DSWD Crisis Intervention Program

DSWD Crisis Intervention Program This is the official page of the DSWD Crisis Intervention Program.

"Patuloy po tayong lumaban sa mga hamon ng buhay. Unang-una, nandiyan si God. Pangalawa, marami pong ahensya ng gobyerno...
02/06/2026

"Patuloy po tayong lumaban sa mga hamon ng buhay. Unang-una, nandiyan si God. Pangalawa, marami pong ahensya ng gobyerno na handang tumulong. Kagaya ko po na dumating sa puntong wala na talagang malapitan at hindi alam kung saan kukuha ng pang-chemotherapy sessions ko. Sa tulong ng gobyerno, lalo na ng DSWD, nagkaroon po ako ng lakas ng loob na magpatuloy at lumaban para malampasan ang pagsubok na ito.”

Ito ang naging taos-pusong mensahe ni Gng. Remelita β€œNanay Letlet” Tibay nang tanungin siya ni Director Wenz Morata sa programang 𝑢𝒏𝒆-𝒐𝒏-𝑾𝒆𝒏𝒛, na ipinalabas sa page ng DSWD Crisis Intervention Program noong 29 Mayo 2026 ng: β€œπ‘¨π’π’ 𝒑𝒐 π’‚π’π’ˆ π’Žπ’‚π’Šπ’‘π’‚π’‘π’‚π’šπ’ π’π’Šπ’π’šπ’ 𝒔𝒂 π’Šπ’ƒπ’‚ π’‘π’‚π’π’ˆ π’Žπ’ˆπ’‚ π’Šπ’π’…π’Šπ’ƒπ’Šπ’…π’˜π’‚π’ 𝒏𝒂 π’π’–π’Žπ’‚π’π’‚π’ƒπ’‚π’ 𝒔𝒂 π’”π’‚π’Œπ’Šπ’• 𝒏𝒂 π’Œπ’‚π’π’”π’†π’“?”

Patunay si Nanay Letlet na sa gitna ng mabibigat na pagsubok, may pag-asa at may mga institusyong handang umagapay. Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), patuloy na nagbibigay ang DSWD ng suporta sa mga indibidwal na may mga chronic disease tulad ng kanser na nangangailangan ng pangmatagalang gamutan at iba pang medikal na pangangailangan.

Para sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan ng tulong pinansyal dulot ng karamdaman, maaaring magproseso ng kinakailangang assistance sa mga tanggapan ng DSWD Crisis Intervention Unit/Section (CIU/S), Satellite o SWAD Office sa inyong lugar o rehiyon. Bisitahin ang aming website para sa listahan ng mga opisina: https://tinyurl.com/2m75fsf4



❀️

29/05/2026

πŸ”΄ LIVE: AICS NEWS NGAYON!

Alamin ang pinakabagong ulat tungkol sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development - Crisis Intervention Program (DSWD-CIP).

Tumutok ngayong Biyernes, May 29, 2026 mula alas dose ng tanghali.

Huwag kalilimutang i-LIKE at i-FOLLOW ang page ng DSWD Crisis Intervention Program para updated ka sa mga balitang dapat mong malaman!



❀️

Tumutok sa makabagong balitaan sa 𝑨𝑰π‘ͺ𝑺 π‘΅π’†π’˜π’” π‘΅π’ˆπ’‚π’šπ’π’!Alamin at tutukan ang mahahalagang balita, mga napapanahong usapin, a...
28/05/2026

Tumutok sa makabagong balitaan sa 𝑨𝑰π‘ͺ𝑺 π‘΅π’†π’˜π’” π‘΅π’ˆπ’‚π’šπ’π’!

Alamin at tutukan ang mahahalagang balita, mga napapanahong usapin, at mga kuwentong dapat ninyong malaman mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

πŸ—“οΈ Biyernes, 29 Mayo 2026
⏰ 12:00 NN hanggang 1:00 PM
πŸ“ Live sa page ng DSWD Crisis Intervention Program

Makilahok at magkaroon ng pagkakataong manalo ng exciting GCash prizes!

Sama-sama nating alamin ang serbisyo ng DSWD Crisis Intervention Program na handang umagapay sa bawat Pilipinong nangangailangan.

Abangan bukas!



❀️

πŸ“£PABATID SA PUBLIKOπŸ“£Sarado ang lahat ng tanggapan ng DSWD sa Mayo 27 (Miyerkules), kabilang ang Commonwealth Satellite O...
26/05/2026

πŸ“£PABATID SA PUBLIKOπŸ“£

Sarado ang lahat ng tanggapan ng DSWD sa Mayo 27 (Miyerkules), kabilang ang Commonwealth Satellite Office, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha na idineklarang Regular Holiday alinsunod sa Proclamation No. 1264. Magbabalik sa normal na operasyon ang aming mga tanggapan sa Huwebes (Mayo 28).

Samantala, magpapatuloy pa rin ang cash relief assistance payout sa DSWD Central Office para sa mga service delivery drivers na may nakatakdang schedule sa nasabing araw.

