03/06/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐: Taos-pusong pagbati at pagpupugay sa Romblon Football Boys Secondary Team at Romblon Futsal Girls Secondary Team sa kanilang matagumpay na paglahok sa Palarong Pambansa 2026.
Bagamaโt nagtapos ang laban ng Football Boys Secondary Team sa quarterfinals at ng Futsal Girls Secondary Team sa elimination round, hindi matatawaran ang husay, determinasyon, at pusong ipinakita ng ating mga atleta sa bawat laban. Ang makarating sa Palarong Pambansa ay isang malaking karangalan hindi lamang para sa kanilang mga koponan kundi para sa buong bayan ng Romblon.
Lubos na ipinagmamalaki ng Lokal na Pamahalaan ng Romblon, sa pangunguna ni Municipal Mayor Atty. Gerard S. Montojo, ang dedikasyon at disiplina na kanilang ipinamalas bilang mga kinatawan ng ating bayan. Sa kanilang ipinakitang galing at sportsmanship, tunay nilang naitaas ang bandera ng Romblon sa pambansang kompetisyon.
Muli, binabati namin ang buong koponan, mga coaches/trainers, at mga magulang sa isang kahanga-hangang paglalakbay. Higit sa anumang resulta, ang inyong pagsisikap, sakripisyo, at pagmamalasakit sa bayan ang tunay na tagumpay na inyong naiuwi at nagsisilbing inspirasyon sa susunod pang henerasyon ng mga atletang Romblomanon.
๐ช๐ฒ ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฑ ๐ผ๐ณ ๐๐ผ๐!
๐ธ ๐ฃ๐ต๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐ฟ๐๐ฒ๐๐: Huen Sil and Merida Angelica Mykka