NCIP Calabarzon

NCIP Calabarzon The National Commission on Indigenous Peoples shall protect and promote the interest and well-being

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก: Nilinaw ni NCIP Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco na ang dayalogo sa Sitio Binyayan, Capas, Tarlac no...
24/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก: Nilinaw ni NCIP Secretary and Chairperson Nancy A. Catamco na ang dayalogo sa Sitio Binyayan, Capas, Tarlac noong Agosto 7 ay nakatuon sa pakikinig sa mga concern ng Aeta Hungey community tungkol sa panukalang Pax Silica project.

Binigyang-diin din niyang hindi nananatiling tahimik ang NCIP. Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa komunidad at mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang makabuluhang partisipasyon ng mga ICCs/IPs at mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at kultura.
Panoorin ang buong panayam: https://www.youtube.com/watch?v=m-EUg9ZZesY

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

Higit pitumpung indigenous families ang masasapol ng Pax Silica Pro...

Isinagawa ng NCIP ang census at validation ng mga pamilyang Aeta sa Capas, Tarlac, bilang bahagi ng pagtitiyak na sila a...
24/08/2026

Isinagawa ng NCIP ang census at validation ng mga pamilyang Aeta sa Capas, Tarlac, bilang bahagi ng pagtitiyak na sila ay maayos na natutukoy, napakikinggan, at makabuluhang nakikilahok sa mga usaping may epekto sa kanilang komunidad.

Basahin ang ulat ng Daily Tribune:
https://tribune.net.ph/.../ncip-counts-aeta-households...

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€

NCIP conducts a census and validation of Aeta Hungey households in Capas, Tarlac, to identify Indigenous Peoples potentially affected by the proposed Pax Silica project.

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Isang makulay at makasaysayang selebrasyon ang ginanap para sa ika-128 taon ng Araw ng Tayabas!Dumalo at nakib...
13/08/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Isang makulay at makasaysayang selebrasyon ang ginanap para sa ika-128 taon ng Araw ng Tayabas!

Dumalo at nakibahagi ang NCIP Catanauan CSC, pinangungunahan ni Fil Vincent Garcia, CDO, kasama ang mga kawani nito at ang pamunuan ng Katutubong Pamayanan ng Ayta ng Tongko. Sama-sama silang nakilahok sa parada na nagtapos sa Minor Basilica of St. Michael the Archangel, kung saan isinagawa ang program proper.

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ng Ina ng Lalawigan, Gov. Dra. Angelina Helen Tan, at Ama ng Lungsod ng Tayabas, Mayor Piwa Lim, kasama ang mga pinuno ng ibaโ€™t ibang tanggapan at mga pambansang ahensya pangkultura gaya ng NCCA, NHCP, at UNESCO. Dumalo din ang mga alkalde mula sa iba't-ibang bayan ng Quezon. Panauhing pandangal naman sina Dr. Ivan Henares, Secretary General ng UNESCO Philippines, at Dir. Pablo Gabriel R. Malvar, apo ng bayaning si Miguel Malvar.

Nakibahagi rin si G. Garcia bilang aktibong kasapi ng Tayabas Council for Culture and the Arts (TCCA) sa pamumuno ni G. Nick Pataunia, Pangulo ng Konseho.

Pagbati: Maligayang ika-128 taon ng dakilang kasaysayan, mayamang kultura, at kalayaan ng Lungsod ng Tayabas at buong Lalawigan ng Quezon! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ








Photo Credits: Tayabas Heritage Channel, Vincent Garcia, Nick Pataunia, Wilma Serafines

12/08/2026

Today, August 12, 2026, the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) joins Indigenous Peoples and communities across the country and around the world in commemorating the International Day of the Worldโ€™s Indigenous Peoples (IDWIP) and the National Indigenous Peoples Day (NIPD).

With this yearโ€™s theme, โ€œHonoring Indigenous Midwives: Safeguarding Life and Well-being,โ€ we recognize and celebrate the invaluable role of Indigenous midwives-women who carry generations of traditional knowledge, cultural practices, and compassionate care in safeguarding the lives and well-being of mothers, children, and communities.

