY ANG PAGTUTOK SA PAGPAPALAKAS AT PAGPAPAUNLAD NG TURISMO SA BAYAN NG ROXAS !!!‎‎Patuloy an...
11/08/2026

MAYOR PEDY B. SABANDO, PATULOY ANG PAGTUTOK SA PAGPAPALAKAS AT PAGPAPAUNLAD NG TURISMO SA BAYAN NG ROXAS !!!

‎Patuloy ang pagtutok ni Roxas Municipal Mayor Pedy B. Sabando sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng sektor ng turismo sa bayan ng Roxas, bilang bahagi ng kanyang adhikain na higit pang mapalago ang lokal na ekonomiya at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga mamamayan.

‎Dumalo mismo si Mayor Sabando sa isinagawang pagpupulong ng Municipal Tourism Development Council (MTDC), kung saan tinalakay ang mga pangunahing hakbang at programa para sa mas organisado, inklusibo at sustainable na pagpapaunlad ng turismo sa bayan.

‎Pinangunahan naman ang pagpupulong ni Marilou Gonzalez, OIC ng Tourism Office, kasama ang mga department heads ng lokal na pamahalaan, mga may-ari at kinatawan ng iba't ibang establisyemento, at mga tourism stakeholders na may mahalagang papel sa pagsusulong ng masigla at responsableng industriya ng turismo sa Roxas.

‎Sa ilalim ng Executive Order No. 130, Series of 2026, muling binuo ang Municipal Tourism Development Council bilang coordinating at advisory body na tututok sa pagpaplano, pagpapatupad, monitoring at evaluation ng mga programa at proyekto para sa turismo ng bayan.

‎Kabilang sa mga tinalakay sa pagpupulong ang paglikha ng Tourist Information and Assistance Center, pagbuo ng mga tour packages, paghahanda ng Tourism Code, mga ulat at mungkahi mula sa tourism stakeholders, gayundin ang iba pang hakbang upang higit pang mapaunlad at maipakilala ang mga potensyal na destinasyon at tourism assets ng Roxas.

‎Ayon kay Mayor Pedy B. Sabando, ang turismo ay hindi lamang tungkol sa pagpapakilala ng magagandang tanawin at destinasyon ng Roxas, kundi isang mahalagang instrumento upang makalikha ng kabuhayan, mapalakas ang mga lokal na negosyo, masuportahan ang mga tourism workers at mapakinabangan ng buong komunidad ang mga oportunidad na hatid ng turismo.

‎Layunin ng alkalde na magkaroon ng isang maayos, organisado, sustainable at community-based na tourism development kung saan aktibong nakikibahagi ang lokal na pamahalaan, pribadong sektor, mga tourism stakeholders at mismong mga komunidad.

‎Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga likas na yaman, kultura at pagkakakilanlan ng Roxas habang isinusulong ang turismo, upang matiyak na ang pag-unlad ng sektor ay hindi lamang para sa kasalukuyan kundi maging kapaki-pakinabang sa mga susunod na henerasyon.

‎Sa pamamagitan ng mas pinagtibay na koordinasyon ng MTDC at ng iba't ibang tourism stakeholders, inaasahang mas mapapalakas ang promosyon ng Roxas bilang isang kaakit-akit na destinasyon, kasabay ng pagbibigay ng mas magandang karanasan sa mga turista at mas maraming oportunidad para sa mga mamamayan.

‎Layunin ng administrasyong ni Mayor Pedy B. Sabando na ang turismo ay maging katuwang sa pag-unlad ng Roxas isang sektor na lumilikha ng oportunidad, nagpapalakas sa lokal na ekonomiya at nagbubukas ng mas magandang kinabukasan para sa bawat Roxaseño.

