16/04/2026
Ika-100 Palatuntunan ng Pagtatapos
Pamamahagi ng Medalya ng Karunungan
Centennial Batch 2026
Sa entabladong saksi sa sipag at pangarap,
Mga batang Quezonian, tagumpay ay niyakap.
Hindi lang bilang, kundi kwentong hinubog ng panahon,
Bawat medalya’y patunay ng kanilang dedikasyon.
Apat ang may mataas na karangalan, tunay na huwaran,
Tatlumpo ang may karangalan, galing ay kahanga-hanga’t maaasahan.
May natatanging Principal’s at Academic Award na pinarangalan,
Sa talino at tiyaga, sila’y itinanghal na sandigan.
Sa larangan ng pamumuno, may kinilalang iisa,
Leadership Award, halimbawa sa kapwa at bansa.
Labing-isa ang nagningning sa kani-kanilang disiplina,
Galing at husay, ipinakita nang buong sigla.
Sa panulat, mamamahayag ay tunay na hinasa,
Isa sa rehiyon, pito sa dibisyon ang nagwagi’t nagbida.
Sa palakasan, labing-apat ang atleta ng taon,
Sa bawat laban, dangal ng paaralan ang kanilang baon.
Sa Festival of Talents, dalawa ang nagtagumpay,
Sa sining at galing, sila’y tunay na humakot ng tagumpay.
Sa pamumuno ng kabataan, SELG at YES-O ay umangat,
Walo ang kinilala, serbisyo’t dedikasyon ang naging lakas.
Anim ang Boy Scout, labing-isa ang Girl Scout na hinangaan,
Disiplina’t paglilingkod, kanilang pinatunayan.
Dalawampu ang band members na himig ay alay,
Sa bawat tugtugin, puso’y sabay-sabay na sumabay.
Walumpu’t pito ang ginawaran ng Conduct Award,
Kabutihang asal, kanilang ipinamalas nang buong puso’t diwa.
At lima ang tumanggap ng ML Family Insurance na pagkilala,
Patunay na ang suporta’y umaabot hanggang pamilya.
Sa kabuuan, hindi lang parangal ang kanilang bitbit,
Kundi mga aral sa buhay na sa puso’y nakaukit.
Ika-100 man na pagtatapos, simula pa rin ng paglipad,
Mga batang Quezonian, sa pangarap ay tiyak na aangat.
DepEd Philippines
DepEd Tayo Calabarzon
DepEd Tayo Quezon
DepEd Tayo Quezon District
📷 Highclick Photography
🖼️ Mary Rose D. Sisperez
🪶 SirVin D'chavez