Beyond their role in childbirth, Indigenous midwives are bearers of ancestral knowledge, protectors of cultural traditions, and guardians of community well-being. Their wisdom reminds us that Indigenous knowledge and practices remain vital in building healthier, more resilient, and culturally grounded communities.

๐Ÿ“ Happening today at NCIP August 12, 2026

Join us as we honor the knowledge, courage, and enduring service of Indigenous midwives and celebrate the rich heritage, identity, and continuing contributions of Indigenous Peoples.

Padayaw, Indigenous Peoples!

Pakikipamuhay at pakikipagtalakayan para sa edukasyon ng Katutubong Pilipino. ๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Matagumpay na isinagawa ang Regi...
11/08/2026

Pakikipamuhay at pakikipagtalakayan para sa edukasyon ng Katutubong Pilipino.

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Matagumpay na isinagawa ang Regional Community Engagement and Consultation on the Affirmation of Culturally Responsive Learning Materials for the Indigenous Peoples Education (IPEd) Program sa Sitio Paglitaw, Brgy. San Jose, Lungsod ng Antipolo noong Hulyo 27โ€“29, 2026. Layunin ng tatlong araw na gawaing ito na suriin at patotohanan ang mga kagamitang pampagkatuto para sa IPEd, kasabay ng pagpapalalim ng ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng direktang pakikipamuhay sa mga pamilyang Katutubo.

Pormal na binuksan ang programa kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Education, National Commission on Indigenous Peoples, at mga Indigenous Peoples Mandatory Representation (IPMR). Sinundan naman ito ng paunang pagsusuri ng mga kagamitang pampagkatuto kasama ang mga Elders at pinuno ng komunidad.

Nagsagawa rin ng mga aktibidad tulad ng pakikipamuhay sa mga pamilyang Dumagat/Remontado, pagkalap ng Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), edukasyong pangkalusugan, at pag-aani ng mga gulay gaya ng mais, dahon ng ampalaya, talbos ng kamote, at okra. Nagkaroon din ng masayang huntahan at kantahan kung saan itinampok ang mga katutubong sayaw, laro, at tradisyon ng mga Dumagat/Remontado ICCs/IPs.

Pinalakas ng tatlong araw na aktibidad na ito ang ugnayan at boses ng Dumagat/Remontado ICCs/IPs bilang mga aktibong aktor sa paghubog ng kanilang sariling edukasyon. Patunay ito na mas makabuluhan ang pagkatuto kapag nakakapit ito sa kultura at pamumuhay ng bawat mag-aaral. Ang mga karanasang ito ay magsisilbing pundasyon upang patuloy na itaguyod ang isang edukasyong gumagalang at nagpapayaman sa kulturang katutubo.



07/08/2026

๐‹๐ˆ๐•๐„ ๐๐Ž๐– | Indigenous Worldviews and Natural Disaster Preparedness
The National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), in partnership with the Indigenous Research Network, warmly welcomes everyone to today's FREE Virtual Learning Experience.

Join us as Indigenous knowledge holders and experts from the Philippines and New Zealand share their experiences, perspectives, and traditional approaches to natural disaster preparedness, highlighting the vital role of Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSPs) in strengthening disaster preparedness and safeguarding Indigenous communities for future generations.

We look forward to learning with you!
*ATTENDANCE FORM:* https://forms.cloud.microsoft/r/gVa1h1SFeX

OPISYAL NA PAHAYAGAng 2026 FPIC Guidelines ay bunga ng mahigit isang dekadang masusing pagsusuri at malawak na konsultas...
06/08/2026

OPISYAL NA PAHAYAG

Ang 2026 FPIC Guidelines ay bunga ng mahigit isang dekadang masusing pagsusuri at malawak na konsultasyon at pakikipagdiyalogo sa mga Katutubong Pamayanan, mga NCIP Field Offices, ibaโ€™t ibang ahensiya ng pamahalaan, civil society organizations, pribadong sektor, at iba pang stakeholder sa ibaโ€™t ibang panig ng Pilipinas. Isinulong ang mga ito upang tugon sa mga aral at hamon sa pagpapatupad ng 2012 FPIC Guidelines at higit pang patatagin ang proteksiyon sa mga karapatan ng mga Katutubong Pamayanan sa ilalim ng IPRA.

