28/05/2026
👉PAGLILINAW PO SA USAPING “NO OSCA ID, NO DISCOUNT”👈
✅Isa po sa mga karaniwang isyu ng mga senior citizen ay kung OSCA ID lamang ba ang maaaring gamitin upang makuha ang mga diskwento at pribilehiyong itinakda ng batas.
✅Ayon sa Republic Act No. 9994 o “Expanded Senior Citizens Act of 2010 at IRR nito, sapat na ang alinmang valid government-issued ID na may petsa ng kapanganakan at nagpapatunay na ang may hawak nito ay Pilipino at edad 60 pataas.
✅Kabilang dito ang:
✔️ National ID (PhilID)
✔️ Passport
✔️ Driver’s License
✔️ UMID / SSS / GSIS ID
✔️ Postal ID
✔️ PRC ID
✔️ Iba pang valid government ID na may birthdate
✅Kinikilala ng batas, gayundin ng mga alituntunin ng DSWD at DTI, na hindi maaaring ipagkait ang 20% discount at VAT exemption sa senior citizen dahil lamang sa kawalan ng OSCA ID.
✅Ang pagpapatupad ng polisiyang “OSCA ID Only” na taliwas sa RA 9994 ay maaaring magresulta sa multa na ₱50,000 hanggang ₱100,000 at pagkakakulong ng dalawa (2) hanggang anim (6) na taon dahil sa hindi pagbibigay ng tamang diskwento at pribilehiyo sa senior citizen.
💓Gayunpaman, mas mabuti pa rin pong laging dalhin ang SENIOR CITIZEN ID upang maiwasan ang abala at mapabilis ang beripikasyon at mga transaksyon, lalo na sa pagbili ng gamot.
💓Igalang at pangalagaan natin ang karapatan ng ating mga nakatatanda. ❤️🇵🇭
゚