Pinapayuhan ang mga benepisyaryong naka-schedule na sumunod sa kanilang itinakdang oras para maging maayos at mabilis ang payout process.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

❀️

πŸ“£PABATID SA PUBLIKOπŸ“£

Sarado ang lahat ng tanggapan ng DSWD sa Mayo 27 (Miyerkules) bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha na idineklarang Regular Holiday alinsunod sa Proclamation No. 1264. Magbabalik sa normal na operasyon ang aming mga tanggapan sa Huwebes (Mayo 28).

Samantala, magpapatuloy pa rin ang cash relief assistance payout sa DSWD Central Office para sa mga service delivery drivers na may nakatakdang schedule sa nasabing araw.

Pinapayuhan ang mga benepisyaryong naka-schedule na sumunod sa kanilang itinakdang oras para maging maayos at mabilis ang payout process.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

❀️

22/05/2026

AICS bilang π™‘π™žπ™›π™šπ™‘π™žπ™£π™š sa panahon ng krisis πŸ’™

Sa gitna ng tumataas na gastusin sa pagpapagamot at biglaang krisis na kinakaharap ng maraming pamilya, marami pa ring mga Pilipino ang nangangamba kung saan kukuha ng tulong sa oras ng pagkakasakit at emergency.

Alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas mailapit ang serbisyong medikal sa mga Pilipino, patuloy na pinalalawak ng DSWD ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program para mas maraming Pilipino ang agad na matulungan.

Ibinahagi ni Crisis Intervention Program (CIP) Director Edwin Morata na patuloy na nag-e-evolve ang programa para mas maging accessible sa lahat. Gaya ng madalas banggitin ni Sec. REX Gatchalian, β€œAICS is for every Filipino needing assistance.” Kaya naman, mas inilapit pa ng Kagawaran ang suporta sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga DSWD Regional Offices, Satellite Offices, SWAD Offices, at mga Malasakit Centers sa loob mismo ng mga ospital.


❀️

β€œAng 𝑨𝑰π‘ͺ𝑺 π’‚π’š π’‰π’Šπ’π’…π’Š π’π’‚π’Žπ’‚π’π’ˆ 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π’Žπ’‚π’‰π’Šπ’‰π’Šπ’“π’‚π’‘. Bukas ito para sa lahat ng Pilipino, middle class man o lower class, may tr...
21/05/2026

β€œAng 𝑨𝑰π‘ͺ𝑺 π’‚π’š π’‰π’Šπ’π’…π’Š π’π’‚π’Žπ’‚π’π’ˆ 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π’Žπ’‚π’‰π’Šπ’‰π’Šπ’“π’‚π’‘. Bukas ito para sa lahat ng Pilipino, middle class man o lower class, may trabaho man o wala, low-income earner, minimum wage earner, middle-income earner, o high-income earner. Basta’t ikaw ay π’…π’–π’Žπ’‚π’“π’‚π’π’‚π’” π’π’ˆ π’Œπ’“π’Šπ’”π’Šπ’” at wala nang ibang resources na malalapitan, π’ƒπ’–π’Œπ’‚π’” π’‚π’π’ˆ 𝑫𝑺𝑾𝑫 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π’Šπ’π’šπ’ π’‚π’“π’‚π’˜-π’‚π’“π’‚π’˜, mula Lunes hanggang Biyernes.” ani Director Wenz Morata ng DSWD Crisis Intervention Program sa isinagawang Media Forum ngayong araw, 21 Mayo 2026.

Ang programang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ay naghahatid ng tulong sa mga indibidwal na dumaranas ng mga hamon tulad ng malalaking gastusin sa ospital, mahabang gamutan, at iba pang katulad na sitwasyon. Layunin nitong umalalay upang matulungan ang isang indibidwal na makabangon at maiwasan ang tuluyang paglala ng kanilang kalagayan.

Ang AICS ay maagap na tumutugon sa mga pangangailangan ng sinuman, anuman ang kanilang estado sa buhay. Ito ay isang programang bukas at inklusibo na hindi nakabatay sa katayuang sosyo-ekonomiko ng isang indibidwal.

Ang programa ay patuloy na nananatiling committed sa paghahatid ng serbisyo bilang isang β€œlifeline”, isang sandigan na maaaring lapitan sa oras ng pangangailangan ng bawat isa.

Para sa pagproseso ng kinakailangang assistance, mangyaring magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng DSWD CIU/S, SWAD Office, o Satellite Office sa inyong lugar o rehiyon. Bisitahin ang aming website para sa listahan ng mga opisina: https://tinyurl.com/2m75fsf4.



β™₯️

21/05/2026

πŸ”΄ LIVE NGAYON SA DSWD FB PAGE: Paano Umaalalay ang DSWD sa mga Pamilyang may Mabigat na Gastusing Medikal?

