Local Youth Development Section - Municipality of San Francisco

Local Youth Development Section - Municipality of San Francisco LOCAL YOUTH DEVELOPMENT SECTION OF THE MUNICIPALITY OF SAN FRANCISCO, QUEZON

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa bagong talagang Junior Provincial Executive Assistant IV / Chief of Staff!Ang bag...
23/08/2026

Isang mainit at taos-pusong pagbati sa bagong talagang Junior Provincial Executive Assistant IV / Chief of Staff!

Ang bagong tungkuling ito ay patunay ng iyong kakayahan, dedikasyon, at kahandaang maglingkod. Nawa’y maging daan ang iyong bagong posisyon upang higit mong maipakita ang mahusay na pamumuno, malasakit, at malasakit sa kapwa.

Binabati ka namin sa bagong yugto ng iyong paglilingkod!

Mabuhay ang kabataang may pangarap, kakayahan, at puso para sa serbisyo!

Congratulations❤️❤️❤️

Our Little Mayor Julianna kasama ang Little Mayors ng Probinsya ng Quezon. Good Luck. Kaya mo yan Little Mayor❤️❤️❤️
23/08/2026

Our Little Mayor Julianna kasama ang Little Mayors ng Probinsya ng Quezon.

Good Luck. Kaya mo yan Little Mayor❤️❤️❤️


GOOD LUCK, LITTLE MAYOR JULIANNA CASSANDRA MONTOJO! Buong pusong pagbati at good luck sa ating Little Mayor na si Julian...
21/08/2026

GOOD LUCK, LITTLE MAYOR JULIANNA CASSANDRA MONTOJO!

Buong pusong pagbati at good luck sa ating Little Mayor na si Julianna Cassandra Montojo!

Nawa’y patuloy kang mamuno nang may tapang, malasakit, at tiwala sa sarili. Gawin mong inspirasyon ang pagkakataong ito upang maipakita na ang kabataan ay may kakayahang manguna, magsilbi, at gumawa ng positibong pagbabago.

I-enjoy mo ang bawat sandali, Little Mayor Julianna! Ipagmalaki mo ang iyong sarili at ang iyong kakayahan. Nandito kami para suportahan ka! ❤️❤️❤️

Good luck, Little Mayor Julianna! Kaya mo ‘yan!

𝐉𝐔𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐍𝐄𝐔𝐏

Sino ang susunod na magiging boses ng Kabataang Quezonian?

Narito na ang mga natatanging kabataang haharap sa isang makabuluhang karanasan bilang bahagi ng Quezon Linggo ng Kabataan 2026!

Mula sa iba’t ibang bayan ng ating lalawigan, handa silang ipakita ang kanilang talino, tapang, liderato, at malasakit para sa kapwa kabataan. Sa kanilang mga kamay, may bagong kwento ng paglilingkod na naghihintay maisulat.

Sino kaya ang tatanghaling Junior Governor of Quezon Province 2026? Abangan at suportahan natin ang bawat kabataang handang matuto, mamuno, at maglingkod!

Ang pagdiriwang na ito ay pinangungunahan ng Provincial Youth Development Office sa pamumuno ni Bb. Jennie O. Garcia, sa suporta ni Governor Doktora Helen Tan, kasama ang mga bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala.

Sa kooperasyon ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation sa pangunguna ni Bokala Jackelyn Delimos, katuwang ang mga SK Municipal Federation Presidents, Local Youth Development Officers, at ang Provincial Youth Development Council.

MABUHAY ANG KABATAANG QUEZONIANS!






Taos-pusong pagbati SK Dareen Jhaye  at sa buong Sangguniang Kabataan ng Brgy. Poblacion! 🎉👏Saludo kami sa inyong mahusa...
08/08/2026

Taos-pusong pagbati SK Dareen Jhaye at sa buong Sangguniang Kabataan ng Brgy. Poblacion! 🎉👏

Saludo kami sa inyong mahusay at kapaki-pakinabang na proyekto na tunay na tumutugon sa pangangailangan at kapakanan ng ating mga kabataan at komunidad. Ipinapakita ninyo na ang tunay na paglilingkod ay nasusukat sa mga programang may malinaw na layunin, konkretong resulta, at pangmatagalang pakinabang.

Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang kabataan at SK sa patuloy na pagsusulong ng makabuluhan at responsableng pamamahala.

Mabuhay kayo! Patuloy na maglingkod, lumikha, at magbigay ng pagbabago! ❤️❤️❤️


SAN FRANCISCO, QUEZON — Muling mapapakinabangan ng mga residente, lalo na ng mga mag-aaral, ang Covered Pathwalk sa Purok 1, Brgy. Poblacion matapos isagawa ng Sangguniang Kabataan ang pagsasaayos at pagpapaganda ng pasilidad.

Layunin ng proyekto na makapagbigay ng lilim at proteksyon laban sa init at ulan sa mga kabarangay na gumagamit ng daanan araw-araw.

Ayon sa SK Poblacion, hindi na bago ang proyekto dahil una itong naisakatuparan noong 2006 sa pangunguna ng noo’y SK Chairperson na si Ian Navarro.

Bilang pagpapatuloy sa magandang layunin ng nasimulang proyekto, isinailalim ito sa panibagong pagsasaayos upang mas maging maayos, ligtas at kapaki-pakinabang sa komunidad.

Itinuturing ng SK Poblacion na ang proyekto ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na magkaroon ng mga programang direktang nakatutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kabataan at mga residente ng barangay.

🎉 Malugod na pagbati kay Julianna Cassandra M. Montojo mula sa Marcial B. Villanueva National High School! 🎉Taos-pusong ...
08/08/2026

🎉 Malugod na pagbati kay Julianna Cassandra M. Montojo mula sa Marcial B. Villanueva National High School! 🎉

Taos-pusong pagbati kay Julianna Cassandra M. Montojo sa kanyang pagkakahirang bilang Appointed Junior Municipal Mayor! 👏✨

Nawa’y maging daan ang bagong tungkuling ito upang maipakita niya ang kanyang kakayahan sa pamumuno, paglilingkod, at pagiging inspirasyon sa kapwa kabataan.

Dalhin mo ang iyong bagong responsibilidad nang may katapatan, malasakit, pananagutan, at dedikasyon. Nawa’y gamitin mo ang pagkakataong ito upang maging boses ng kabataan at makapagbigay ng positibong ambag sa ating pamayanan.

Congratulations, Junior Municipal Mayor Julianna! 👑🌟
Mabuhay ang kabataang lider!

Congratulations, SK Chairperson Ryan Opliar, for successfully passing the March 2026 Licensure Examination for Teachers ...
13/05/2026

Congratulations, SK Chairperson Ryan Opliar, for successfully passing the March 2026 Licensure Examination for Teachers (LET)! 🎉📚

Ang tagumpay na ito ay bunga ng iyong sipag, dedikasyon, at tunay na pagmamahal sa serbisyo at edukasyon. Nawa’y magsilbi kang inspirasyon sa kabataan at patuloy na maging ilaw sa komunidad sa pamamagitan ng iyong kaalaman at pamumuno.

Padayon, Teacher Ryan! 👨‍🏫✨


Good luck, Siklab Sanggalaw Dance Troupe (SSDT)! 🔥Sa pagharap ninyo sa entablado ng HIPHOP INTERNATIONAL PHILIPPINES 202...
07/05/2026

Good luck, Siklab Sanggalaw Dance Troupe (SSDT)! 🔥
Sa pagharap ninyo sa entablado ng HIPHOP INTERNATIONAL PHILIPPINES 2026 ngayong May 9–10, 2026, dalhin ninyo ang inyong talento, puso, at walang hanggang apoy sa pagsayaw.

Lalong ipinagmamalaki ng mga Aurorahin ang ating mga kabataang sina Kojic, Ian, at Keeshia — mga patunay na ang husay at dedikasyon ng kabataan ay kayang magningning sa mas malaking entablado. ✨

Ipakita ninyo ang inyong lakas, pagkakaisa, at passion sa bawat galaw.
Buong suporta ang kasama ninyo sa laban na ito!

Padayon at patuloy na sumiklab, SSDT! 💯🏆



Ang Local Youth Development Office ng San Francisco ay malugod na bumabati sa lahat ng Completers at Graduates 2026! Ang...
31/03/2026

Ang Local Youth Development Office ng San Francisco ay malugod na bumabati sa lahat ng Completers at Graduates 2026!
Ang inyong tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsisikap, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Hindi naging madali ang inyong pinagdaanan—may mga pagsubok, pagod, at sakripisyo—ngunit pinili ninyong magpatuloy at lumaban. Dahil dito, karapat-dapat lamang na ipagdiwang ang mahalagang tagumpay na ito.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy kayong mangarap nang mas mataas at magsumikap pa sa susunod ninyong tatahakin. Dalhin ninyo ang mga aral at karanasang natutunan ninyo bilang gabay sa pagharap sa mas malalaking hamon sa hinaharap.
Muli, taos-pusong pagbati sa inyong lahat! Ipagpatuloy ninyo ang pagiging matatag at determinado—ang inyong kinabukasan ay punong-puno ng pag-asa at pagkakataon.
MABUHAY ANG KABATAANG AURORAHIN!


CONGRATULATIONS sa ating mga manlalarong Aurorahin na nakilahok sa Regional Athletic Association Meet (RAAM).Ipinakita n...
16/03/2026

CONGRATULATIONS sa ating mga manlalarong Aurorahin na nakilahok sa Regional Athletic Association Meet (RAAM).
Ipinakita ninyo ang tunay na galing, determinasyon, at puso sa inyong laban. Ipinagmamalaki kayo ng buong bayan ng San Francisco.

QUIZANA, JUDEMARK (Athletics Elementary Boys)
BURI, NICOLE V. (Badminton Elementary Girls)
COMPUTO, SHAMMEL B. (Basketball Secondary Girls 3x3 - Quarter Finalist)
DAÑEZ, JAZZIE O. (Basketball Secondary Girls 3x3 - Quarter Finalist)
GARDON, KRISTEL JOYCE O. (Basketball Secondary Girls 3x3 - Quarter Finalist)
HACA, HANNAH V. (Basketball Secondary Girls 3x3 - Quarter Finalist)
CABAGUI, ALDREN B. (Boxing Secondary Boys)
URSABIA, JAY-R L. (Boxing Secondary Boys-Bronze Medalist)
SAGUN, JHON MARTIN E. (Sepak Takraw Secondary Boys-Quarter Finalist)
MARIN, MESIAH ALTHEA (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
ALVARADO, ANGELA T. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
CACAL, ARMELA A. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
DONGGON, NIDALYN D. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
LATINA, CHARMAINE A. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
LUBIANO, RYZZA MAE A. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
MORRIS, EILINCH NIETZCHE D. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
MORRIS, YOURRAH IZIAH B. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
REGALA, LAIRELL R. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
ROBLO, KATHLEEN JOY Y. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
ROLDAN, RONA MAE M. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
ROSITA, ASHLEE MAE R. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
CASTILLO, SARAJ BEL P. (Softball Elementary Girls - Bronze Medalist)
RAVINA, JHAZZMINE CLAIRE N. (Volleyball Elementary Girls - Silver Medalist)
BULAWAN, ROSALINDA M. (Athletics ALS)
GALINDEZ, RHYS ZETHDREX D. (Volleyball Secondary Boys - Semifinalist)
TORRES, VINCE GIAN T. (Volleyball Secondary Boys - Semifinalist)
MORALIJA, SHANE ANGELUS B. (Volleyball Secondary Boys)


Ang Local Youth Development Office - San Francisco, Quezon ay lubos na  nagpapasalamat sa Local Youth Development Office...
26/02/2026

Ang Local Youth Development Office - San Francisco, Quezon ay lubos na nagpapasalamat sa Local Youth Development Officer ng Mulanay, Quezon Mr. Jovertson Atienza sa matagumpay na benchmarking activity. Ang inyong mainit na pagtanggap at bukas na pagbabahagi ng kaalaman ay tunay naming pinahahalagahan. Malaki ang naitulong nito sa pagpapalawak ng aming kaalaman at sa pagpapabuti ng aming mga programa para sa aming bayan.

Maraming salamat po at nawa’y magpatuloy ang magandang ugnayan at mas madami pang kolaborasyon para sa ikabubuti ng kabataan sa ating mga bayan.


Address

San Francisco
Quezon
4315

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Youth Development Section - Municipality of San Francisco posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share