01/11/2023
π½πΌπππ ππΌππΌππ πππΏπΌπ πΌππ ππ½πΌππ πππππΌ?
Ang Undas ay isang pagdiriwang na nagmula sa mga katoliko upang alalahanin ang kabana-
lan ng mga santo. Ang Undas ay mas kilala bi- 'All Saints' Day sa wikang Ingles. Gayunpaman, madalas nang paghaluin ng iba ang pagdiri-
wang ng araw ng mga santo (November 1) at ang Araw ng mga Patay (November 2). Kaya naman kung mapapansin natin, mas madalas pang bumisita ang mga Pinoy sa mga semen-
teryo sa araw ng Undas o All Saints' Day kaysa sa tunay nitong selebrasyon sa kasunod na a-
raw na "All Souls Day".
Pero alam mo ba, na hindi 'raw' nagdiriwang ng Undas ang ibang sekta? Bakit kaya? Narito ang ilan sa mga rason nila at himayin natin kung ito ay may katotohanan, o sadyang kulang lamang sila sa kaalaman.
Simullan na natin:π
β’ UNA, DAHIL HINDI SILA NANINIWALA SA 'INTERCESSION' NG MGA SANTO.
Akala ng ibang sekta, sinasamba nating mga
Katoliko ang mga santo dahil humihingi raw ta-
yo ng tulong sa pamamagitan ng kanilang inter
cession imbes na ideretso na lang ang panala-
langin natin sa Panginoon. Kung ganito ang kai
sipan nila, maari rin ba nilang sabihin sa sarili nila na sila'y sumasamba sa kanilang mga mi-
nistro o pastor sapagkat humihingi rin sila ng
dasal at tulong upang ipagdasal ang kanilang hinaing sa buhay?
Gayunpaman, ang paratang ng ibang sekta na sinasamba raw natin ang mga santo ay walang katotohanan, sapagkat magkaiba ang "Venera- tion" at "Adoration". Ang Veneration ay pagkilala at paggalang sa mga santo at kay Maria sa
kung paano sila namuhay na alinsunod sa ka-
gustohan ng Diyos. Ang Adoration naman ay isang pagsamba sa natatanging Diyos ng mga katoliko. Ito ay pagsamba na tanging para sa
"Diyos Lamang" Dahil nga, ang mga santo ay
malapit sa Diyos , tayo ay humihingi sa kanila
ng tulong upang sabayan tayo sa pagdarasal sa Diyos.
β’ PANGALAWANG DAHILAN: DAHIL WALA RAW SA BIBLIA ANG PURGATORYO.
Ang purgatoryo ay ang lugar kung saan nangya
yari ang 'Purification' o 'Paglilinis' sa mga kasa
lanan.Mula ang Purgatoryo sa salitang Latin na 'Purgare' o pagpupurga sa salitang Tagalog. A-
yon sa pagpapaliwanag, kasama sa proseso ng pagpupurga ang 'pain' at ' discomfort' sa mga kaluluwa, kaya naman malaking tulong ang na-
gagawa ng mga nabubuhay pa upang ipagda-
sal ang mga kaluluwang nasa purgatoryo.
Tunay na hindi makikita ang salitang 'Purgator-
yo' sa Biblia, gayunpaman, hindi ito nanganga-
hulugan na walang katotohanan ang paniniwa-
lang ito. Patotohanan natin ang purgatoryo sa talatang nabanggit ni San Pablo sa
ππ 1 Corinto 3:10-15
na kung paano maliligtas ang isang tao na pa- rang qdumaraan sa apoy:
"Ngunit kung masunog naman, mawawalan si-
ya ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy.'
Dagdag pa rito, nabanggit rin sa
ππ 2 Mac 12:39-46
sa kung paanong nakakatulong ang bawat pa-
nalangin ng mga buhay sa mga patay na(o mga kaluluwang nasa purgatoryo) upang mapata-
wad ang nagawang kasalanan.
'Dahil buo ang kanyang paniniwala na ang lahat ng namamatay na nanatiling maka-Diyos ay ta-
tanggap ng dakilang gantimpala, ginawa niya ang paghahandog na iyon upang ang pagkaka-
sala ng mga namatay na ito ay patawarin.
β’ PANGATLONG DAHILAN: DAHIL ANG PAGDIRIWANG RAW NA ITO AY MULA SA PAGANO.
Kung ating babalikan, ang Undas o All Saints Day ay ginugunita na ng mga Kristiyano mula
pa noong ika-apat na siglo. Noong taong 609, iprinoklama ni Pope Boniface IV na gunitain
ang mga martir ng Simbahan sa ika-13 ng Mayo. Sa taong 835 naman nang pormal na itinatag ng Santo Papa na si Gregory IV ang unang araw ng Nobyembre bilang araw ng mga Santo at ang ikalawang araw naman bilang pag
alala sa mga pumanaw na. Hindi ito pagdiri-
wang na pagano gaya ng binabato ng ibang
Sekta sa atin, dahil kung ganito nga ang kanil-
lang kaisipan, maari rin ba nilang tawagin ang sarili nila bilang mga hipokrito at pagano lalo't patago nilang ipinagdiriwang ang araw ng mga patay? Ang ilan pa nga sa kanila ay sumasali pa sa Secular Halloween party na puro katata-.
kutan?
Ngayong malinaw na ang lahat kung bakit natin ito ipinagdiriwang, dapat pa ba nating paniwala
an ang dahilan ng ibang sekta na kulang la-
mang sa kaalaman at pananampalataya?
Maraming salamat po sa inyong patuloy na
suporta at pagsusubaybay...
God bless us all π
AdminR
Katoliko Ako