‎⌨️🖥️ Francis D Locairo
‎ ☝️ PBS- Programa para sa Bayan at Sambayanan
‎ 📸 MPBS
‎ 🏣 OMM MIOffice

MGA PROYEKTO AT OPERASYON NG LOKAL NA PAMAHALAAN, PERSONAL NA TINUTUTUKAN NI MAYOR PEDY B. SABANDO‎‎Upang matiyak ang ma...
11/08/2026

MGA PROYEKTO AT OPERASYON NG LOKAL NA PAMAHALAAN, PERSONAL NA TINUTUTUKAN NI MAYOR PEDY B. SABANDO

‎Upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto at operasyon at patuloy na maihatid ang nararapat na serbisyo sa mamamayan, personal na tinututukan ni Roxas Municipal Mayor Pedy B. Sabando ang mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas.

‎Bilang bahagi ng kanyang regular na pagmomonitor, binisita ng alkalde ang kasalukuyang isinasagawang pansamantalang gusali ng WPU-PPSAT-TESDA sa Barangay Magara upang personal na makita ang progreso ng konstruksyon.

‎Sa kanyang pagbisita, sinuri ni Mayor Sabando ang kalagayan at pagsulong ng proyekto upang matiyak na maayos ang pagkakagawa nito, naaayon sa itinakdang pamantayan at matatapos sa lalong madaling panahon.

‎Layunin ng proyekto na makapagbigay ng mas maayos at angkop na pasilidad para sa mga mag-aaral at trainees ng Western Philippines University–PPSAT-TESDA, upang magkaroon sila ng mas magandang lugar para sa pag-aaral at pagsasanay sa technical-vocational education.

‎Mahalaga rin ang pagkakaroon ng ganitong pasilidad upang higit pang mapalawak ang access ng mga kabataan at iba pang residente ng Roxas sa mga programang pang-edukasyon at skills training na maaaring magbukas ng oportunidad para sa trabaho at kabuhayan.

‎Samantala, nagtungo rin ang alkalde sa MDRRMO Sub-Station sa Barangay Nicanor Zabala upang personal na masubaybayan ang kalagayan at kahandaan ng pasilidad at mga tauhan na nakatalaga rito.

‎Layunin ng pagbisita na matiyak na ang sub-station ay handa at functional sa oras ng emergency, lalo na sa panahon ng bagyo, pagbaha, landslide, aksidente at iba pang kalamidad o insidente na maaaring mangailangan ng agarang pagtugon.

‎Mahalaga ang pagkakaroon ng mga sub-station sa mga estratehikong lugar upang mapabilis ang pagresponde ng mga rescue personnel sa mga nangangailangan ng tulong, lalo na sa mga komunidad na malayo sa sentrong bayan.

‎Sa patuloy na personal na pagmomonitor ni Mayor Pedy B. Sabando sa mga proyekto, pasilidad at operasyon ng Lokal na Pamahalaan, layunin nitong matiyak na ang bawat programa ay naipatutupad nang maayos at ang mga serbisyong pampubliko ay mabilis at epektibong nakararating sa mga mamamayan.

‎⌨️🖥️ Francis D Locairo
‎ ☝️ PBS- Programa para sa Bayan at Sambayanan
‎ 📸 MPBS
‎ 🏣 OMM MIOffice

LOKAL NA PAMAHALAAN NG ROXAS PINALALAKAS ANG KAHANDAAN SA KALAMIDAD SA PAMAMAGITAN NG RDANA TRAINING ‎‎Para higit pang m...
11/08/2026

LOKAL NA PAMAHALAAN NG ROXAS PINALALAKAS ANG KAHANDAAN SA KALAMIDAD SA PAMAMAGITAN NG RDANA TRAINING

‎Para higit pang mapalakas ang kahandaan at kakayahan sa pagtugon sa anumang uri ng kalamidad, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa pamumuno ni Mayor Pedy B. Sabando ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Training.

‎Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang kakayahan ng mga itinalagang RDANA Team sa mabilis, sistematiko at tumpak na pagtatasa ng lawak ng pinsala at mga pangangailangan ng mga apektadong komunidad pagkatapos ng isang kalamidad.

‎Sa pamamagitan ng RDANA, mas mabilis na matutukoy ang mga lugar, pasilidad at sektor na nangangailangan ng agarang tulong, kabilang ang pagkain, tubig, tirahan, serbisyong pangkalusugan, rescue operations at iba pang pangunahing pangangailangan. Magsisilbi rin itong mahalagang batayan sa pagpaplano ng mga susunod na hakbang sa disaster response at recovery.

‎Nagbahagi ng kanilang kaalaman, mga teknik at aktuwal na karanasan sa damage assessment at disaster response sina Shiela Marie S. Reyes, Field Officer III ng OCD MIMAROPA; Engr. Alyssa Marie G. Abonales, Chief ng Risk Reduction Unit ng Palawan DRRMO; at Mary Charrie A. Pe-Mapanao, Provincial DRRM-H Manager.

‎Sa isinagawang pagsasanay, binigyang-diin ang kahalagahan ng mabilis ngunit maingat na pangangalap at pagsusuri ng datos upang matiyak na ang mga desisyon at aksyon ng pamahalaan ay nakabatay sa aktuwal na sitwasyon at pangangailangan ng mga apektadong residente.

‎Mahalaga rin ang pagkakaroon ng isang organisado at mahusay na RDANA Team upang makapagbigay agad ng impormasyon sa mga kinauukulang tanggapan at makatulong sa tamang paglalaan ng mga resources at serbisyo sa panahon ng emergency.

‎Ayon kay Mayor Pedy B. Sabando, ang isang handa, mahusay at organisadong RDANA Team ay mahalagang susi upang masigurong ang bawat mamamayan ay mabibigyan ng mabilis, maayos at epektibong serbisyo sa oras ng sakuna.

‎Patuloy namang isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas ang mga programa at pagsasanay na naglalayong palakasin ang disaster preparedness at response capability ng bayan, bilang bahagi ng layunin nitong maprotektahan ang buhay, kabuhayan at kapakanan ng bawat mamamayan.

‎Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay, koordinasyon at pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan at ahensya, mas nagiging handa ang Roxas sa anumang hamon na maaaring idulot ng kalamidad.

‎⌨️🖥️ Francis D Locairo
‎ ☝️ PBS- Programa para sa Bayan at Sambayanan
‎ 📸 MPBS
‎ 🏣 OMM MIOffice

PAGPAPAILAW SA SITIO GREEN ISLAND SA BARANGAY TUMARBONG, MAISASAKATUPARAN NA‎‎Isinusulong na ng Lokal na Pamahalaan ng R...
11/08/2026

PAGPAPAILAW SA SITIO GREEN ISLAND SA BARANGAY TUMARBONG, MAISASAKATUPARAN NA

‎Isinusulong na ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas ang agarang pagpapailaw sa Sitio Green Island sa Barangay Tumarbong bilang pagtupad sa pangako ni Roxas Municipal Mayor Pedy B. Sabando sa mga residente ng nasabing isla.

‎Nagsagawa ng pagpupulong si Mayor Sabando kasama si Engr. Rez L. Contrivida, General Manager ng Palawan Electric Cooperative (PALECO), at Engr. Teodoro V. Cayetano, upang talakayin at mapabilis ang mga kinakailangang hakbang para sa pagsasakatuparan ng proyekto.

‎Ayon kay Mayor Sabando, patuloy niyang isinusulong ang proyekto upang sa lalong madaling panahon ay magkaroon ng maayos, ligtas at maaasahang suplay ng kuryente ang mga residente ng Green Island.

‎Ang pagpapailaw sa lugar ay isa sa matagal nang hinihiling at inaasam ng komunidad, lalo na sa pagpapabuti ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, kaligtasan, edukasyon, komunikasyon, at kabuhayan.

‎Layunin din ng proyekto na makapagbigay ng mas magandang oportunidad sa mga residente at makatulong sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access sa kuryente.

‎Matatandaang personal na pinuntahan at ininspeksyon ni Mayor Sabando ang lugar na maaaring paglagyan ng pasilidad ng PALECO sa nasabing isla, bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na maisakatuparan ang pangmatagalang solusyon sa pangangailangan sa kuryente ng mga residente.

