17/09/2025
BILANG NG MGA NAGKASAKIT NG DENGUE SA PUERTO PRINCESA, SUMAMPA NA SA 1,578; MGA NASAWI, UMABOT NA SA LIMA
Sumampa na sa 1,578 ang kaso ng Dengue na naitala ng City Health Office sa Puerto Princesa mula Enero hanggang kalagitnaan ng Setyembre ngayong taon.
Ayon kay Dr. Ric Panganiban, mas mataas umano ito kung ikukumpara sa naitala noong 2024 sa kaparehong panahon na nasa 1,098 na kaso lamang, pero mas mababa naman sa naitala noong 2023 na umabot sa halos tatlong libong kaso.
Lima na ang naitalang namatay dahil sa naturang sakit; tig-iisa ang nasawi noong Buwan ng Pebrero, Marso at Abril, habang dalawa naman noong buwan ng Mayo.
Karaniwan naman umano sa nagkakasakit ay ang mga nag-eedad ng sampung taong gulang pababa.
Ang mga sumusunod na barangay ang may pinakamataas na kaso ng Dengue sa Puerto Princesa:
1. Sicsican
2. San Manuel
3. San Miguel
4. Sta. Monica
5. San Pedro
6. San Jose
7. Bancao-Bancao
8. Sta. Lourdes
9. Irawan
10. Mandaragat
Samantala, sa naman sa tinitingnang dahilan ng City Health Office sa pagtaas ng kaso ng Dengue sa nasabing mga barangay ay ang paglubo ng kanilang populasyon.
DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.