Barangay Valencia Quezon City 2018

Barangay Valencia Quezon City 2018 PBJulieSalmingoKgds:KayeFerrerJunBingcangCecilleRiveraNida SillonRaquelYapeLynnieBulaoTanzFrial

WALANG FACE-TO-FACE CLASSES ARAW NG HUWEBESAlinsunod sa direktiba ng  Malacañang  suspendido ang face-to-face classes sa...
19/08/2026

WALANG FACE-TO-FACE CLASSES ARAW NG HUWEBES

Alinsunod sa direktiba ng Malacañang suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa National Capital Region (NCR) gayundin ipatutupad ang ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENT SA BARANGAY VALENCIA ngayong Huwebes, Agosto 20, 2026 alinsunod sa direktiba ng Malacañang kaugnay ng patuloy na epekto ng Habagat, ipatutupad ang alternative work arrangement sa mga tanggapan ng pmahalaan sa NCR kasama ang ating barangay.

Magkaroon po tayo ng kaukulang work arrangement para sa mga kawani, alinsunod sa direktiba ng Quezon City Government at sa pangangailangan ng serbisyo. Ang mga kinakailangang frontline at vital services ay patuloy na bibigyan ng kaukulang personnel.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Paalala: Manatiling ligtas, iwasan ang mga lugar na binabaha, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan. Mag-ingat po tayong lahat mga kabarangay🙏

FOR TOMORROW AUGUST 19, 2026-WEDNESDAY
18/08/2026

FOR TOMORROW AUGUST 19, 2026-WEDNESDAY

JUST IN: Malacañang announces shift to alternative work arrangements in government offices and alternative delivery modes in schools in NCR, other provinces in Luzon tomorrow, August 19, 2026. | via Ivan Mayrina/GMA News

Visit gmanetwork.com/news for more updates.

TOMORROW TUESDAY AUGUST 18, 2026
17/08/2026

TOMORROW TUESDAY AUGUST 18, 2026

| Dahil sa inaasahang malakas na pag-uulang aabot sa 50-200mm bukas, inirerekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang suspensyon ng face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa Quezon City sa Martes, August 18, 2026.

Ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning (Synchronous / Asynchronous) upang masiguro ang patuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at manatili sa inyong tahanan kung kinakailangan para sa inyong kaligtasan.

17/08/2026

ROAD ADVISORY | AUGUST 17, 2026 — 1:12 PM
HINDI PO PASSABLE ANG N. DOMINGO CORNER BROADWAY AVENUE sa mga oras na ito dahil sa patuloy na pag-ulan.

Pinapayuhan ang lahat ng motorista na umiwas muna sa nasabing lugar at gumamit ng alternatibong ruta kung maaari.

Mag-ingat po tayong lahat at iwasang dumaan sa mga lugar na binabaha.

PAUNAWA SA LAHATDahil sa malakas na pag-ulan at alinsunod sa anunsyo ng Malacañang, kalahating araw lamang ang pasok sa ...
17/08/2026

PAUNAWA SA LAHAT

Dahil sa malakas na pag-ulan at alinsunod sa anunsyo ng Malacañang, kalahating araw lamang ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan, maliban sa mga frontliners.

Kaugnay nito, ang Barangay Business Office ay SARADO ngayong hapon.

Gayunpaman, ang ating mga Barangay Tanod at Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ay mananatiling naka-duty upang patuloy na mabantayan ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga kabarangay at makapagbigay ng agarang tulong kung kinakailangan.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, umiwas sa hindi kinakailangang paglabas, at mag-ingat sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa. 🙏☔

MAYNILA WALA NA PONG PASOK-🌧️ Walang pasok | Manila— August 17,2026Suspendido ang klase sa Kindergarten hanggang Senior ...
16/08/2026

MAYNILA WALA NA PONG PASOK-🌧️ Walang pasok | Manila— August 17,2026

Suspendido ang klase sa Kindergarten hanggang Senior High School, public at private schools sa Maynila, ngayong Lunes, August 17, 2026, ayon sa official announcement ng Manila City Government.

📌 📸Source: Official Page of Mayor Isko Moreno / Manila City Government

Para sa iba pang lugar, abangan ang opisyal na anunsyo ng kani-kanilang LGU.

| Upon recommendation of the Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD), I am ordering the suspension of classes from Kindergarten to Senior High School (SHS) in public and private schools on Monday, August 17, 2026, due to the southwest monsoon (habagat) expected to bring cloudy skies with intermittent light to moderate, at times heavy rainfall over the city.

Schools are advised to shift to ADM or Alternative Delivery Mode.

TRAFFIC ADVISORY BARANGAY VALENCIA AS OF 5:30PM OF AUGUST 16, 2026PANSAMANTALANG PAGSASARA NG BAHAGI NG AURORA BOULEVARD...
16/08/2026

TRAFFIC ADVISORY BARANGAY VALENCIA AS OF 5:30PM OF AUGUST 16, 2026

PANSAMANTALANG PAGSASARA NG BAHAGI NG AURORA BOULEVARD

Magandang araw po.

Ipinapaalam po sa lahat ng motorista at mga residente na pansamantalang isasara ang bahagi ng Aurora Boulevard, mula IT Center hanggang Jiang Nan, dahil may poste na nakasabit sa mga kable at posibleng bumagsak, na maaaring magdulot ng panganib sa mga motorista, pedestrian, at publiko.

Bilang pag-iingat at para sa kaligtasan ng lahat, pansamantalang isasara ang nasabing bahagi ng kalsada habang isinasagawa ang kinakailangang inspeksyon at pag-aayos sa lugar.

Hinihiling po ang pakikiisa at pang-unawa ng lahat. Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit muna ng alternatibong ruta at mag-ingat sa pagdaan sa mga kalapit na lugar.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

PAALALA: KALIGTASAN NG LAHAT ANG PANGUNAHING PRAYORIDAD.

METRO MANILA SUSPENDIDO  NA ANG KLASE  PRIBADO AT PAMPUBLIKO AYON SA MALACANANG
14/08/2026

METRO MANILA SUSPENDIDO NA ANG KLASE PRIBADO AT PAMPUBLIKO AYON SA MALACANANG

: Sinuspende ng Malacañang ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pamubliko at pribadong paaralan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, at Occidental Mindoro ngayong Biyernes, Agosto 14, 2026, dahil sa masamang panahon.

Lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa mga nabanggit na lugar ay pinapayuhang magsagawa ng alternative learning modes.

Inaatasan naman ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa mga nabanggit na lugar na magpatupad ng alternative work arrangements.

09/08/2026
06/08/2026

📢ANNOUNCEMENT:
Para sa kaalaman ng lahat, ang tanggapan ng Barangay Valencia ay magseserbisyo mula 8:30am - 12nn lamang (HALF DAY) bukas araw ng Biyernes August 7, 2026.

Magkakaroon ng
GAD CAPACITY BUILDING SEMINAR ang mga empleyado.

Paalala sa mga residente: Kung mayroon kayong kailangang lakarin na mga dokumento o transaksyon sa barangay, mangyaring pumunta nang maaga.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa

PB Julie Salmingo

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Valencia Quezon City 2018 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share