27/06/2025
โฑ420,000 TULONG PANGKABUHAYAN, NAIPAGKALOOB SA 14 NA BAGONG BENEPISYARYO SA EL NIDO SA ILALIM NG "ADOPT-A-BENEFICIARY" ADVOCACY
Villa Libertad, El Nido, Palawan โ Ika-25 ng Hunyo 2025, isang makasaysayang tagumpay ang naitala sa isinagawang Adopt-a-Beneficiary Awarding Ceremony ng mga Livelihood Association sa ilalim ng Community-Based Gender and Development (CBGAD) Livelihood Enhancement Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, sa pangangasiwa ng Provincial Gender and Development Office.
Bilang bahagi ng Pay-It-Forward Advocacy ng programa, ang bawat naorganisang Peoplesโs Organization ay matagumpay na nakalikom ng pondo ang mga orihinal na benepisyaryo mula sa bahagi ng kanilang kinita upang maipasa ang tulong pangkabuhayan sa mga bagong miyembro. Bawat asosasyon ay nagkaloob ng โฑ30,000.00 sa kani-kanilang napiling benepisyaryo, na umabot sa 14 na bagong benepisyaryo at may kabuuang halagang โฑ420,000.00.
Ang kaganapang ito ay sumasalamin sa diwa ng malasakit, pagkakaisa, at pagbibigayan โ isang malinaw na patunay ng matagumpay na pagpapatupad ng programang tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga mamamayan.
Isa itong maituturing na milestone para sa lalawigan ng Palawan at sa Community-Based Gender and Development Livelihood Enhancement Programโ isang hakbang patungo sa mas inklusibo, sustenable, at makataong pagpapaunlad sa kabuhayan ng bawat Palaweรฑo.
Samantala, ipinaabot naman ni Mayor Edna G. Lim ng Bayan ng El Nido, sa pamamagitan ng kanilang Municipal GAD Focal Person na si G. Jon Gibbs Relata, ang taus-pusong pasasalamat at buong suporta ng Pamahalaang Lokal ng El Nido para sa nasabing programa at adbokasiya. Gayundin, pinuri niya ang konsepto ng adbokasiyang ito bilang isang best practice na maaaring tularan ng iba pang lokal na pamahalaan, kabilang na ang kanilang Bayan ng El Nido.