27/03/2023
Ikinagagalak po nating ibalita sa ating mga kababayan na 23 sa 31 panukalang batas at priority measures ng Marcos administration ang naipasa na natin sa House of Representatives.
Ang mga panukalang batas na ito ay inaaasahan natin na magbibigay-sigla sa ating ekonomiya, makakalikha ng dagdag trabaho at kabuhayan, makakapag-bigay ng de-kalidad at murang health care services sa ating mga kababayan at makakatulong na bawasan ang kahirapan sa ating bansa.
Sa pamamagitan rin ng mga panukalang batas na ito, inaaasahan natin na mapapabilis ang ating recovery mula sa mga epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng ating bansa at sa kabuhayan ng ating mga kababayan.
https://fb.watch/jxgObp8BO3/