04/05/2026
Unang Lunes ng Mayo, sabay-sabay nating itinataas ang watawat—simbolo ng pagkakaisa, dangal, at patuloy na paglilingkod sa bayan.
At gaya ng kasabihang “hawak mo ang beat,” sa gobyerno, hindi lang sayaw ang dapat nasa timing—pati serbisyo! Kailangan swak sa ritmo ng pangangailangan ng mamamayan, walang sablay, walang offbeat.
Kaya tara, sabayan natin ang tugtog ng responsibilidad at malasakit. Dahil sa bawat maayos na hakbang at tamang kumpas, mas napapaganda natin ang himig ng ating bayan.
Maligayang unang linggo ng Mayo!