Sangguniang Kabataan - Barangay Aplaya

Sangguniang Kabataan - Barangay Aplaya Official Page of Sangguniang Kabataan of Barangay Aplaya

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na street dancing competition na ito.Unang-una, n...
27/04/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na street dancing competition na ito.

Unang-una, nagpapasalamat kami kay Lord sa pagbibigay sa amin ng lakas, gabay, at determinasyon upang mairaos ang event na ito nang maayos.

Pangalawa, taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Kap Nore sa kanyang pagsuporta sa amin at ganon din kay Sir Aljon Alipar sa kanyang walang sawang pagtuturo, tiyaga, at kabutihan sa aming mga dancer. Malaki ang kanyang naging ambag sa tagumpay ng aming grupo.

Sa mga dancer, maraming salamat sa inyong dedikasyon at walang kapagurang pagtulong—mula sa pag-eensayo hanggang sa pag-aayos at paghahakot ng mga props. Ang inyong sipag at pagtutulungan ang naging susi sa maayos na daloy ng aming pagtatanghal. Kahit man hindi kami pinalad na manalo, ang samahang nabuo sa Pailah Season ay parang panalo na rin para sa amin dahil sa saya, pagkakaisa, at alaala na aming nabuo bilang isang grupo.

Hindi rin matatawaran ang suporta ng mga taong nasa likod ng event na ito, lalo na kay Ate Charry Castaneda na walang sawang sumuporta sa amin mula simula hanggang sa matapos ang programa.

Maraming salamat din sa mga nagbigay ng miryenda para sa aming mga dancer: Kuya Rome Edrozo, Jianne Gellido, Ricford Gellido, Emm Emm Batain, Bokal Bhenj Stephen Felismino, Konsi Vjay Relova, Konsi Amby Magpily, at Konsi Ralph Louie Palasin SK Treasurer Jamila A. Darang and SK Kagawad Julie Ann Lataga. Ang inyong kabutihang-loob ay lubos naming pinahahalagahan.

Lubos din ang aming pasasalamat sa aming mga naging driver, lalo na kay Lolo Francisco Gellido at kuya Igno sa kanyang pagmamaneho upang maihatid at mahakot ang mga props ganon din ang mga dancer at kay Mirasol Paras sa kanyang tulong at suporta sa amin.

Dagdag na pasasalamat din kay Ate Jinkee Encarnacion sa kanyang tulong pinansyal para sa gasolina—malaking bagay ito upang maging maayos ang aming paggalaw at paghahanda.

Nagpapasalamat din po kami kay Sir Noriel Del Rosario sa pagpapahiram ng poong San Antonio de Padua maraming maraming salamat po.

Pasasalamat din sa mga nakatulong namin na si sir Elmo, Mark, Jomer at kuya sandree para mapabilis ang gawain at mapaganda ang mga props.

Sa lahat ng tumulong, sumuporta, at naging bahagi ng event na ito—maraming maraming salamat. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang nasusukat sa tropeo, kundi sa pagkakaisa at samahang aming nabuo bilang isang pamilya.

Isang taos-pusong pasasalamat kay Konsi Amby Magpili sa pagbibigay ng masarap na miryenda para sa mga mananayaw ng Baran...
21/04/2026

Isang taos-pusong pasasalamat kay Konsi Amby Magpili sa pagbibigay ng masarap na miryenda para sa mga mananayaw ng Barangay Aplaya na kalahok sa Pailah Festival Street Dancing Competition.

Malaking tulong ang inyong suporta upang mapanatili ang lakas at sigla ng ating mga kabataan sa kanilang paghahanda at pagtatanghal. Ang inyong malasakit at pagbibigay-inspirasyon ay tunay na nagpapakita ng malasakit sa kultura at pagkakaisa ng ating komunidad.

Maraming salamat po at mabuhay po kayo!

.0

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Sir Aldo Reyes Edrozo sa kanyang kabutihang-loob at pagbibigay ng masasarap na pagkai...
19/04/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Sir Aldo Reyes Edrozo sa kanyang kabutihang-loob at pagbibigay ng masasarap na pagkain para sa aming mga mananayaw na lalahok sa Pailah Festival Street Dancing Competition. Ang inyong suporta ay nagbibigay sa amin ng lakas at inspirasyon upang pagbutihin ang aming pagtatanghal. Maraming salamat po sa inyong malasakit at walang sawang pagsuporta sa aming grupo.

.0

Maraming salamat, Ms. Emm Emm Batain, sa inyong walang sawang suporta at sa napakasarap na miryenda para sa ating masisi...
18/04/2026

Maraming salamat, Ms. Emm Emm Batain, sa inyong walang sawang suporta at sa napakasarap na miryenda para sa ating masisipag na mananayaw! 💃🕺

Malaking tulong ang inyong kabutihang-loob upang mas lalo pang ganahan at mapalakas ang aming grupo habang puspusan ang ensayo para sa Pailah Festival Street Dancing Competition.

Ang inyong malasakit ay tunay naming pinahahalagahan. Maraming salamat po! 🙏✨

Taos-pusong pasasalamat kina Ate Jiane Gellido at Ricford Gellido sa masasarap na pagkain na inyong ibinigay para sa mga...
16/04/2026

Taos-pusong pasasalamat kina Ate Jiane Gellido at Ricford Gellido sa masasarap na pagkain na inyong ibinigay para sa mga nagsasanay ng sayaw para sa Pailah Festival Street Dancing. Kahit sa Pila Ground pa kami nag-ensayo, dinala niyo pa rin ang mga pagkain para maihatid sa amin—isang napakalaking tulong at tunay na nakaka-inspire.

Maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob at suporta!

.0

APLAYA INTER PUROK BASKETBALL LEAGUE 2026FINALS MATCH SCHEDULE
15/04/2026

APLAYA INTER PUROK BASKETBALL LEAGUE 2026

FINALS MATCH SCHEDULE

Ikalawang linggo na ng ensayo at higit pang pinagbubuti ang bawat galaw habang lalong tumitibay ang samahan ng ating mga...
15/04/2026

Ikalawang linggo na ng ensayo at higit pang pinagbubuti ang bawat galaw habang lalong tumitibay ang samahan ng ating mga mananayaw bilang paghahanda para sa 𝐏𝐚𝐢𝐥𝐚𝐡 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Mas puspusan ang paghahanda—tuloy-tuloy ang laban! Para sa karangalan at tagumpay! ✨

.0

Maraming salamat kay Ate Charry Castaneda sa taos-pusong pagbabahagi ng pagkain para sa ating mga mananayaw na patuloy n...
15/04/2026

Maraming salamat kay Ate Charry Castaneda sa taos-pusong pagbabahagi ng pagkain para sa ating mga mananayaw na patuloy na nag-eensayo para sa Pailah Festival. Malaking tulong po ito sa kanilang lakas at inspirasyon.

.0

11/04/2026

📣 Game Update!

Due to curfew hours, tomorrow’s game has been rescheduled. The new start time is 2:30 PM.

Please be guided accordingly and arrive early. See you there! 🏀🔥

APLAYA INTER PUROK BASKETBALL LEAGUE 2026FINALS MATCH SCHEDULE
08/04/2026

APLAYA INTER PUROK BASKETBALL LEAGUE 2026

FINALS MATCH SCHEDULE

Address

Pila
4010

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Barangay Aplaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share