29/03/2026
Mula sa Sanggunian Barangay Cagsiay 3 sa pangunguna ng butihin at napakasipag na kapitan Wengelito Balce..
Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa bawat isa na naglaan ng oras upang dumalo sa ating Barangay Assembly. Ang inyong presensya at pakikiisa ay nagpapakita ng malasakit at tunay na pagmamahal sa ating komunidad.
Ang inyong aktibong pakikilahok, pagbibigay ng suhestiyon, at pakikinig sa mga mahahalagang usapin ng barangay ay malaking tulong upang mas mapabuti pa ang ating mga programa at serbisyo para sa kapakanan ng lahat.
Nawa’y magpatuloy ang inyong suporta at pakikiisa sa mga susunod pang gawain ng ating barangay. Sama-sama nating itaguyod ang kaunlaran, kapayapaan, at pagkakaisa ng ating komunidad.
Muli, maraming salamat po sa inyong pagdalo at pakikiisa.
Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!