31/08/2026
RADIO GUESTING SA RADYO BIÑAN 87.9 📻🎙️
BIÑAN, LAGUNA | Agosto 2026 — Naging bahagi ng isang makabuluhang talakayan ang mga Community Relations Service (CRS) Officers ng Rodriguez Municipal Jail, na kinatawan nina JO1 Laica Generose G Quibral ng Female Dormitory at JO1 Michael A Militante ng Male Dormitory, sa isinagawang Radio Guesting sa Radyo Biñan 87.9 FM - The City of Life, sa ilalim ng segment na “Laging Handa, Laging Ligtas,” na pinangunahan ng host na si Monching Monching.
Tinalakay sa guesting ang mga nalalapit na aktibidad, mga programa at gawain sa loob ng piitan, paghahanda ng mga PDL para sa kanilang reintegrasyon sa lipunan, at ang mahalagang tulong at suporta ng komunidad sa kanilang panibagong simula.
Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaaabot ng Rodriguez Municipal Jail - Female Dormitory, sa pangunguna ni SJO4 Gina Seragon Dulpina, OIC, kay Sir Monching Monching, host ng “Laging Handa, Laging Ligtas,” at sa buong Radyo Biñan 87.9 FM - The City of Life para sa imbitasyon at pagkakataong maibahagi sa publiko ang mga programa, serbisyo, at adbokasiya ng BJMP.
Para sa mga nais muling mapanood ang radio guesting, narito ang link: https://www.facebook.com/87.9fmradyobinan/videos/894721423441204
BJMP Regional Office CALABARZON
BJMP Rizal Provincial Jail Administrator's Office
Bjmp Rodriguez MJ FD
Bayan ng Montalban
Radyo Biñan 87.9 The City of Life
------------------------------------------
Para sa iba pang mga balita at updates, huwag kalimutang i-Follow at i-Like ang aming page. Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta! https://www.facebook.com/rodriguezmunicipaljailfemaledormitory/
Disclaimer: No copyright infringement intended