Quezon City Epidemiology & Surveillance Division

Quezon City Epidemiology & Surveillance Division For more information contact
(02) 8988-4242 loc. 1609
(02) 8703-2759
09622747107
(2)

๐ƒ๐ข๐ฌ๐ž๐š๐ฌ๐ž ๐’๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ž๐ข๐ฅ๐ฅ๐š๐ง๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ซ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ˆ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Ÿ—๐ญ๐ก ๐ƒ๐Ž๐‡ ๐‚๐•๐‡๐‚๐ƒ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‘๐ž๐ฌ๐ž...
06/09/2026

๐ƒ๐ข๐ฌ๐ž๐š๐ฌ๐ž ๐’๐ฎ๐ซ๐ฏ๐ž๐ข๐ฅ๐ฅ๐š๐ง๐œ๐ž ๐š๐ง๐ ๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ซ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ž๐๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐๐ซ๐ž๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ˆ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐š ๐Ÿ—๐ญ๐ก ๐ƒ๐Ž๐‡ ๐‚๐•๐‡๐‚๐ƒ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‘๐ž๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ

Nagsilbing tagapagsalita si Dr. Rolando Cruz, Epidemiologist at Chief Health Program Officer ng Epidemiology and Surveillance Division ng QC Health Department, sa plenary session ng ๐Ÿ—๐ญ๐ก ๐ƒ๐ž๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ฅ ๐•๐ข๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ฌ ๐‚๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ (๐ƒ๐Ž๐‡ ๐‚๐•๐‡๐‚๐ƒ) ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‘๐ž๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ na ginanap noong September 4, 2026 sa Cebu City kung saan ibinahagi nya ang mahahalagang papel ng epidemiology at disease surveillance sa pagpapalakas ng mga estratehiya sa public health.

Sa temang "Shaping Sustainable Health Futures: Research and Innovation in Challenging and Changing Environments", layunin ng regional research congress na hikayatin ang mga inisyatiba sa pananaliksik at palakasin ang regional collaboration sa research development at management.

Tinalakay ni Dr. Cruz ang paksang โ€œEnhancing Population Health Strategies for Prevention, Surveillance, and Disease Control,โ€ na nakatuon sa kahalagahan ng paggamit ng epidemiologic evidence at surveillance data. Kabilang sa mga pangunahing usaping itinampok sa plenary session ang disease surveillance systems at outbreak detection and response, tumataas na insidente ng mga nakahahawang sakit gaya ng HIV/AIDS, gayundin ang mga estratehiya para sa prevention and control ng endemic diseases tulad ng leptospirosis at dengue.

Tinalakay rin ang kahalagahan ng immunization programs at iba pang public health interventions para sa vulnerable populations, disaster risk reduction at health emergency preparedness, pati na ang epekto ng climate-sensitive disease patterns sa kalusugan ng populasyon.

Bilang Epidemiologist, patuloy na isinusulong ni Dr. Cruz ang kahalagahan ng epidemiology at disease surveillance bilang pundasyon ng maagap at epektibong public health action. Ang kanyang paglahok sa regional research congress ay nagsisilbing pagkakataon upang maibahagi ang mga karanasan at pananaw sa surveillance, prevention, at disease control, gayundin upang mapalakas ang ugnayan at palitan ng kaalaman ng mga health professionals at researchers mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Para sa iba pang impormasyon, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609



๐ƒ๐„๐๐†๐”๐„ ๐’๐”๐‘๐•๐„๐ˆ๐‹๐‹๐€๐๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„Umabot na sa 4,595 ang kaso ng dengue ang Quezon City mula January 1 hanggang September 3, 202...
04/09/2026

๐ƒ๐„๐๐†๐”๐„ ๐’๐”๐‘๐•๐„๐ˆ๐‹๐‹๐€๐๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„

Umabot na sa 4,595 ang kaso ng dengue ang Quezon City mula January 1 hanggang September 3, 2026. Mas mababa ito ng 42% kumpara sa bilang ng dengue cases sa buong lungsod sa parehong panahon noong 2025 na may 7,884 cases. Batay sa datos, pinakapektado ang mga edad sampung taon pababa (2,049 cases o 45%). District 2 ang nakapagtala ng pinakamataas na dengue case (1,653 cases). Nakapagtala na rin ng dalawampu't dalawang (22) dengue-related death sa buong lungsod ngayong taon.

