Nina Ynares

Nina Ynares Provincial Governor of Province of Rizal

Sa isang lingkod-bayan na hindi nakakalimot sa aming mga Rizalenyo, maraming salamat po. Ang inyong malasakit ay aming d...
13/06/2026

Sa isang lingkod-bayan na hindi nakakalimot sa aming mga Rizalenyo, maraming salamat po. Ang inyong malasakit ay aming di malilimutan. Higit pa sa mga proyektong inyong naihatid, ramdam namin ang lahat ng ito sa inyong patuloy na paglilingkod sa mamamayan. Sa hirap at ginhawa, hindi niyo po kami pinabayaan. Maraming salamat po.๐Ÿ™๐Ÿค—

Isang malakas na pagbati ng Happy Happy Birthday po, Sen. B**g Go! ๐Ÿฅณ ๐ŸŽ‚Wishing you good health, long life and safety in all that you do. Nawaโ€™y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Diyos.๐ŸŽโ˜บ๏ธ

Dahil anumang oras pwedeng tumama ang sakuna, mahalaga ang pagiging handa at magkakaugnay na pagkilos ๐ŸšจIsinagawa ang Inc...
13/06/2026

Dahil anumang oras pwedeng tumama ang sakuna, mahalaga ang pagiging handa at magkakaugnay na pagkilos ๐Ÿšจ

Isinagawa ang Incident Command System (ICS) Position Course Training sa Rizal Provincial Civic Center sa Taytay, na nilahukan ng ating emergency responders, LGUs, volunteers, at ibaโ€™t ibang stakeholders.

Taos-pusong pasasalamat kay Bokal Junrey at sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa gawaing ito. Sa pamamagitan ng tamang training, pinatitibay ang malinaw na roles at nagiging mas mabilis ang koordinasyon at organisadong pagtugon para ligtas at alerto ang bawat komunidad ng Rizal. ๐Ÿ’ช๐ŸŒฟ


Sa pagdiriwang ng Sea Transportation Safety Month, pinapaalala natin ang kahalagahan ng kaligtasan sa bawat biyahe sa da...
13/06/2026

Sa pagdiriwang ng Sea Transportation Safety Month, pinapaalala natin ang kahalagahan ng kaligtasan sa bawat biyahe sa dagat. โš“๐ŸŒŠ

Maging responsable tayong pasahero at laging sumunod sa safety protocols para iwas aksidente. Ligtas na paglalayag para sa ligtas na kinabukasan! ๐Ÿšข๐Ÿ’™


Mas naging makahulugan ang ating pagdiriwang ngayong ika-128 Araw ng Kalayaan. Mula sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog...
12/06/2026

Mas naging makahulugan ang ating pagdiriwang ngayong ika-128 Araw ng Kalayaan. Mula sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal hanggang sa muling pagpapatibay ng ating Recommitment to Stable Internal Peace and Security (SIPS).

Sa paggunita natin sa sakripisyo ng ating mga bayani, pinagtitibay din natin ang ating pangako para sa isang mapayapa, ligtas, at malayang Lalawigan ng Rizal. Ang kalayaan at kapayapaan ay magkaugnay na haliging nagpapatatag sa ating lalawigan at nagbibigay-daan sa higit na kaunlaran para sa bawat Rizalenyo.

Let us continue to work together to guard our freedom and build a Rizal that is more progressive, more secure, and truly free for every Rizalenyo.๐Ÿซกโœจ

Maligayang ika-128 Araw ng Kalayaan!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Nagkaisa tayo sa iisang layunin: ang mas ligtas at mas handang Rizal. ๐Ÿ’ป๐ŸšจIsinagawa ang 2nd Quarter 2026 Provincial Disast...
11/06/2026

Nagkaisa tayo sa iisang layunin: ang mas ligtas at mas handang Rizal. ๐Ÿ’ป๐Ÿšจ

Isinagawa ang 2nd Quarter 2026 Provincial Disaster Risk Reduction and Management Full Council Meeting kasama ang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, mga lokal na pamahalaan, at mga partner national agencies.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga paghahandang kinakailangan para sa panahon ng tag-ulan, mga posibleng epekto ng El Niรฑo, kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagbabalik-eskwela, at ang nalalapit na 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED). Sa tamang coordination at nagkakaisang pagpaplano, napapalakas natin ang kahandaan ng lalawigan laban sa anumang hamon at sakuna.

Rain or shine, gawin nating ang Rizal! ๐Ÿ’ชโœจ


โ€œLalawigan kang tanging-tangi, mahal namin magpakailanman.โ€ ๐Ÿ’šHappy 125th Anniversary, mahal naming Lalawigan ng Rizal! I...
11/06/2026

โ€œLalawigan kang tanging-tangi, mahal namin magpakailanman.โ€ ๐Ÿ’š

Happy 125th Anniversary, mahal naming Lalawigan ng Rizal! Isang pagpupugay sa ating mayamang kasaysayan, makulay na kultura, at pagkakaisang patuloy na nagbibigay-lakas at inspirasyon sa bawat Rizalenyo.