‎Sa patuloy na pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas at PALECO, umaasa ang pamahalaang bayan na maisasakatuparan sa lalong madaling panahon ang pagpapailaw sa Sitio Green Island isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas maunlad at mas magandang kinabukasan para sa mga residente ng isla.

‎⌨️🖥️ Francis D. Locairo
‎ ☝️ PBS- Programa para sa Bayan at Sambayanan
‎ 📸 MPBS
‎ 🏣 OMM MIOffice

MGA KATUTUBONG BATAK SA BARANGAY CARAMAY, NAKATANGGAP NG LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN AT IBA PANG TULONG MULA SA LOK...
07/08/2026

MGA KATUTUBONG BATAK SA BARANGAY CARAMAY, NAKATANGGAP NG LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN AT IBA PANG TULONG MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN !!!

‎Nakatanggap ng libreng bunot ng ngipin, libreng gupit, dental kits, at mga tsinelas ang mga kapatid nating katutubong Batak sa Sitio Camire/Kinyugan, Barangay Caramay, Roxas, Palawan sa pamamagitan ng serbisyong inilapit ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa direktiba ni Roxas Municipal Mayor Pedy B. Sabando.

‎Isinagawa ang naturang outreach activity bilang tugon sa kahilingan ng mga katutubong Batak na mailapit sa kanilang komunidad ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, lalo na ang pangangalaga sa kalusugan ng ngipin. Dahil sa layo ng kanilang lugar at limitadong akses sa mga serbisyong medikal, minabuti ng lokal na pamahalaan na personal na dalhin ang mga kinakailangang serbisyo upang higit na mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kapakanan.

‎Bukod sa libreng bunot ng ngipin at gupit, pinagkalooban din ang bawat benepisyaryo ng dental kit na naglalaman ng toothbrush at toothpaste upang mahikayat ang tamang kalinisan at pangangalaga sa ngipin. Nakatanggap din sila ng mga tsinelas na magagamit sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

‎Pinangunahan ang aktibidad ni Dr. Reynaldo E. Magpantay, kasama si MCAPAO Head Raquel S. Vicera bilang kinatawan ni Mayor Pedy B. Sabando, na naghatid din ng mensahe ng suporta at pagmamalasakit ng alkalde para sa komunidad ng mga katutubo. Naging katuwang din sa matagumpay na pagsasagawa ng programa ang mga volunteer at iba pang ahensyang nakiisa sa paghahatid ng iba't ibang serbisyo.

‎Nagpakita rin ng suporta sa aktibidad si Sangguniang Bayan Member Gerry C. Garnado, na personal na dumalo upang makiisa sa paghahatid ng mga serbisyong nakalaan para sa mga katutubong Batak.

‎Samantala, taos-pusong nagpasalamat ang mga opisyal ng Barangay Caramay sa pangunguna ni Punong Barangay Apolinario M. Dangan at Barangay IPMR Sonny Dela Cruz, Chieftain Danilo Bonales kay Mayor Pedy B. Sabando at sa buong Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa patuloy na pagbibigay ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga katutubo at iba pang sektor ng lipunan.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng naturang programa na mailapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at panlipunan sa mga komunidad na malalayo sa sentro ng bayan, mapabuti ang kalusugan at kalinisan ng mga katutubo, at matiyak na walang sektor ng lipunan ang naiiwan sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan. Patunay ito ng patuloy na hangarin ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas na makapaghatid ng inklusibo, makatao, at dekalidad na serbisyo para sa lahat ng mamamayan.

‎⌨️🖥️ Francis Locairo
‎ ☝️ PBS- Programa para sa Bayan at Sambayanan
‎ 📸 MPBS
‎ 🏣 OMM MIOffice

SERBISYONG PUBLIKO NG LOKAL NA PAMAHALAAN, TARABIANGAN PROGRAM AT RETOOLED COMMUNITY SUPPORT PROGRAM ISINAGAWA SA BARANG...
07/08/2026

SERBISYONG PUBLIKO NG LOKAL NA PAMAHALAAN, TARABIANGAN PROGRAM AT RETOOLED COMMUNITY SUPPORT PROGRAM ISINAGAWA SA BARANGAY SAN ISIDRO !!!

