Burdeos Water District

Contact the organization

Burdeos Water District Government-Owned & Controlled Corporation

26 Setyembre 2026PABATIDAng Burdeos Water District po ay magpapatupad ng Work Suspension simula ala-una ng hapon (1PM) s...
26/09/2026

26 Setyembre 2026

PABATID

Ang Burdeos Water District po ay magpapatupad ng Work Suspension simula ala-una ng hapon (1PM) sa araw ng Lunes, Setyembre 28, 2026, alinsunod na rin sa Memorandum Circular No. 136, na nagbibigay daan sa pagdiriwang ng "Kainang Pamilya Mahalaga Day 2026."

Mananatili naman pong nakaantabay ang mga Maintenance Personnel upang umaksyon sa mga emergency patungkol sa pagkawala o interruption sa supply ng tubig.

Maraming salamat po.

Basahin:
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2026/09sep/20260916-MC-136-FRM.pdf

16 SETYEMBRE 2026PAHAYAGKALAGAYAN NG SUPPLY NG TUBIG MULA SA BURDEOS WATER DISTRICTKaugnay ng pag-iral ng El Niño Phenom...
16/09/2026

16 SETYEMBRE 2026

PAHAYAG

KALAGAYAN NG SUPPLY NG TUBIG MULA SA BURDEOS WATER DISTRICT

Kaugnay ng pag-iral ng El Niño Phenomenon sa ating bansa na nakakaapekto sa supply ng tubig, ang lahat po ng mga kunsumidor ng Burdeos Water District ay patuloy na hinihikayat na magtipid sa paggamit ng tubig at magreport kung may masasaksihang mga tagas o sira.

Narito po ang schedule ng water pump operation upang ating maging batayan:
Submersible Water Pump – 24/7
4DR5 Engine Water Pump – Araw-araw mula 6AM hanggang 8:30AM

Hinihikayat din po namin ang mga kunsumidor na sumunod sa tamang paggamit ng booster pump alinsunod sa RA 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004), PD 856 (Code on Sanitation), RA 8041 (National Water Crisis Act of 1995), PD 198 (Provincial Water Utilities Act) at Revised National Plumbing Code, kung saan kinakailangan ng cistern o sump tank na pansamantalang pag-iimbakan ng tubig mula sa metro bago higupin ng booster pump patungo sa overhead tank. Maaring magpadala ng report sa tanggapan ng Burdeos Water District kung tayo ay may masasaksihang paglabag.

Salamat po.

28/08/2026

28 Agosto 2026

PABATID

Sa kasalukuyan po ay paunti-unti nang naibalik ang supply ng tubig.

Kung tayo po ay nakararanas pa ng kawalan o mahinang supply ng tubig, maaring magpadala ng pribadong mensahe (private message) sa page na ito o kaya ay magtungo sa Tanggapan ng Burdeos Water District upang makapag-request ng Repair/Maintenance.

Format ng Mensahe:
Pangalan ng Service Connection
Address at Landmark
Sitwasyon, halimbawa: walang tulo simula noong Aug. 26

Maraming salamat po.

27/08/2026

‼️UPDATE‼️

27 Agosto 2026
5PM

Muli pong ipagpapatuloy ang repair operation bukas, Aug. 28, 2026 upang maibalik ang supply ng tubig.

Sa kasalukuyan po ay isang transmission line mula sa Bayabas Spring Catchment ang gumagana upang magsupply ng tubig.

Muling mag-ooperate ang water pump bukas ng alas-singko ng umaga (5AM).

Maraming salamat po.

‼️UPDATE‼️27 Agosto 2026 Patuloy pong nagsasagawa ng repair operation ang Burdeos Water District upang maibalik ang supp...
27/08/2026

‼️UPDATE‼️

27 Agosto 2026

Patuloy pong nagsasagawa ng repair operation ang Burdeos Water District upang maibalik ang supply ng tubig.

Maraming salamat po.

‼️UPDATE‼️27 Agosto 2026Karagdagang impormasyon patungkol sa pagkasira ng Transmission Line sa Spillway Bridge, So. Catm...
26/08/2026

‼️UPDATE‼️

27 Agosto 2026

Karagdagang impormasyon patungkol sa pagkasira ng Transmission Line sa Spillway Bridge, So. Catmon

Naputol na rin po ang ikalawang Transmission Line sa Spillway Bridge, dahil dito asahan ang malawakang pagkawala ng supply ng tubig.

Ang Burdeos Water District po ay magsasagawa ng repair operation ngayong araw upang maibalik ang supply ng tubig.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa lahat ng apektadong kunsumidor.

26/08/2026
26 August 2026PABATIDEMERGENCY WATER INTERRUPTION Ipinababatid po sa lahat ng kunsumidor ng Burdeos Water District ang p...
26/08/2026

26 August 2026

PABATID

EMERGENCY WATER INTERRUPTION

Ipinababatid po sa lahat ng kunsumidor ng Burdeos Water District ang pansamantalang pagkakaroon ng EMERGENCY WATER INTERRUPTION sanhi ng pagkaputol ng Transmission Line sa Spillway Bridge, So. Catmon.

Dahil dito, asahan ang paghina o tuluyang pagkawala ng supply ng tubig.

Bukas po ay nakaschedule na ang operation mula alas-singko ng umaga (5AM) ng diesel engine water pump upang pansamantalang magsupply ng tubig.

Ang Burdeos Water District din po ay agarang magsasagawa ng repair operation bukas upang maipanumbalik ang supply ng tubig.

Kami po ay humihingi ng paumanhin sa mga apektadong kunsumidor.

Ipinapaalala rin po namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng IMBAK na tubig upang may magamit sa panahon ng emergency.

Maraming salamat po.

PABATIDNarito po ang Schedule ng Tanggapan ng Burdeos Water District sa mga susunod na araw:August 19, 2026 - SaradoAugu...
18/08/2026

PABATID

Narito po ang Schedule ng Tanggapan ng Burdeos Water District sa mga susunod na araw:

August 19, 2026 - Sarado
August 20, 2026 - Bukas mula 8AM to 5PM
August 21, 2026 - Sarado
August 31, 2026 - Sarado

Ang lahat pa rin po ay pinapaalalahan na magkaroon palagi ng IMBAK na tubig upang may magamit sa panahon ng emergency o biglaang water interruption.

Mananatili naman pong nakaantabay ang mga Maintenance Personnel upang umaksyon sa mga emergency patungkol sa pagkawala o interruption sa supply ng tubig.

Kung tayo po ay mayroong mga report, maaaring magpadala ng mensahe sa page na ito

Maraming salamat po.

Basahin pa:
https://www.officialgazette.gov.ph/nationwide-holidays/
https://elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocs/2/2034

Address

Brgy. Poblacion Burdeos
Quezon

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Burdeos Water District posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Burdeos Water District:

Shortcuts

Share