Bilang bahagi ng pagdiriwang na ito, muli tayong nagsama-sama sa province-wide clean-up drive at tree planting activity sa ilalim ng YES Program at Oplan BUSILAK. Higit pa sa pangangalaga ng kalikasan, isa itong paraan ng pagpapakita ng ating pagmamahal at malasakit sa lalawigang ating tahanan at sa kinabukasang nais nating ipamana sa susunod na henerasyon.

Sa loob ng 125 taon, sama-sama nating pinagtitibay ang isang Rizal na mas maunlad, mas luntian, at mas nagkakaisa.



Rizal Job Fair is happening NOW! ๐Ÿ’ผโœจKung naghahanap ng trabaho o panibagong career opportunity, sugod na sa ating Rizal J...
10/06/2026

Rizal Job Fair is happening NOW! ๐Ÿ’ผโœจ

Kung naghahanap ng trabaho o panibagong career opportunity, sugod na sa ating Rizal Job Fair sa Ynares Event Center, na magtutuloy-tuloy HANGGANG 3PM. Dalhin lamang ang inyong updated resume.๐Ÿ˜‰โœจ

Maraming salamat sa lahat ng employers, partner agencies, at pati na rin sa ating job seekers, na nakikiisa sa makabuluhang programang ito bilang pagdiriwang ng Ika-125 Araw ng Lalawigan ng Rizal. Sana maging simula ito ng mga bagong trabaho, mas magandang kinabukasan, at panibagong tagumpay para sa daan-daang Rizalenyo. ๐Ÿ’š

Tara na at mag-apply!


Taas kamay ng lahat ng nakalaya na! ๐Ÿ™‹๐Ÿปโ€โ™€๏ธ๐Ÿ™‹๐Ÿปโ€โ™‚๏ธNgayong nalalapit na araw ng kalayaan, malayang makakabyahe ang lahat dahi...
10/06/2026

Taas kamay ng lahat ng nakalaya na! ๐Ÿ™‹๐Ÿปโ€โ™€๏ธ๐Ÿ™‹๐Ÿปโ€โ™‚๏ธ

Ngayong nalalapit na araw ng kalayaan, malayang makakabyahe ang lahat dahil magkakaroon ng LIBRENG SAKAY sa MRT-3 para sa lahat ng pasahero. ๐Ÿš†๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Narito ang schedule ng libreng sakay:
๐Ÿ•– 7:00 AM - 9:00 AM
๐Ÿ•” 5:00 PM - 7:00 PM

Sandaling pahinga sa pamasahe, malaking ginhawa sa byahe. Ingat sa byahe, mga Rizalenyo!


Balik-eskwela na, Rizalenyo! Let's all start the school year with smiles sa pagkilala natin sa tagumpay ng mga mag-aaral...
09/06/2026

Balik-eskwela na, Rizalenyo! Let's all start the school year with smiles sa pagkilala natin sa tagumpay ng mga mag-aaral at gurong nagpakita ng husay at dedikasyon sa nagdaang taon. ๐ŸŒŸ

Binigyang-pugay natin ang ating mga Top-Performing Students at Outstanding Teachers na nagsilbing huwaran ng kahusayan at pagmamahal sa pagkatuto. Bilang pagkilala sa kanilang success, nagkaloob din tayo ng simpleng handog bilang suporta sa kanilang patuloy na paglalakbay sa mas marami pang learning opportunities.

Sa lahat ng mga students natin, gawin nating inspirasyon ang kanilang panalo. Pagbutihin ang pag-aaral at mangarap nang mataas โ€” baka sa pagtatapos ng school year na 'to, kayo naman ang nasa stage at tumatanggap ng pagkilala at parangal! ๐Ÿ…โœจ

Congratulations sa ating mga awardees! Patuloy kayong maging inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga Rizalenyo. ๐Ÿ’š


Balikan natin ang ilan sa mga mahahalagang taon at makasaysayang pangyayaring humubog sa ating lalawigan. Sa mga pagbaba...
09/06/2026

Balikan natin ang ilan sa mga mahahalagang taon at makasaysayang pangyayaring humubog sa ating lalawigan. Sa mga pagbabagong nagbukas ng bagong yugto ng pag-unlad at sa mga hakbang na naglatag ng pundasyon para sa matatag na Rizal, ang mga milestone ng ating lalawigan ay bahagi rin ng kolektibo nating kasaysayan.

Habang nalalapit ang ika-125 Araw ng Lalawigan ng Rizal, alalahanin na ang mga tagumpay na tinatamasa natin ngayon ay bunga ng mahigit isang siglong pagkakaisa at pagsisikap ng mga Rizalenyo noon, ngayon, at sa mga susunod pang henerasyon. โœจ



Address

Baras

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nina Ynares posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Nina Ynares:

Share