25/05/2026
Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang, alumni, stakeholders, at mga kaibigan ng paaralan na maging bahagi ng Brigada Eskwela 2026. Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan sa pamamagitan ng paglilinis, pagkukumpuni, at pagpapaganda ng kapaligiran para sa ligtas at mas masayang pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Ang inyong oras, talento, at pakikibahagi ay malaking tulong sa ating paaralan. Sa diwa ng bayanihan, sama-sama nating ipakita ang pagkakaisa at malasakit para sa edukasyon ng ating mga kabataan.
Halina at makiisa! Ang bawat tulong ay mahalaga. ππ
Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman!