04/09/2026
Setyembre 4, 2026, Iginawad ni Dr. Alex B. Templonuevo NMIS RTOC V Regional Technical Director kasama sina Rodel Tornilla Department of Agriculture Bicol Regional Executive Director at Dr. Mary Grace DP. Rodriguez PRDP Scale-Up Bicol Deputy Project Director, ang NMIS LTO kay Mayor Wilfredo Rex Oliva ng Iriga City at Dr. Mark Kevin Badiola City Veterinarian . Ang Iriga City Slaughterhouse ay pinondohan ng DA PRDP IBUILD na Programa at ikalima sa 9 na slaughterhouse na operational na nabigyan ng LTO sa buong Pilipinas.
๐๐๐ ๐ ๐๐ฐ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐๐๐ง๐ฌ๐ ๐ญ๐จ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฎ๐ ๐ก๐ญ๐๐ซ๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐, ๐ข๐ง๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐ ๐ฉ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐
Malaking hakbang sa pagpapalakas ng kaligtasan at kalidad ng karne pati na rin ng biosecurity sa lungsod ng Iriga, Camarines Sur ang pagkakamit ng License to Operate (LTO) ng Iriga City AA Slaughterhouse, ang kauna-unahang abattoir sa Bicol na naisaayos sa ilalim ng Department of Agriculture Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up.
Ngayong araw ay iginawad ni National Meat Inspection Service (NMIS) Bicol Regional Technical Director Dr. Alex B. Templonuevo ang LTO kina Department of Agriculture Bicol Regional Executive Director Rodel Tornilla, PRDP Scale-Up Bicol Deputy Project Director Dr. Mary Grace DP. Rodriguez, Iriga City Mayor Wilfredo Rex Oliva, at Iriga City Veterinarian Dr. Mark Kevin Badiola.
Ayon kay Templonuevo, ang LTO na may bisa hanggang sa ika-24 ng Enero 2027 ay katibayan ng pagsunod ng nabanggit na pasilidad sa Republic Act No. 9296, o ang Meat Inspection Code of the Philippines. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng LTO, ang pasilidad ay maaari nang magsagawa ng pagkatay at pagbenta ng karne ng baboy sa mga pamilihan sa buong bansa.
Samantala, ayon kay Badiola, mahalaga ang LTO sa kampanya ng lungsod laban sa African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ng mga hayop.
Aniya, โNapakahalaga nito sa disease control dahil nasisiguro natin na walang kontaminadong karne, walang hayop na kinatay na may-sakit na ipapalabas at makokonsumo ng publiko. Isa na ring paraan ito para masiguro na ang ating publiko ay malinis at maayos ang kanilang binibili.โ
Ang Iriga City AA Slaughterhouse sa Barangay Sta. Cruz, siyudad ng Iriga ay nagkakahalaga ng mahigit P50 milyong piso. Ito ang ikalimang slaughterhouse na pinondohan ng DA Philippine Rural Development Project (DA PRDP) na nabigyan ng License to Operate ng NMIS sa buong Pilipinas. Inaasahang makikinabang dito ang humigit kumulang 4,387 livestock at hog raisers, 163 registered meat shop owners, 436 homestay, resort, at restaurant owners, at 116,249 na populasyon sa buong siyudad sa pamamagitan de-kalidad, ligtas, at sapat na suplay ng karne. (Annielyn L. Baleza, DA PRDP RPCO 5 InfoACE