04/06/2026
Successful Release of Juvenile Dog-Toothed Cat Snake
29 May 2026
Noong Mayo 29, 2026, isang juvenile Dog-Toothed Cat Snake (Boiga cynodon)** ang matagumpay na naibalik sa kanyang natural na tirahan matapos ang maayos na turnover at tamang wildlife management ng ating opisina. Ang nasabing ahas ay natagpuan at nahuli ng isang kumpanya sa kanilang lugar ng operasyon. Sa kanilang tamang pakikipag-ugnayan, agad nila itong naihatid sa MENROโForest and Wildlife Enforcement (FPWE) para sa kaukulang aksyon.
Ang juvenile specimen, bagamaโt bata pa, ay nasa maayos na kondisyon โ walang nakitang sugat o abnormalidad, at nagpapakita ng normal na kilos at lakas. Dahil dito, isinailalim ito sa maikling observation and health assessment ng ating mga Wildlife Enforcement Officers (WEO) upang matiyak na ligtas itong ibalik sa kalikasan.
Matapos ang masusing pagsusuri, kinumpirma ng team na ang ahas ay fit for release at kaya nang bumalik sa kanyang natural habitat. Agad na isinagawa ng ating mga WEO ang release operation sa isang ligtas na lugar na malayo sa mga tirahan ng tao, upang masiguro ang kaligtasan ng komunidad at ng hayop mismo.