2CMO "Dalisay" Company, 12CMOBn

2CMO "Dalisay" Company, 12CMOBn Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 2CMO "Dalisay" Company, 12CMOBn, Government Organization, Quezon.

We work hand-in-hand with stakeholders, LGUs, and communities to deliver humanitarian support, peacebuilding initiatives, and public service grounded in purity of purpose — dalisay na paglilingkod.

08/03/2026
08/03/2026
KAPATIRAN BATALYON, NAKI-ISA SA PAGHUBOG SA MGA KABATAANPANGARAP VILLAGE, NORTH CALOOCAN – Alinsunod sa patuloy nitong p...
08/03/2026

KAPATIRAN BATALYON, NAKI-ISA SA PAGHUBOG SA MGA KABATAAN

PANGARAP VILLAGE, NORTH CALOOCAN – Alinsunod sa patuloy nitong pangako sa pagpapaunlad ng kabataan at pakikipag-ugnayan sa komunidad, aktibong sinuportahan ng 12th Civil-Military Operations Battalion, sa ilalim ng kontrol ng National Capital Region Command, Armed Forces of the Philippines, ang isang scouting activity para sa mga kasapi ng Girl Scouts at Boy Scouts of the Philippines noong Marso 6–7, 2026 sa Pangarap National High School, Brgy. 182, Pangarap Village, North Caloocan.

Nagbigay ang yunit ng seguridad upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng buong aktibidad, kasabay ng pagbabahagi ng mga makabuluhang mensahe ng inspirasyon mula sa mga kawani ng Kapatiran Batalyon.

Sa nasabing aktibidad, nagkaroon ng mga talakayan ang mga batang scout na nakatuon sa pamumuno, disiplina, paglilingkod sa komunidad, at kahalagahan ng pagkakaisa ng kabataan sa paghubog ng mas matatag na lipunan. Binigyang-diin ng kasundalohan ang mahalagang papel ng kabataan sa nation-building at hinikayat silang isabuhay ang mga pagpapahalagang integridad, pananagutan, at malasakit sa kapwa.

Bukod sa pagbibigay ng inspirasyonal na talumpati, tiniyak din ng mga ang maayos na daloy ng programa sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng seguridad sa buong aktibidad. Ang kanilang presensya ay patunay ng matibay na ugnayan ng Hukbong Katihan at ng komunidad at eskwelahan sa pagtataguyod ng paghubog sa mga kabataan at responsableng pagkamamamayan.

Masiglang nakibahagi ang mga scout sa pakikipag-ugnayan sa mga lider ng komunidad, mga opisyal ng scouting, at mga boluntaryo kung saan natutunan nila ang mga praktikal na aral sa pamumuno, pagtutulungan, at kahandaan. Ang interaksyong ito ay nagpalalim sa kanilang pag-unawa sa mga halagang mahalaga sa pagiging responsableng mamamayan at lider ng hinaharap.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang patuloy na dedikasyon ng 12th Civil-Military Operations Battalion sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa mga lokal na sector at sa pagsuporta sa mga programang pangkomunidad na nagbibigay inspirasyon sa kabataan. Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, patuloy na hinuhubog ng Hukbong Katihan ang mga responsableng mamamayan at mga lider na mag-aambag sa kapayapaan, kaunlaran, at pambansang pag-unlad.

Winning Hearts, Winning Minds






03/03/2026

⁨⁨𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐖𝐎𝐌𝐄𝐍'𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 | The Philippine Army stands united with the entire nation in honoring the vital contribution of Filipino women across all sectors of society, especially in the field of national defense and security.




2nd Civil-Military “Dalisay” Company, 12CMOBn nagsagawa ng Comradeship Activity sa Bolinao, PangasinanBilang bahagi ng p...
02/03/2026

2nd Civil-Military “Dalisay” Company, 12CMOBn nagsagawa ng Comradeship Activity sa Bolinao, Pangasinan

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng pagkakaisa, mataas na morale, at pangkalahatang kapakanan ng mga kasundaluhan, nagsagawa ng Comradeship Activity ang 2nd Civil-Military “Dalisay” Company, 12th Civil-Military Operations Battalion (12CMOBn), Civil-Military Operations Regiment (CMOR) ng Philippine Army sa Patar White Sand Beach, Bolinao noong ika-26 at 27 ng Pebrero ng kasalukuyang taon.

Isinasagawa ang naturang aktibidad kada quarter ng taon bilang bahagi ng mga programang naglalayong patatagin ang samahan, disiplina, at espiritu ng bawat kawal sa loob ng kompanya. Nagsilbi rin itong makabuluhang pagkakataon bilang paghahanda sa nalalapit na paglipat ni 2Lt Jefferson Solar, ang kasalukuyang tumatayong Pinuno ng Kompanya, patungo sa 3rd Civil-Military Operations Company sa ilalim ng kontrol ng 1st Brigade Combat Team ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.

Layunin ng aktibidad na higit pang paigtingin ang ugnayan, pagtutulungan, at malasakit sa isa’t isa ng mga kasapi ng yunit, bilang mahalagang pundasyon sa epektibong pagtupad sa mga susunod na tungkulin at hamon sa paglilingkod sa bayan.

Winning Hearts, Winning Minds






20/02/2026

READY WHERE IT MATTERS 🇵🇭🫡

On land, at sea, and in the sky—our teams work as one to deliver the capabilities that keep our nation secure. ⛰️🌊☁️

The Philippine Army remains ready to respond when duty calls. 🇵🇭🫡

Armed Forces of the Philippines
Philippine Army





17/02/2026

Address

Quezon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 2CMO "Dalisay" Company, 12CMOBn posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share