10/05/2022
Ako po at sampu ng aking pamilya ay unang una nag papasalamat sa Diyos, sa pag mamahal at pag gabay na ibinigay sakin mula umpisa hanggang matapos ang halalan, pangalawa ay nag papasalamat po ako ng Lubos sa no1 Vice Mayor ko Roy Cuerpo sa pag yakap at pag bigay ng oportunidad sakin na mapabilang sa buong Tatak Cuerpo ganun din sa kanyang May bahay at pamilya at mga kasamang staff. Pangatlo sa aking mga nakasamang kapwa kandidato at mga kani-kanilang staff salamat din po sa inyong pakikiisa at tulungan sa ating grupo.
At syempre higit salahat sa taong bayan na naniwala, nag tiwala, nagmahal at sumuporta sakin, hindi man tayo pinalad sa laban natin ngayon mananatili pa din tayong panalo sa 49 na naglaban pang 26 tayo, bilang baguhan at indipendyenteng lumaban ay hindi na din masama.
Sainyong lahat maraming salamat po muli! Ako po si Alejandro Celo (tata celo) na may puso sa pag seserbisyo publiko! Mabuhay po tayong lahat at God bless po!