01/06/2026
NATIONAL ICT MONTH 2026 | CALENDAR OF ACTIVITIES
Samahan ang Department of Information and Communications Technology sa opisyal na pagdiriwang ng National ICT Month 2026, kasabay ng ika-10 anibersaryo ng DICT. Isang dekada ng tuloy-tuloy na digital transformation: mas pinalawak na connectivity, mas matibay na cybersecurity, at mas mabilis at mas inklusibong digital public service para sa bawat Pilipino.
Sa buong buwan ng Hunyo, hatid natin ang mga lingguhang activities na may temang konektado sa tunay na pangangailangan ng tao at komunidad:
WEEK 1: Konektado Tayo Sa Kapehan
Focus sa education at learning. Mga usapan sa schools at communities kung paano pinalalawak ng connectivity ang access sa quality education, digital tools, at mas magandang learning opportunities para sa bawat estudyante.
WEEK 2: Cyber Bayanihan
Tungkol sa online safety at digital responsibility. Sama-samang pag-aaral kung paano protektahan ang sarili laban sa scams, misinformation, at cyber threats, dahil ang cybersecurity ay shared responsibility.
WEEK 3: Digital Workforce Week
Para sa future-ready Filipinos. Skills development, AI readiness, freelancing, at digital careers na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa global digital economy.
WEEK 4: Walang Iwanan Caravan (eGov Super App on Wheels)
Government services diretso sa communities. Mobile digital hubs para mas mapadali ang access sa serbisyong publiko, mas mabilis, mas simple, at mas malapit sa tao.
WEEK 5: Bayani sa Last Mile Awards
Pagbibigay-pugay sa mga tunay na digital heroes: LGUs, teachers, tech partners, at communities na tumulong para maabot ang last mile at masigurong walang naiiwan.
Lahat ng ito ay bahagi ng iisang layunin: isang mas open, transparent, at accessible na gobyerno, alinsunod sa direktiba ng Pangulo at isang Digital Pilipinas na para sa lahat.
Tara na, makiisa at maging bahagi ng Isang Dekadang Digital: Konektado sa Puso at Serbisyo!