18/05/2026
๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ-๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ Pagtalima, ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ K๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐๐ง๐ M๐๐ข๐ข๐ฐ๐๐ง:
๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฏ๐๐ง ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐
Matagumpay na isinagawa ng Cooperative Development Authority-NCR (CDA-NCR) katuwang ang Pasig City Cooperative Development Office (CDO), ang Cooperative Handholding Caravan noong Abril 7, 2026 sa Chardonnay by Astoria, Pasig City. Ito ay isang programa na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kooperatiba sa lungsod at tulungan silang makakuha ng Certificate of Compliance (COC) sa parehong araw.
Dinaluhan ito ng ibaโt ibang kooperatiba na nagkakaisa sa layuning masiguro ang maayos at napapanahong pagsumite sa mga kailangang ulat. Sinimulan ang programa ni G. Romeo Naga, Tagapangulo ng Pasig City Cooperative Development Council (PCCDC), na malugod na tinanggap ang lahat at hinikayat ang bawat isa na samantalahin ang pagkakataong ito upang matuto, makipag-ugnayan, at higit pang mapaunlad ang kanilang kooperatiba. Sinundan ito ni Atty. Leah Banagui-Han, Deputy Administrator for Legal Affairs Services ng CDA, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibidad bilang bahagi ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng CDA at Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Tampok ang kauna-unahang Legal Corner, na nagbigay ng libreng agarang gabay tungkol sa batas, at nakiisa rin si Regional Director Pedro T. Defensor Jr. ng CDA-NCR Extension Office.
Nagbigay ng suporta sina Kgg. Bise-Alkalde Robert Vincent Jude โDodotโ Jaworski Jr. at Konsehal ng Lungsod na si G. Paul Roman โPaoโ C. Santiago, na nagpatingkad sa kahalagahan ng maayos na pamamahala at pagsunod sa batas. Pinahayag naman ni Ret. Major General Gilbert S. Llanto, AFP (Tagapangulo ng ACDI), ang kanilang pasasalamat sa pakikipagtulungan sa CDA at Pasig CDO, habang binigyang-diin ni Gng. Ma. Teresa O. Briones, City Government Department Head II ng Pasig City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang kahalagahan ng partnership ng kanilang tanggapan sa mga kooperatiba sa mga programang pangkabuhayan at panlipunan.
Bilang bahagi ng caravan, ang ACDI Multipurpose Cooperative, katuwang ang mga Certified External Auditors (CEA), ay nagbigay ng libreng serbisyo sa pagtatala ng libro para tulungan ang mga kooperatiba sa paghahanda ng Audited Financial Statements.
Dumalo rin si Gng. Rosario Caรฑadido, Assistant General Manager ng Philippine Federation of Credit Cooperatives-National Capital Region (PFCCO-NCR). Habang nagbahagi naman ang Credit Information Corporation (CIC) ng kanilang serbisyo at pinaalalahanan ang mga kooperatiba tungkol sa pagpaparehistro sa kanilang ahensya. Nagkaroon ng mahalagang talakayan mula kina G. Gerard Paul Salinas (Acting Senior Cooperatives Development Specialist, Supervision and Examination Section (SES), CDA) at G. Ryan Dela Luna (Cooperatives Development Specialist II, CDA) hinggil sa proseso ng caravan, RA 11765, IRR, at ang MC 2025-08 Financial Consumer Protection Assistance Management System (FCPAMS).
Itinampok ang Coopmercial, kung saan naipakita ng Rockbuilders Urban Development & Multi-purpose Cooperative, Camp Converters Consumers Cooperative, Boardwalk Multipurpose Cooperative, at DAP Multipurpose Cooperative ang kanilang mga produkto at serbisyo โ isang hakbang upang mas mapalawak ang ugnayan at oportunidad sa sektor.
Sa kabuuan, ang Cooperative Handholding Caravan ay nagsilbing isang makabuluhang plataporma para sa pagkakaisa, suporta, at patuloy na paglago ng mga kooperatiba sa Lungsod ng Pasig.