01/05/2026
๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐: ๐๐๐ง๐ ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐
Ngayong araw, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Manggagawa. Isang selebrasyon ng kanilang tibay, tatag, at lakas na lumaban sa hamon ng buhay. Gigising ng maaga para makipagsapalaran sa daanan, susuong sa dagsa ng tao para lamang makapunta sa paroroonan, at magtatrabaho kahit walang laman ang kanilang mga tiyanโmga bagay na hindi nakikita ng karamihan. Hindi lamang natatapos ang kanilang gawain sa kanilang mga trabaho, matapos nito, uuwi ng bahay para mag-asikaso ng mga anak, magulang, at pamilya. Ang tangi na lamang nilang pahinga ay tulog na kung minsan ay hindi pa sapat at kinabukasan ay babangon ulit para mag-trabaho upang may maiuwing pagkain sa hapag.
Hindi madali ang kanilang ginagawa, minsan maayos ang trabaho ngunit madalas pagod at walang ganang pumasok. Makikita natin silang madalas na nakangiti, ngunit sa likod nito ang pagod na kanilang ikinukubli. Banat buto silang kumakayod para sa maliit na sahod. Sa panahon at ekonomiyang ito, hindi na sasapat ang 695 kada araw na sahod para mabuhay. Nagsitaasan ang mga bilihin, maski gas ay tumaas na rin. Kung patuloy itong mangyayari, ano na ang magiging buhay ng manggagawa natin? Kaya kailangang pakinggan ang tugon ng mga manggagawa na taasan ang kanilang mga sahod. Sila ang nagbabanat ng buto at napapagod upang mabuhay ang bawat sektor sa bansang ito. Mula magsasaka, mangingisda, hanggang sa mga service crew at mga contractual, sila ay humihiling na pakinggan ang kanilang mga boses, tugunan ang kanilang mga hinaing, at bigyan ng nararapat at tapat na sahod para sa lahat.
Kaya, nakikiisa ang START AIT sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa. Bawat isa sa kanila ay ipinagmamalaki at itinuturing na dangal ng masa. Saludo kami sa inyong paghihirap at sa patuloy ninyong pagbangon upang makapagbigay sa inyong pamilya. Hindi matatawaran ang inyong sakripisyo at dedikasyon sa pagtatrabaho. Kaya ang sigaw ng bayan, SAHOD ITAAS, PRESYO IBABA!