02/04/2026
TINGNI BAYAโโโ
GRADUATION CEREMONY
SY 2025-2026
Matagumpay na idinaos ng Bangkuro Elementary School ang Ika-40 na Seremonya ng Pagtatapos ng mga mag-aaral sa Ika-6 na Baitang para sa Taong Panuruan 2025โ2026. Dinaluhan ang nasabing okasyon ng mga g**o, opisyal ng barangay, mga magulang, at iba pang panauhing nagbigay-suporta sa mahalagang yugto ng edukasyon ng mga mag-aaral.
Isinagawa ang programa sa ilalim ng temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ na naglalayong ihubog ang mga mag-aaral bilang responsableng mamamayan na may kakayahan, integridad, at malasakit sa kapwa.
Naging tampok ang makabuluhan at nagbibigay-inspirasyong mensahe ng panauhing tagapagsalita na si DR. ARVY M. MALLAPRE, na hinikayat ang mga nagsipagtapos na patuloy na magsikap, mangarap, at maging handa sa mga hamon ng susunod na antas ng kanilang pag-aaral.
Lubos ding pinasasalamatan ang dedikasyon at walang sawang paggabay ng mga g**o ng paaralan sa pangunguna ni MA'AM JANINE ELIZABETH S. PERMEJO, Ulong-G**o I, MA'AM MA. ARLYN R. SAN JUAN, G**ong-Tagapayo ng mga nagsipagtapos; at MA'AM CHEENE CRYSTELL A. UY, Ulong-G**o II na nagsilbing confirming officer. Gayundin, pinasasalamatan ang mga opisyal ng barangay at ang SPTA President na si G. RONALDO BUSTILLOS sa kanilang aktibong pakikilahok at suporta.
Sa kabuuan, ang seremonya ng pagtatapos ay naging isang makabuluhang pagdiriwang ng tagumpay ng mga mag-aaral. Isang mahalagang hakbang tungo sa kanilang patuloy na paglalakbay sa edukasyon at sa paghubog bilang mga produktibong mamamayan ng bansa.