Kabilang sa mahahalagang reporma ang pagpapalakas ng transparency at pananagutan sa pamamagitan ng FPIC Transparency Portal, mas mahigpit na disclosure requirements para sa mga aplikante, pagkilala sa precautionary principle para sa mga proyektong may mataas na panganib sa kapaligiran at kultura, pinalakas na human rights monitoring, mas malinaw na mga tuntunin laban sa conflict of interest, at patuloy na obligasyon sa pagsunod sa mga kondisyon ng FPIC sa buong panahon ng implementasyon ng proyekto.

Nananatiling bukas ang NCIP sa makabuluhang diyalogo at mga mungkahi upang higit pang mapatatag ang pagpapatupad ng FPIC. Patuloy naming ipagtatanggol ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanan na malayang magpasya sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang mga lupang ninuno, kultura, at kinabukasan.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€



OPISYAL NA PAHAYAG

Ang 2026 FPIC Guidelines ay bunga ng mahigit isang dekadang masusing pagsusuri at malawak na konsultasyon at pakikipagdiyalogo sa mga Katutubong Pamayanan, mga NCIP Field Offices, ibaโ€™t ibang ahensiya ng pamahalaan, civil society organizations, pribadong sektor, at iba pang stakeholder sa ibaโ€™t ibang panig ng Pilipinas. Isinulong ang mga ito upang tugon sa mga aral at hamon sa pagpapatupad ng 2012 FPIC Guidelines at higit pang patatagin ang proteksiyon sa mga karapatan ng mga Katutubong Pamayanan sa ilalim ng IPRA.

Kabilang sa mahahalagang reporma ang pagpapalakas ng transparency at pananagutan sa pamamagitan ng FPIC Transparency Portal, mas mahigpit na disclosure requirements
para sa mga aplikante, pagkilala sa precautionary principle para sa mga proyektong may mataas na panganib sa kapaligiran at kultura, pinalakas na human rights monitoring, mas malinaw na mga tuntunin laban sa conflict of interest, at patuloy na obligasyon sa pagsunod sa mga kondisyon ng FPIC sa buong panahon ng implementasyon ng proyekto.

Nananatiling bukas ang NCIP sa makabuluhang diyalogo at mga mungkahi upang higit pang mapatatag ang pagpapatupad ng FPIC. Patuloy naming ipagtatanggol ang karapatan ng mga Katutubong Pamayanan na malayang magpasya sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang mga lupang ninuno, kultura, at kinabukasan.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™—๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ: ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ช๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ง๐™–๐™ฃโ€


05/08/2026
๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Pormal na isinagawa sa Regional Flag Raising Ceremony ngayong ika-3 ng Agosto 2026 ang turnover ng pamumuno sa...
03/08/2026

๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป | Pormal na isinagawa sa Regional Flag Raising Ceremony ngayong ika-3 ng Agosto 2026 ang turnover ng pamumuno sa NCIP Quezon Provincial Office.

Bilang bahagi ng maayos na transisyon, ibinahagi ni Dr. Donato B. Bumacas, outgoing Provincial Officer, ang mahahalagang impormasyon hinggil sa mga programa, proyekto, at gawain ng tanggapan kay G. Neil Jasper V. Coroza, Chief ng Office on Education and Culture Division (OECD, na itinalagang mamuno sa NCIP Quezon Provincial Office.

Sa kanyang mensahe, nagpahayag si Dr. Bumacas ng pasasalamat sa mga kawani ng Quezon Provincial Office para sa kanilang dedikasyon, pagtutulungan, at mahusay na paglilingkod sa mga Katutubong Pamayanan sa buong panahon ng kanyang panunungkulan.

Kasabay nito, siya ay nagbalik sa kanyang orihinal na himpilan sa Nueva Ecija Provincial Office sa NCIP Region III.

Malugod namang binabati si G. Coroza sa kanyang bagong tungkulin. Nawa'y magpatuloy ang NCIP Quezon Provincial Office sa paghahatid ng mahusay, maagap, at makabuluhang serbisyo para sa kapakanan at pag-unlad ng mga Katutubong Pamayanan sa lalawigan ng Quezon.



Address

3rd Floor Argo Bldg. 574 Edsa Corner P. Tuazon, Cubao
Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NCIP Calabarzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to NCIP Calabarzon:

Shortcuts

Share