02/09/2026
๐ ๐๐ซ๐๐ฌ๐๐ง๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฏ๐๐ฅ๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐
๐ซ๐๐ฆ๐๐ฐ๐จ๐ซ๐ค ๐๐ข๐ฅ๐จ๐ญ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ
Isang mahalagang hakbang tungo sa higit na pagpapalakas ng mga programa at serbisyo ng ๐๐ง๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐๐ก ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐จ๐จ๐๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ง ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐๐๐ฃ ๐๐ค๐ค๐ง (๐๐พ๐๐) ang isinagawa ngayong araw, Setyembre 2, 2026, sa pamamagitan ng ๐๐ง๐๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ค๐ ๐ฉ๐๐ ๐พ๐ฝ๐ ๐๐ซ๐๐ก๐ช๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ง๐๐ข๐๐ฌ๐ค๐ง๐ ๐๐๐ก๐ค๐ฉ ๐๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐ก๐๐ฉ๐ฎ ๐๐๐จ๐ช๐ก๐ฉ.
Sa pangunguna ni ๐ฃ๐๐จ๐ฃ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐๐ข ๐จ๐๐ฒ๐ฐ. ๐ ๐ถ๐ฐ๐ต๐ฒ๐น๐น๐ฒ ๐๐ป๐ป๐ฒ โ๐๐ต๐ฒ-๐๐ต๐ฒโ ๐๐ผ๐ป๐๐ฎ๐น๐ฒ๐ katuwang ang Research, Planning, and Monitoring Division (RPMD), isinagawa sa pamamagitan ng Zoom Video Conference Meeting ang presentasyon at deliberasyon ng mga resulta ng pilot testing at reliability analysis ng CBP Evaluation Framework. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa apat na Field Operations Divisions (FODs), kasama ang iba pang yunit at dibisyon ng Komisyon.
Tinalakay sa aktibidad ang Overall Statistical Reliability Results, FOD-Specific Reliability, at Item-Level Reliability Diagnostics, kabilang ang Findings at Recommendations na magsisilbing gabay sa patuloy na pagsusuri at pagpapahusay ng mga programang ipinatutupad ng PCUP.
Batay sa resulta, nakapagtala ang survey instrument ng ๐๐ญ๐๐๐ก๐ก๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง๐ฃ๐๐ก ๐พ๐ค๐ฃ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฎ. Ipinapakita nito na ang mga items na bumubuo sa instrumento ay reliable at consistent. Dahil dito, nagbibigay ang resulta ng matibay na batayan upang maipagpatuloy ang mga susunod na yugto ng CBP Evaluation Framework.
Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na paninindigan ng PCUP na tiyaking ang mga programa at serbisyong ipinagkakaloob ng Komisyon ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod.