31/03/2026
PABATID : Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116 na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo, ipatutupad ang sumusunod na kaayusan sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan kaugnay ng paggunita ng Semana Santa:
📅 Abril 1, 2026 (Miyerkules Santo)
• Work From Home mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali
• Suspensyon ng trabaho simula 12:00 ng tanghali
Mananatiling bukas ang mga ahensyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo.
Ang pagpapatupad nito sa pribadong sektor ay nakasalalay sa kani-kanilang pamunuan.
Hinihikayat ang lahat na gamitin ang panahong ito para sa pagninilay at pagpapahalaga sa pamilya. 💙🙏