Gawin ang mga angkop na pag-iingat para maprotektahan ang pamilya laban sa dengue.
- ๐‘๐ž๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ซ ๐ง๐š ๐ ๐š๐ฐ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐’๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ๐ฒ ๐š๐ญ ๐‚๐ฅ๐ž๐š๐ง-๐”๐ฉ ๐ƒ๐ซ๐ข๐ฏ๐ž.
Takpan ang mga drum o water tanks, timba, at anumang lalagyan na maaring maimbakan ng tubig at pangitlugan ng lamok.
- ๐’๐ž๐ฅ๐Ÿ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐ž๐ฌ. Protektahan ang sarili laban sa lamok sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahabang manggas at pantalon, paggamit ng kulambo sa pagtulog, at paggamit ng anti-mosquito spray o mosquito repellant.
- ๐Œ๐€๐†๐๐€๐Š๐Ž๐๐’๐”๐‹๐“๐€ ๐€๐†๐€๐ƒ sa pinakamalapit na health center kung may sintomas ng dengue tulad ng lagnat, pananakit ng ulo at tyan, para sa angkop at maagap na pangangalaga. Mayroon pa ring libreng Dengue test at Check-up sa mga Health Center.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Dengue, bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1055089823314957&set=a.637382685085675
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/1038855791605027

Manatiling updated tungkol sa banta ng dengue sa ating komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609




๐‹๐„๐๐“๐Ž๐’๐๐ˆ๐‘๐Ž๐’๐ˆ๐’ ๐’๐”๐‘๐•๐„๐ˆ๐‹๐‹๐€๐๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„Nakapagtala na ng 658 na kaso ng leptospirosis ang Quezon City mula January 1 hanggang ...
04/09/2026

๐‹๐„๐๐“๐Ž๐’๐๐ˆ๐‘๐Ž๐’๐ˆ๐’ ๐’๐”๐‘๐•๐„๐ˆ๐‹๐‹๐€๐๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„

Nakapagtala na ng 658 na kaso ng leptospirosis ang Quezon City mula January 1 hanggang September 3, 2026. Sa kabuuang kaso, 452 cases o 69% ang edad 21 taon pataas. Pinakaapektado ng leptospirosis ang mga kalalakihan (525 cases). Nakapagtala na rin ng apatnapu't isang (41) pagkasawi sa buong lungsod na maiuugnay sa leptospirosis.

Nakukuha ang leptospirosis sa ihi ng daga na kontaminado ng bakteryang leptospira na kadalasang nahahalo sa maruming tubig tulad ng baha. Patuloy na paalala sa publiko na sundin ang mga angkop na pag-iingat upang mapanatiling ligtas laban sa leptospirosis.
โœ… Huwag lumusong, lumangoy, o magtampisaw sa tubig baha
โœ… Gumamit ng mga proteksyong pambaha tulad ng bota at guwantes
โœ… Panatilihing malinis ang kapaligiran upang mawala ang mga dumi at ihi ng daga at iba pang hayop
โœ… Kung aksidenteng lumusong sa tubig baha, magpakonsulta agad sa health center upang maresetahan ng doxycycline bilang prevention sa leptospirosis

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa sakit na ito, bisitahin ang link: https://www.facebook.com/share/p/1CjKG8Wbo7/

Manatiling updated tungkol sa banta ng leptospirosis sa komunidad. I-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division

Maari ding tumawag sa QCESD Hotline:
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609





๐Œ๐„๐€๐’๐‹๐„๐’ ๐’๐”๐‘๐•๐„๐ˆ๐‹๐‹๐€๐๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„Nakapagtala ng 245 na kaso ng Tigdas (Measles) ang Quezon City mula January 1 hanggang Septem...
04/09/2026

๐Œ๐„๐€๐’๐‹๐„๐’ ๐’๐”๐‘๐•๐„๐ˆ๐‹๐‹๐€๐๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„

Nakapagtala ng 245 na kaso ng Tigdas (Measles) ang Quezon City mula January 1 hanggang September 3 ngayong taon. Sa mga kaso na ito, 80% ang mga batang edad 10 taon pababa (197 cases). Sa mga Distrito sa lungsod, naitala ang pinakamataas na kaso ng tigdas sa District 2 na may 103 cases, na sinundan ng District 6 na may 45 cases. Nakapagtala na rin ng isang measles-related death ngayong taon.

Upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng tigdas lalo na sa mga bata, patuloy ang ginagawang surveillance, outbreak response immunization, health education, at prevention campaign ng lokal na pamahalaan.

Mapanganib ang tigdas ngunit maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna at angkop na pangangalaga. Hinihikayat ang mga magulang na magtungo sa health center o ospital kung mayroong sintomas ng tigdas kagaya ng rashes at lagnat ang inyong mga anak.

Bisitahin ang pinakamalapit na health center upang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa libreng pagbabakuna.
๐Ÿ“ Bukas ang ating mga Health Center, LUNES hanggang BIYERNES ( 8:00am to 5:00pm )

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa tigdas, bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/18cwWCzTTo/

Maari ding magself report at magtanong sa mga sumusunod na numero:
8703-2759
09622747107
8988-4242 local 1609




๐‡๐…๐Œ๐ƒ ๐’๐”๐‘๐•๐„๐ˆ๐‹๐‹๐€๐๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„Umabot na sa 120 ang kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) na naitala sa Quezon City mula...
04/09/2026

๐‡๐…๐Œ๐ƒ ๐’๐”๐‘๐•๐„๐ˆ๐‹๐‹๐€๐๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„

Umabot na sa 120 ang kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) na naitala sa Quezon City mula January 1 hanggang September 3 ngayong taon batay sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Division. Naitala ang pinakamataas na kaso sa mga batang anim (6) na taon pababa (89 cases o 74%) . Naitala ang pinakamataas ang kaso ng HFMD sa District 2 na may 33 cases at sinundan ng District 4 na may 28 cases.

Upang maprotektahan ang mga bata laban sa sakit na ito, kailangang gawin ang mga angkop na pag-iingat dahil mabilis itong makahawa. Mahalagang mapanatili ang kalinisan at tamang hygiene gaya ng paghuhugas ng kamay:

โœ… Pagkatapos gumamit ng palikuran o banyo
โœ… Bago at pagkatapos kumain
โœ… Pagkatapos umubo, bumahing at suminga
โœ… Pagkagaling sa labas o pagkatapos maglaro.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD), bisitahin ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1AGeddcuZL/
Video: https://www.facebook.com/share/v/1DNzd4DRYQ/

Maging updated! I-like, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
Maari ding tumawag sa QCESD Hotline:
8703-2759
0962-274-7107
8988-4242 local 1609





03/09/2026
๐‚๐š๐ฌ๐ž ๐ˆ๐ง๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ-๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐‹๐ž๐ฉ๐ญ๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ ๐ƒ๐ž๐š๐ญ๐ก ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ง๐๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐š๐ซ๐šPatuloy ang pinaig...
03/09/2026

๐‚๐š๐ฌ๐ž ๐ˆ๐ง๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ-๐‘๐ž๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ž ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐‹๐ž๐ฉ๐ญ๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ ๐ƒ๐ž๐š๐ญ๐ก ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ง๐๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐š๐ซ๐š

Patuloy ang pinaigting na surveillance at sommunity-response ng Quezon City Health Department (QCHD) sa mga kaso ng leptospirosis sa lungsod. Nagsagawa ng case investigation ang District 3 Epidemiology and Surveillance Unit noong September 2 kaugnay ng isang leptospirosis death case sa Barangay Matandang Balara.

Bilang bahagi ng imbestigasyon, nangalap ang mga Disease Surveillance Officer ng mahahalagang impormasyon tungkol sa naging kondisyon ng pasyente, exposure sa baha o maruming tubig, mga lugar na napuntahan, at iba pang possible risk factors. Mahalaga ang mga impormasyong ito upang makapagpatupad ng naaangkop na public health interventions.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng health education ang Old Balara Health Center sa mga residente ng Area 2 at Area 6, sa Luzon Avenue, Matandang Balara upang ipaalam ang mga panganib ng leptospirosis at ang mga paraan upang maiwasan ito. Namahagi rin ang health center ng libreng doxycycline sa mga residente na lumusong sa baha, bilang bahagi ng mga hakbang sa pag-iwas sa leptospirosis.

Sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), mula January 1 hanggang August 27 ngayong taon, labing tatlong kaso ng leptospirosis ang naitala sa Barangay Matandang Balara, kabilang ang isang kaso ng pagkasawi.

Hinihikayat ang sinumang nakaranas ng posibleng exposure at nagkaroon ng mga sintomas na agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o ospital at huwag hintaying lumala ang kondisyon.

Bukas ang mga Quezon City Health Center upang magbigay ng libreng post-exposure prophylaxis (doxycycline) matapos ang kaukulang assessment ng health professionals.

Para sa iba pang disease surveillance update, I-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609




๐‹๐ž๐ฉ๐ญ๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ: ๐Œ๐š๐š๐š๐ซ๐ข๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‹๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐Ÿโ€“๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐‹๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ก๐šAng leptospirosis ay may in...
02/09/2026

๐‹๐ž๐ฉ๐ญ๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ: ๐Œ๐š๐š๐š๐ซ๐ข๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ฆ๐š๐›๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐’๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐‹๐จ๐จ๐› ๐ง๐  ๐Ÿโ€“๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐‹๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ก๐š

Ang leptospirosis ay may incubation period na maaaring umabot mula 2 hanggang 30 araw. Ibig sabihin, maaari ka pa ring magkaroon ng sintomas ilang araw o linggo matapos ang paglusong sa baha o maruming tubig.

Mahalaga na palaging i-monitor ang sarili at tandaan ang mga sintomas kabilang ang lagnat, pananakit ng ulo at kalamnan, panginginig, pagsusuka, at iba pang sintomas na parang trangkaso.

Kung ikaw ay lumusong sa baha at nagkaroon ng mga sintomas, agad na kumonsulta sa doktor o pinakamalapit na health center upang masuri at mabigyan ng naaangkop na pangangalaga.

Alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa leptospirosis sa link na ito:
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/880260980797843?rdid=XEugJVhLBqftE82K #
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/888162600007681

Para sa iba pang disease surveillance update, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609





02/09/2026

๐ŸŽ‰ Congratulations to Quezon City, Philippines, recipient of the โ€œTransforming Food Environments: Addressing Policy, Market and Urban Design Drivers of Health and Nutritionโ€ award.

Quezon City uses public food procurement to make healthier diets more accessible across city-run settings, including hospitals, social welfare institutions and feeding programmes. Its Quezon City Nutrition Standards are backed by an executive order, green public procurement and dedicated funding, helping institutionalize healthy and sustainable food choices for diverse populations.

The 2026 WHO Healthy Cities Recognition Awards will be presented at the 11th Global Conference of the Alliance for Healthy Cities in Sydney, Australia, 1โ€“3 September 2026.

Address

Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63287032759

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon City Epidemiology & Surveillance Division posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Quezon City Epidemiology & Surveillance Division:

Shortcuts

Share