‎Muling inilapit ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa pamumuno ni Roxas Municipal Mayor Pedy B. Sabando ang iba't ibang serbisyong pampubliko sa pamamagitan ng Tarabiangan Program at Retooled Community Support Program (RCSP) na isinagawa sa Barangay San Isidro.

‎Layunin ng programa na mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga residente upang hindi na nila kailangan pang bumiyahe sa sentro ng bayan para makakuha ng kinakailangang tulong at serbisyo. Naging daan din ito upang mas mapalakas ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng komunidad sa patuloy na paghahatid ng maagap at dekalidad na serbisyo.

‎Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang libreng medical check-up at pamamahagi ng gamot, bunot ng ngipin, libreng gupit, massage therapy, libreng tuli, pamamahagi ng iba't ibang uri ng butong pantanim, pagsasaayos ng mga legal na dokumento, gayundin ang pagbibigay ng impormasyon at paglilinaw sa iba't ibang programa at serbisyo ng pamahalaan.

‎Nagbigay rin ng kaukulang impormasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni MLGOO Ann Marie Salvie H. Ylagan, kasama ang iba pang mga tanggapan ng pamahalaan, upang sagutin ang mga katanungan ng mga residente at maipaliwanag ang mga programang maaari nilang mapakinabangan.

‎Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Pedy B. Sabando ang kahalagahan ng patuloy na pagdadala ng mga serbisyo ng pamahalaan sa bawat barangay bilang patunay ng isang pamahalaang may malasakit, pagmamahal, at tunay na naglilingkod sa mamamayan.

‎Ayon pa sa alkalde, bahagi ito ng kanyang pangako na higit pang pagbutihin ang kanyang pamumuno at tiyaking ang bawat Roxaseño ay magkakaroon ng pantay na pagkakataong makinabang sa mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan.

‎"Patuloy nating ilalapit ang serbisyo sa ating mga kababayan dahil naniniwala tayo na ang tunay na paglilingkod ay nararamdaman ng mamamayan. Sisikapin nating maabot ang bawat barangay upang matiyak na walang Roxaseñong maiiwan sa mga programa at serbisyong inihahatid ng ating pamahalaan," ani Mayor Sabando.

‎Sa pamamagitan ng Tarabiangan Program at RCSP, muling ipinakita ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas ang matatag nitong layunin na maghatid ng inklusibo, maagap, at makataong serbisyo publiko. Inaasahan na magpapatuloy ang ganitong mga programa sa iba pang barangay upang mas maraming mamamayan ang makinabang at mas mapalapit ang pamahalaan sa bawat pamilyang Roxaseño.

‎⌨️🖥️ Francis D. Locairo
‎ ☝️ PBS- Programa para sa Bayan at Sambayanan
‎ 📸 MPBS
‎ 🏣 OMM MIOffice

EXECUTIVE MEETING ISINAGAWA PARA SA MAS EPEKTIBONG PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMA AT SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAAN !!!‎‎...
07/08/2026

EXECUTIVE MEETING ISINAGAWA PARA SA MAS EPEKTIBONG PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMA AT SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAAN !!!

‎Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng pamamahala at paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa mamamayan, nagsagawa ng Executive Meeting ang Lokal na Pamahalaan ng Roxas nitong nakalipas na Lunes.

‎Pinangunahan ni OIC Municipal Administrator Engr. Teodoro V. Cayetano Jr., bilang kinatawan ni Roxas Municipal Mayor Pedy B. Sabando, ang naturang pagpupulong na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang national government agencies, mga department heads, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.

