24/09/2026
Nakiisa ang DSWD WiSupport sa paghahatid ng impormasyon at abot-kamay na serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad sa ibaโt ibang panig ng bansa sa ginanap na Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Sapat Para sa Lahat noong ika-14 ng Setyembre 2026.
Sa pangunguna ng mga Angels in Red Vest ng Crisis Intervention Sections ng ibaโt ibang DSWD Field Offices, nagsilbing information and awareness points ang mga WiSupport booth sa isinagawang Serbisyo Caravan sa buong bansa. Dito, nagkaroon ng pagkakataon ang publiko na makilala ang WiSupport Program, matuto tungkol sa mental health at psychosocial well-being, at makatanggap ng mga impormasyong makatutulong sa pag-unawa at pagharap sa ibaโt ibang hamon sa buhay.
Namigay ang mga Angels in Red Vest ng stickers, calling cards, flyers, at iba pang Information, Education, and Communication (IEC) materials sa mga dumalo. Naglalaman ito ng contact details ng WiSupport para sa mga pagkakataong mangailangan sila ng makakausap. Naging bahagi rin ng mga WiSupport booth ang ibaโt ibang simpleng wellness activities gaya ng Mental Health Check-in walls, sweet little surprises para sa mga stressed individuals, at pamimigay ng ibaโt ibang mental health souvenirs, na bukas para sa lahat.
Sa pakikiisa sa Handog ng Pangulo 2026, patuloy na inilalapit ng WiSupport ang kaalaman at access sa mental health at psychosocial support sa mga komunidad. Higit sa pagbibigay ng impormasyon, layunin nitong ipaalala sa bawat Pilipino na kung may mabigat na pinagdaraanan, hindi kailangang mag-isa, may malalapitan, may makikinig, at may handang sumuporta. ๐