30/10/2025
Matagumpay na naisagawa ang Productivity Enhancement Training on Abaca Handicrafts noong Oktubre 28–29 ,2025 sa San Teodoro, na dinaluhan ng dalawang aktibong asosasyon. 🧶✨
Ang aktibidad ay pinangunahan ng DTI-NC San Teodoro at One town,One Prouct (OTOP), sa pakikipagtulungan ng LGU San Teodoro, na layuning mapaunlad ang kakayahan, produktibidad, at kalidad ng mga lokal na gumagawa ng abaca handicrafts.
Patuloy nitong binibigyang-lakas ang ating mga lokal na artisan upang mapalago ang kanilang kabuhayan, maisulong ang inobasyon, at maipakita ang galing at pagmamalaki ng San Teodoro. 💚