‎Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay ang mga kasalukuyang operasyon at serbisyo ng bawat tanggapan, kabilang ang mga pangangailangan ng bawat departamento, mga hamon sa pagpapatupad ng kani-kanilang programa, at mga hakbang upang higit pang mapahusay ang koordinasyon at paghahatid ng serbisyo publiko.
‎Layunin ng executive meeting na matiyak ang maayos na pagpaplano, epektibong pagpapatupad ng mga proyekto, at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.

‎Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa mga prayoridad na programa ng lokal na pamahalaan at mga estratehiya upang mapanatili ang mahusay na ugnayan ng mga tanggapan sa pagpapatupad ng mga proyekto at inisyatiba para sa kapakanan ng mga Roxaseño.

‎Samantala, nilinaw naman ng kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang umiiral na proseso sa pagtatalaga ng isang alkalde ng pansamantalang hahalili sa kanyang tungkulin sakaling siya ay pansamantalang wala, alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran. Ang naturang pagpapaliwanag ay naglalayong matiyak ang maayos na pagpapatuloy ng pamamahala at walang patid na paghahatid ng serbisyo publiko sa anumang pagkakataon.

‎Sa pamamagitan ng mga regular na executive meeting, higit na napapalakas ang koordinasyon ng iba't ibang tanggapan, napapabilis ang pagresolba sa mga suliranin, at natitiyak ang mas episyente at mas transparent na pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng pamahalaang lokal.

‎Patuloy namang isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas, sa pamumuno ni Mayor Pedy B. Sabando, ang isang mahusay, responsable, at tapat na pamamahala na nakatuon sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng buong bayan ng Roxas.

‎⌨️🖥️ Francis D. Locairo
‎ ☝️ PBS- Programa para sa Bayan at Sambayanan
‎ 📸 MPBS
‎ 🏣 OMM MIOffice

PONDONG PAMBARANGAY NA NAGKAKAHALAGA NG  ₱100,000, TINANGGAP NG BARANGAY ABAROAN !!!‎‎Patuloy ang pamamahagi ng pondong ...
07/08/2026

PONDONG PAMBARANGAY NA NAGKAKAHALAGA NG ₱100,000, TINANGGAP NG BARANGAY ABAROAN !!!

‎Patuloy ang pamamahagi ng pondong pambarangay ng Lokal na Pamahalaan ng Roxas sa pamumuno ni Roxas Municipal Mayor Pedy B. Sabando bilang suporta sa mga programa at aktibidad ng bawat barangay.

‎Nakatanggap ang Barangay Abaroan ng pondong nagkakahalaga ng ₱100,000, na personal na iniabot ni OIC Municipal Administrator Engr. Teodoro V. Cayetano Jr. sa Ingat-Yaman ng Barangay Abaroan.

‎Ang naturang pondo ay bahagi ng ipinangakong suporta ni Mayor Pedy B. Sabando sa lahat ng barangay sa bayan ng Roxas. Layunin nitong makatulong sa pagpopondo ng mga pagdiriwang tulad ng foundation day, festival, at iba pang mahahalagang aktibidad na isinasagawa sa kani-kanilang komunidad.

‎Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga opisyal ng Barangay Abaroan sa pangunguna ni Punong Barangay Henry Cacatian kay Mayor Pedy B. Sabando at sa Lokal na Pamahalaan ng Roxas. Ayon sa kanila, malaking tulong ang pondong ito dahil makatutulong itong matugunan ang mga naging gastusin ng barangay sa katatapos lamang nilang festival.

‎Layunin ng programang ito na higit pang mapalakas ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga barangay upang maisulong ang mga programang pangkaunlaran, mapanatili ang pagkakaisa ng komunidad, at matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng mga gawaing nagtataguyod sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Roxas.

‎⌨️🖥️ Francis D. Locairo
‎ ☝️ PBS- Programa para sa Bayan at Sambayanan
‎ 📸 MPBS
‎ 🏣 OMM MIOffice

Address

Poblacion
Roxas
5308

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PBS - Programa para sa Bayan at Sambayanan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share