29/11/2025
Basahin ang tula ng isang miyembro ng aming balangay sa paggunita ng nararating na Araw ni Bonifacio!
๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐, ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ข ๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง!
Panganay sa anim na magkakapatid, si Andres Bonifacio ay isinilang ng taong 1863 ng Nobyembre 30, maagang nawalan ng magulang kung kaya't siya ay tumayo na magulang sa kanyang mga kapatid. Iba't-ibang trabaho ang kanyang pinasok, siya rin ay naging aktor sa teatro. Hindi man nakapagtapos ng pormal na edukasyon si Andres ay nagsikap na mag-aral sa kanyang kakayahan, nagbasa siya ng mga literatura tungkol sa batas, rebolusyong Pranses, Les Misรฉrables ni Victor Hugo na nagbigay sa kanya ng inspirasyon. Noong taong 1892 ng Hulyo 7 ay itinatag niya ang K*K o ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na sikretong samahan ng mga nagsusulong ng kalayaan mula sa pamamahala ng mga Espanyol at makalipas lamang ang ilang taon ito ay nadiskubre, Sa Caloocan ay tinipon ni Andres ang mga katipunero, kung saan naganap ang sigaw ng pugad lawin at ang simula ng rebolusyon laban sa mga espanyol.
Ngunit siya ay patraydor na pinaslang noong Mayo 10 ng 1897, sa gawa-gawang kaso at di patas na paglilitis, na siyang nagpahina sa kilusan ng mga rebolusyonaryo. Bagama't tagumpay pa rin na naitatag ang unang republika hindi rin ito nagtagal sa kadahilanang kawalan ng pagkakaisa sa mga Pilipino at Palpak na pamumuno ng mga ilustrado.
Sa kasalukuyan, tayo ay malaya na at may sarili ng pamahalaan pero kung ating titignan ang ating kalagayan ngayon, natupad ba ang pinapangarap ng mga rebolusyonaryo?
Kaya tayo nakikibaka hindi lang para panagutin ang mga dapat managot, kundi pati na rin isakatuparan ang tunay na kalayaan na pinaglalaban nang mga katipunero daang taong nakalipas, ito ang karugtong ng kanilang pakikibaka na ating namana. Ang pakikibaka para sa bayang tapat at makatarugan para sa mga pilipino.
Ang pagkilos na darating sa Linggo ay hindi para lamang panagutin ang mga kurakot sa pamahalaan, kundi para sariwain ang kaarawan ni Ka Andres at isulong ang pamahalaang tapat at tunay na nagsisilbi sa interest ng masang pilipino at hindi sa mga dayuhan at sa mga iilang nakaupo sa tatsulok ng ating lipunan.
Kaya't kayo ay aming inaanyayahang dumalo at makibaka kasama ang mga kabataan, manggagawa, magsasaka at iba pang sektor ng lipunan sa Luneta Park alas-9 ng umaga.