17/06/2026
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng miyembro ng RBLGBT sa inyong walang sawang suporta, dedikasyon, at aktibong pakikilahok sa bawat programa at adbokasiyang ating isinusulong. Ang inyong pagkakaisa at pagmamahal sa RBLGBT ang nagsisilbing inspirasyon upang patuloy tayong lumaban para sa pagkakapantay-pantay at inklusibong lipunan.
Sa mga officers nang RBLGBT hindi biro ang inyo mga ginawa para lang maging matagumpay at buo ang ating samahan. Siguro sa marami ay ito ay simple lang na responsibilidad ngunit saksi at kita ng aking dalawa mata kung paano nyo ibinubuhos ang inyong lakas, isakripisyo ang inyo trabaho at ilaan ang oras na dapat sana ay kasama nyo ang inyo mga pamilya, kulang na kulang ang salitang salamat sa inyong lahat. Sana kayo ay bigyan nang marami pang biyaya nang panginoon at lakas nang katawan upang mapagpatuloy ang ating mga nasimulan. Muli maraming maraming salamat sa inyong lahat.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Rosario sa patuloy na pagtitiwala, suporta, at pakikiisa sa aming mga layunin. Ang inyong malasakit at pagbibigay-halaga sa LGBTQIA+ community ay patunay na ang Bayan ng Rosario ay tahanan ng pagkakapantay-pantay, respeto, at pagkakaisa.
Sa ating pong Mayor Leovigildo "Kuya Leovy" Morpe sa pagkakaloob nang 112 RBLGBT uniforms para aa mga officers at members at s Vice Mayor Tany Zara upang kami ay maayos na makarating sa Bayan nang Batangas at makabalik nang ayos at ligtas maraming salamat po sa lagi ninyong pagsuporta sa RBLGBT.
Sa Municipal Administratior Dr. Josephine Altura maraming salamat po sa pagpapatibay nang aming samahan upang maging maayos at buo ang aming samahan. Maraming salamat po.
Sa ating MSWDO Head Maam Sonia Triviรฑo at Focal Person Maam Maricel Castillo na simula umpisa hanggang dulo kaming sinusuportahan, kami pong bumubuo nang RBLGBT ay masayang masaya na naging parte kayo sa aming mga pinaglalaban. Maraming salamat po.
Andyan din po si Maam Jinky na laging kaming sinusuportahan sa ano mang aming nais na programa. Maraming salamat po sa buong pusong pagtanggap at siguraduhin ok ang lahat sa RBLGBT.
Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat kina Festival Queen Mikaela Alday at Festival King Camille Zara sa marangal na pagrerepresenta sa Bayan ng Rosario sa pagtitipon ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang distrito ng Batangas.
Ang inyong husay, kumpiyansa, at dedikasyon ay tunay na nagbigay ng karangalan at inspirasyon sa ating bayan. Ipinakita ninyo ang ganda, saya at puso ng bawat Rosarian sa pamamagitan ng inyong natatanging pagganap.
Anuman ang naging resulta, kayo ay aming ipinagmamalaki dahil dala ninyo ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahal sa komunidad, at ang makulay na kultura ng Rosario.
Maraming salamat sa pagdadala ng ating pangalan nang may dangal at pagmamalaki. Patuloy kayong maging inspirasyon sa ating komunidad.
Mabuhay sina Festival Queen Mikaela Alday at Festival King Camille Zara! Mabuhay ang Bayan ng Rosario! ๐ณ๏ธโ๐โจ๐
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa aming mga sponsors Tan Wanam Rosario, Salcedo Lomi House, Kim and Tin Lomi House, Sir Ryan Ayong, Ate Giselle Ayong at Alvin Luces sa inyong patuloy at walang sawang suporta sa aming mga programa at gawain.
Ang inyong kabutihang-loob at pakikiisa ay malaking inspirasyon sa aming samahan. Dahil sa inyong tulong, mas napapalakas namin ang aming adbokasiya at mas marami pa kaming napaglilingkuran sa komunidad.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at pagmamahal sa RBLGBT. Nawaโy patuloy pa ang ating magandang samahan at pagtutulungan para sa mas inklusibo at mas makulay na Bayan ng Rosario.
Sa lahat po nang tumulong at sumuporta sa RBLGT maraming salamat po.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang komunidad na bukas, makulay, at may malasakit sa bawat isa.
Maraming salamat at mabuhay ang RBLGBT at ang Bayan ng Rosario! ๐ณ๏ธโ๐