03/06/2026
PUERTO PRINCESA CITY- Pambato ng Lungsod ng Puerto Princesa ang Brgy. Babuyan para sa pagpipilian bilang Outstanding Barangay Nutrition Council (BNC) at Outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa regional competition ng National Nutrition Council ng Department of Health (DOH).
Ito ang masayang ipinarating kay Vice Mayor Jimbo Maristela ng Regional Nutrition and Evaluation Team ng DOH ng mag-courtesy call ang mga ito sa Tanggapan ng Bise Alkalde, para sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro).
Kabilang sa mga miyembro ng Regional Nutrition Evaluation Team sina Karen Faye Gaya, Nutrition Officer III, NNC-MIMAROPA, Justine Fernandez, Nutritionist-Dietician II at Armando Golifardo Jr., LGOO II, DILG-MIMAROPA.
Bukod sa Barangay Nutrition Council ng Brgy. Babuyan, pambato rin para sa Outstanding Barangay Nutrition Scholar si Aldwin Manalon ng Brgy. Babuyan pa rin.
Samantala, kasama rin ng grupo ang mga kinatawan mula sa Puerto Princesa City Nutrition Office na sina Maria Concepcion Solidum, Grace Palarca at Rinslyn Belleza, na mainit na tinanggap at pinasalamatan ni Vice Mayor Maristela.