11/10/2026
ππ¦ PATEROS WILD DUCKS, WAGING MULI! NA-SWEEP ANG ELIMINATION ROUND! π₯
Muling ipinamalas ng Pateros Wild Ducks Menβs Basketball Team ang kanilang husay at tibay ng loob matapos talunin ang ParaΓ±aque Navy, 105β97, nitong Sabado, upang tapusin ang elimination round nang walang talo!
Naging dikdikan ang sagupaan ng dalawang koponan mula unang quarter hanggang sa pagtatapos ng third quarter. Ngunit sa huling yugto ng laro, ipinakita ng Wild Ducks ang kanilang determinasyon at composure upang tuluyang selyuhan ang panalo! πͺπ
Nagpaabot din ng suporta sina Mayor Gerald German at Sports Development Officer Bojic Raymundo, na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa ating mga atleta na itaas ang bandera ng Pateros sa larangan ng palakasan.
Muling namukod-tangi si Rickson Gerero, na ikaapat na sunod na pagkakataong kinilala bilang Best Player of the Game sa apat na laban ng koponan! Pinamumunuan naman ang Wild Ducks ni Head Coach Pablo Lucas, na gumagabay sa koponan tungo sa magandang samahan at mataas na tagumpay.
Isang panibagong patunay na sa sipag, disiplina, teamwork, at pusong palaban, kayang makamit ng Pateros ang tagumpay!
Patuloy nating suportahan ang ating koponan sa mga susunod na laban ng SBG Cup Season, sa pangangasiwa ng NSCOA!
π¦
ππ