Congressman Migz Villafuerte

Congressman Migz Villafuerte Camsur’s 5th District Representative

26/05/2026

Daddy/work duty 😁

Safeguarding BPO Workers in the Age of AISa gitna ng Artificial Intelligence (AI) boom, mahalagang matiyak na hindi maii...
20/05/2026

Safeguarding BPO Workers in the Age of AI

Sa gitna ng Artificial Intelligence (AI) boom, mahalagang matiyak na hindi maiiwan ang manggagawang Pilipino lalo na sa BPO industry na isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng trabaho sa bansa.

Sa pagdinig ng ICT Committee ngayong araw, tinalakay ang epekto ng AI sa trabaho, ang pangamba ng mga empleyado sa posibleng displacement, at ang pangangailangang makabuo ng mga polisiya at programang magbabalanse sa innovation at proteksyon sa mga BPO workers. Kabilang na dito ang pagbalangkas ng mga policies para mabigyan ng incentive ang mga kumpanyang mag-iinvest sa AI skills training sa kanilang mga empleyado, tulong sa job transition.

Kasabay nito, isusulong din natin ang mas agresibong reskilling at upskilling programs at AI training katuwang ang DOLE at TESDA upang matiyak na handa at competitive ang ating workforce sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya.

15/05/2026

Puhunan Program πŸ›–πŸ˜

Pipili po kami ng mga deserving na gusto magnegosyo para matulungan ang kanilang mga pamilya!

Ang nauna pong benepisyaro ng aming munting programa ay si Mr. Ampongan. Mayroon po silang pag-aari na magandang lote na maganda daw lagyan ng kapehan. Ngayon ay nagkatotoo na ang kanyang business😁. Maliit na negosyo pero malaking tulong para sa pamilya.

Lagi po tayong handang tumulong sa mga entreprenurial nating constituents, lalo na kung deserving naman at may magandang ideya. πŸ‘πŸ½

Kalinga act, Pasado na sa Committee! Tuloy-tuloy ang ating trabaho sa Kongreso at ngayong araw ay naipasa na sa committe...
12/05/2026

Kalinga act, Pasado na sa Committee!

Tuloy-tuloy ang ating trabaho sa Kongreso at ngayong araw ay naipasa na sa committee level sa pangunguna ni LEAD Committee convenor Cong. Miro Quimbo ang KALINGA Act of 2026 o HB 8834, na naglalayong maglunsad ng isang national emergency response and resiliency framework upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya at energy security ng bansa tugon sa Middle East Crisis. Sa ilalim ng panukalang ito, lilikhain ang KALINGA Program upang mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan, makapagbigay ayuda at suporta sa mga apektadong sektor, at mapanotiling stable ang suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Tinalakay natin ngayong araw sa Committee on ICT at inaprubahan na sa committee level ang CADENA Bill na naglalayong gaw...
06/05/2026

Tinalakay natin ngayong araw sa Committee on ICT at inaprubahan na sa committee level ang CADENA Bill na naglalayong gawing digital, mas transparent, at secure ang paggamit ng pondo ng bayan.

Sa pamamagitan ng distributed ledger technology gaya ng blockchain, bawat galaw ng budget mula alokasyon hanggang implementasyon ay masusubaybayan nang malinaw at hindi madaling manipulahin. Kapag mas malinaw ang daloy ng pondo, mas sigurado tayo na ang bawat sentimo ay direktang nakakarating sa mga proyektong para sa bawat Pilipino. Mahalaga ang paggamit ng modernong teknolohiya para maiwasan ang katiwalian at mapanatili ang tiwala ng mga mamamayan sa ating pamahalaan. πŸ‘πŸ½

Salamat po sa mga resource persons mula sa iba’t ibang government agencies, pati na rin sa mga private sector groups tulad ng BYC Ventures, Qadena Foundation, at iba pa.

Tulong-tulong tayong mas lalo pang mapaganda ang panukalang batas na ito. πŸ‡΅πŸ‡­

Happy Fiesta, Nabua! Happy Fiesta, Brgy. San Agustin! πŸͺ…Workmode muna tayo sa Kamara kung saan ngayong araw tinalakay ang...
05/05/2026

Happy Fiesta, Nabua! Happy Fiesta, Brgy. San Agustin! πŸͺ…

Workmode muna tayo sa Kamara kung saan ngayong araw tinalakay ang KALINGA Act of 2026 (HB 8834) na naglalayong protektahan ang ating mga kababayan laban sa pagtaas ng presyo ng bilihin at langis bunsod ng krisis sa Middle East.

Sa ilalim ng Kalinga Program, magkakaroon ng dagdag na fuel subsidies para sa mga drayber, magsasaka, at mangingisda, pati na rin cash assistance para sa mga low-income households. Magbibigay din ito ng suporta sa mga maliliit na negosyo gaya ng low-interest loans at tax relief upang maiwasan ang pagsasara ng mga negosyo.

Magiging centralized at coordinated ang government response mula sa pagmonitor ng supply ng mga bilihin, pagbaba ng tax kung kinakailangan, at pagpataw ng mga regulations kung kinakailangan upang mapanaitili ang stable na suplay at presyo ng mga pangungahing bilihin at serbisyo. πŸ‘πŸ½πŸ‘πŸ½

02/05/2026

Night life πŸ˜πŸ•Ί

Happy 447th Founding Anniversary, Camarines Sur! 😁❀️
02/05/2026

Happy 447th Founding Anniversary, Camarines Sur! 😁❀️

πŸ”₯ 𝐓𝐇𝐄 π‡πŽπ“π“π„π’π“ π…π„π’π“πˆπ•π€π‹ 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 π–πŽπ‘π‹πƒ: πŠπ€πŽπ†πŒπ€ πŸπŸŽπŸπŸ”!πŸ”₯

Get ready for an epic week of music, sports, and culture in Camarines Sur! 🌴🎢
πŸ—“οΈ May 26 - 31
πŸ“ CamSur Uptown, Cadlan, Pili

🌟 MASSIVE LINEUP:
* May 26: Ben&Ben & Lola Amour
* May 27: Sponge Cola, Earl Agustin, El Manu, & Jessy Kang
* May 28: IV OF SPADES & Dilaw
* May 29: gloc-9, Paul N Ballin, HELLMERRY, Uncle Dags
* May 30: BINI_ph, New:ID, & Six Part Invention
* May 31: RCK Global & Kate Torres Band

Plus, catch Kaogmahan Cutural Street Dance, Foundation Mass, Boy Kayod, The Big V, Miss Kaogma Philippines, Battle of the Bands, Tour de Kaogma, CPC Pickleball, Dance Revo, and Kaogma IG-NITE, all week long!

Tag your festival squad and let’s make some memories! πŸ‘‡

24/04/2026

Indian Mango season πŸ₯­πŸ˜

Address

Pili

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Congressman Migz Villafuerte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share