Ngayong Huwebes (Mayo 21) sa DSWD Thursday Media Forum, pag-uusapan natin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa medical assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Makakasama natin si Director Edwin Morata ng Crisis Intervention Program (CIP) para talakayin kung paano mas napapabilis ng Kagawaran ang paghahatid ng tulong-medikal sa mga kababayang nangangailangan. Tatalakayin din ang tamang proseso, mga kinakailangang dokumento, at updates sa bilang ng mga natulungan ng programa sa buong bansa.

Tutok na mula 10:30 AM hanggang 11:30 AM sa official page ng DSWD at alamin ang mga serbisyong maaaring makatulong sa panahon ng krisis.

❀️

Tumutok sa Media Forum ngayong araw. πŸ’™Makakasama natin sa talakayan si Director Edwin Morata ng Crisis Intervention Prog...
21/05/2026

Tumutok sa Media Forum ngayong araw. πŸ’™

Makakasama natin sa talakayan si Director Edwin Morata ng Crisis Intervention Program (CIP) para ibahagi ang mga mahahalagang anunsyo para sa publiko. Kabilang sa mga tatalakayin ang sumusunod:

πŸ“Š Kabuuang bilang ng mga kababayang natulungan ng programa;
πŸ“ Tamang proseso at mga kinakailangang dokumento para makakuha ng medical assistance; at
πŸ’‘ Mga hakbang ng Kagawaran para mas mapabilis ang pag-abot ng tulong sa mga indibidwal na nakakaranas ng krisis.

Huwag palampasin ang DSWD Thursday Media Forum na mapapanood nang LIVE bukas (Mayo 21), mula 10:30 AM hanggang 11:30 AM, sa opisyal na page ng DSWD ().

❀️

Mga Update sa Medical Assistance ng AICS, Tatalakayin Bukas sa DSWD Thursday Media Forum! πŸ“’

Alamin ang mga pinakabagong ulat ukol sa pamamahagi ng medical assistance sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Makakasama natin sa talakayan si Director Edwin Morata ng Crisis Intervention Program (CIP) para ibahagi ang mga mahahalagang anunsyo para sa publiko. Kabilang sa mga tatalakayin ang sumusunod:

πŸ“Š Kabuuang bilang ng mga kababayang natulungan ng programa;
πŸ“ Tamang proseso at mga kinakailangang dokumento para makakuha ng medical assistance; at
πŸ’‘ Mga hakbang ng Kagawaran para mas mapabilis ang pag-abot ng tulong sa mga indibidwal na nakakaranas ng krisis.

Huwag palampasin ang DSWD Thursday Media Forum na mapapanood nang LIVE bukas (Mayo 21), mula 10:30 AM hanggang 11:30 AM, sa ating opisyal na page ().

❀️

Nakiisa ang DSWD sa pangunguna ni Dir. Wenz Morata, Director IV ng Crisis Intervention Program (CIP) sa isinagawang Unif...
19/05/2026

Nakiisa ang DSWD sa pangunguna ni Dir. Wenz Morata, Director IV ng Crisis Intervention Program (CIP) sa isinagawang Unified Dialogue Forum na may temang β€œChronic Myeloid Leukemia (CML): Pagusapan, Pagtulungan, Pagtagumpayan!” nitong ika-14 ng Mayo 2026 sa Seda Residences Makati.

Ang nasabing forum ay pinangunahan ng Philippine College of Hematology and Transfusion Medicine (PCHTM), Novartis Healthcare Philippines, Inc., at Touched by Max.

Sa isinagawang dayalogo binigyang-diin ang mahalagang papel ng iba’t-ibang sektor kabilang ang mga pasyente, healthcare professionals, government agencies, at advocates, sa pagtalakay ng mga hamon at posibleng solusyon para sa mga may CML.

Ibinahagi ni Dir. Morata ang isa sa mga pangunahing programa ng Departamento, ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program, na nagbibigay ng tulong sa mga pasyenteng may CML.
Sa pamamagitan ng programang AICS, maraming pasyente at kanilang pamilya ang nabibigyan ng pinansyal na tulong para sa pagpapagamot, suporta para sa laboratory at diagnostic procedures, maintenance medicines, at iba pang pangangailangang medikal, lalo na’t pangmatagalan at magastos ang gamutan.

Bukod sa tulong pinansyal, tinalakay rin ni Dir. Morata ang programang Wireless Mental Health and Psychosocial Support o WiSupport sa ilalim ng AICS. Layunin nitong magbigay ng psychosocial support, social work counseling, at mga gabay na makatutulong sa mga pasyente at kanilang pamilya upang manatiling matatag habang lumalaban sa pagsubok na hatid ng CML.

Patuloy ang panawagan para sa mas pinalawak, mas mabilis, at mas sustenableng suporta upang matiyak na walang pasyenteng maiiwan sa laban kontra CML.
Sama-sama nating itaguyod ang mas makatao at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa lahat.


❀️

Address

Quezon City
1126

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Crisis Intervention Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share