Barangay Escopa IV

Barangay Escopa IV "Welcome to the heart of Barangay Escopa IV on Facebook! Discover community updates, events, and ways to engage with fellow residents.

Let's unite, connect, and build a stronger community together!"

07/04/2026
07/04/2026
ANUNSYO!!!Magandang araw po!Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa Operation Libreng Tuli para sa kabataan ng Distrito 3...
23/03/2026

ANUNSYO!!!
Magandang araw po!
Inaanyayahan ang lahat na makilahok sa Operation Libreng Tuli para sa kabataan ng Distrito 3.
📅 Petsa: Abril 10, 2026�📍 Lugar: Barangay Marilag�⏰ Oras: 8:00 AM – 12:00 NN

Ito po ay LIBRENG serbisyo para sa ating mga kabataan. Hinihikayat ang mga magulang na samahan ang kanilang mga anak sa nasabing aktibidad.
👉 Para sa Registration , i-click ang link sa ibaba

Maraming salamat po at inaasahan namin ang inyong pakikiisa!

Pre-registration sponsored by Punong Barangay Association (PBA, D3 Q.C), Alpha Phi Mega Apo & Office of Coun. Chuckie Antonio

📢 **BARANGAY ASSEMBLY DAY – 1st Semester CY 2026**Nagkakaisang Barangay tungo sa kalinisan, kaayusan, kapayapaan at kaun...
22/03/2026

📢 **BARANGAY ASSEMBLY DAY – 1st Semester CY 2026**

Nagkakaisang Barangay tungo sa kalinisan, kaayusan, kapayapaan at kaunlaran! 💙

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa ating Barangay Assembly ngayong araw, March 22, 2026, sa Barangay Escopa IV Hall. Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga sa patuloy nating pag-unlad bilang isang komunidad.

Patuloy po nating suportahan ang mga programa at proyekto ng ating barangay para sa mas maayos, ligtas, at maunlad na pamayanan.

💬 Sama-sama tayong kikilos para sa mas magandang kinabukasan!

📢 ATTENTION INCOMING GRADE 11 & GRADE 12 STUDENTS OF BRGY. ESCOPA IV!Ang Barangay Escopa IV, in partnership with JPI Tec...
13/03/2026

📢 ATTENTION INCOMING GRADE 11 & GRADE 12 STUDENTS OF BRGY. ESCOPA IV!

Ang Barangay Escopa IV, in partnership with JPI Technologies Institute, ay nag-iinvite sa lahat ng incoming Grade 11 at Grade 12 students mula sa ating barangay na dumalo sa isang orientation program tungkol sa Senior High School opportunities.

Layunin ng orientation na ito na ipakilala ang JPI Technologies Institute, isang educational institution na nag-ooffer ng Senior High School programs tulad ng ABM, HUMSS, STEM, GAS, at TVL-ICT, pati na rin ng skills training at Japanese language learning opportunities na makakatulong sa paghahanda ng mga estudyante para sa kanilang future career at global opportunities.

Ito ay isang magandang pagkakataon para malaman ninyo ang tungkol sa:
🎓 Senior High School programs
📚 Educational opportunities
💼 Skills training for future careers
🌏 Opportunities for global learning

📍 Venue: Brgy. Escopa IV
📅 Date: To be announced
⏰ Time: To be announced

Inaanyayahan namin ang lahat ng incoming SHS students at kanilang mga magulang na makiisa sa orientation na ito.

📌 Stay tuned sa official announcement ng schedule!

Maraming salamat at magkita-kita tayo!

— Barangay Escopa IV

🌸 National Women’s Month Celebration 🌸Inaanyayahan po namin ang lahat ng kababaihan at residente ng Brgy. Escopa IV na m...
09/03/2026

🌸 National Women’s Month Celebration 🌸

Inaanyayahan po namin ang lahat ng kababaihan at residente ng Brgy. Escopa IV na makiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month! 💜

📅 March 14, 2026
⏰ 8:00 AM
📍 Barangay Hall, Escopa IV

Tara na at makisama sa isang makabuluhang umaga na naglalayong ipagdiwang ang lakas, pagkakaisa, at kontribusyon ng kababaihan sa ating komunidad.

✨ Tema:
“Lakad para sa Lakas at Pagkakaisa ng Kababaihan”

💃 At pagkatapos ng programa, magkakaroon tayo ng Zumba Session para sa masaya at healthy na bonding ng ating mga kababaihan at mga residente!

👩‍🦰👩‍🦳👩‍🦱 Lahat ay inaanyayahan – kababaihan, pamilya, at mga ka-barangay na gustong makiisa sa selebrasyon.

Magkita-kita po tayo! Sama-sama nating ipagdiwang ang lakas ng kababaihan sa ating komunidad. 💜



Valentine’s Day Celebration at Barangay Escopa IV
14/02/2026

Valentine’s Day Celebration at Barangay Escopa IV

06/02/2026

ANNOUNCEMENT

Magandang araw po sa lahat ng Homeowners.

Ipinapaalam po namin na mayroon na po tayong available na Cedula. Inaanyayahan po ang lahat, lalo na ang mga may negosyo, lessors, lessees, at mga may-ari ng sasakyan, na magtungo at mag-asikaso ng kanilang Cedula.

Cedula - 55php Regular / Senior 5php
Lessor - 200 php
Lessee - 150 php
Business permit: 200 php

Mangyari po na ipaalam at ipakalat ang anunsyong ito upang mas maraming residente ang makaalam.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.

🚨 MISSING 🚨Please help find the missing cat.Huling nakita: JANUARY 12 2026  2:30PMKulay: PutiMata: blue nag oorangeMukha...
12/01/2026

🚨 MISSING 🚨

Please help find the missing cat.

Huling nakita: JANUARY 12 2026 2:30PM

Kulay: Puti
Mata: blue nag oorange
Mukha at tenga: may light brown/cream na kulay
Maliit pa

Call or text FB(cedrick macaraeg)

Address

Quezon City
1109

Telephone

+63286394195

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Escopa IV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Escopa IV:

Share