Hawak Kamay ng Pag-asa - Pasigueño

Hawak Kamay ng Pag-asa - Pasigueño Holding the Hand of Hope for the People of Pasig

19/06/2026

Inauguration of Barangay Sport Center and Multi-Purpose Building at Brgy. Kapasigan



Pasig City Public Information Office Roman Romulo Pasig News Update

ICONIC NA JOLLIBEE PASIG SIMBAHAN, SIGNING OFF NAMatapos ang ilang dekadang paglilingkod sa mga Pasigueño, tuluyan nang ...
16/06/2026

ICONIC NA JOLLIBEE PASIG SIMBAHAN, SIGNING OFF NA

Matapos ang ilang dekadang paglilingkod sa mga Pasigueño, tuluyan nang nagsara ang iconic na Jollibee Pasig Simbahan branch simula ngayong June 16, 2026.

Sa advisory na nakapaskil sa tindahan, inanunsyo ng pamunuan na permanenteng isasara ang branch at inirekomenda sa mga customer na magtungo sa Jollibee Caruncho at Jollibee Pasig Market para sa kanilang mga paboritong pagkain.

Naging bahagi ng alaala ng maraming residente, estudyante, empleyado, at mga nagsisimba ang nasabing branch dahil sa lokasyon nito malapit sa Pasig Cathedral at Plaza Rizal. Kasabay ng pagsasara nito, nagsimula na rin ang pagbabaklas ng ilang bahagi ng gusali.

04/06/2026

🚨🔥 KURAPSYON SA ISANG BARANGAY SA PASIG CITY, IBINULGAR! 🔥🚨

Matitinding katanungan ang bumabalot ngayon sa Barangay Manggahan, Pasig City matapos umanong mabunyag ang usapin tungkol sa mahigit P130 milyong kita ng barangay.

🤔 Saan napunta ang napakalaking pondong ito?

🏗️ Anu-anong mga imprastraktura at proyekto ang tunay na naipatayo?

📋 May sapat bang transparency at liquidation para sa bawat pisong ginastos?
👥 Alam ba ng mga residente kung paano ginamit ang kaban ng bayan?

Hindi dapat manahimik ang taumbayan sa mga usaping may kinalaman sa kanilang buwis at pondo. Karapatan ng bawat mamamayan na malaman kung saan napupunta ang pera ng bayan at kung tunay bang napapakinabangan ito ng komunidad.

Panahon na upang managot ang sinumang mapagsamantala sa kapangyarihan at magpaliwanag sa harap ng publiko. Ang katotohanan ay hindi dapat itago.

⚖️ Transparency.
⚖️ Accountability.
⚖️ Hustisya para sa taumbayan.

𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘   𝐌𝐔𝐓𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐌𝐄𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄Simula ngayong Mayo, ang Mutya ng Pasig Mega Market ay bukas na ...
25/05/2026

𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

𝐌𝐔𝐓𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐈𝐆 𝐌𝐄𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓
𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄

Simula ngayong Mayo, ang Mutya ng Pasig Mega Market ay bukas na rin buong araw (whole day) tuwing ika-apat na Lunes ng buwan.

Kaya naman simula ngayong araw, May 25, 2026, ang operating schedule na ng palengke ay:

MONDAY TO SUNDAY | 01:00AM - 11:00PM

Sa kabila ng araw-araw ng operations, regular pa rin ang magiging paglilinis, flushing, at sanitation sa bawat seksyon ng pamilihan. Ito ay upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at maayos na sanitasyon sa palengke.

Kasabay nito, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng “PWESTO AT TAPAT KO, LINIS KO” ng mga stall owners at vendors para rin sa pagpapanatili ng kani-kanilang pwesto at maging sa kanilang paligid.

Magtulungan po tayo upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating pamilihan para sa kapakanan ng lahat.

Inaasahan po ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.

21/05/2026

🇪🇺🇵🇭 𝐋𝐚𝐛𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐲 Pasig City Mayor, Vico Sotto para sa pagbabahagi ng kanyang mahahalagang pananaw at inspirasyon matapos ang kanyang study visit.

Patuloy kang nagsisilbing huwaran ng makabagong liderato para sa kabataang Pilipino at sa buong komunidad. 👏✨

***********

Many thanks to one of our inspiring from the Philippines, Vico Sotto, for sharing his insights with us after his study visit.

🇪🇺🇵🇭

European Union in the Philippines European Parliament in ASEAN

***********

📌 DISCLAIMER:
❗ I hereby declare that I do not own the rights to this video.

🎬 All rights belong to the rightful owner.

⚖️ No Copyright Infringement Intended.

🇪🇺🇵🇭






21/05/2026
15/05/2026

🔴 𝙎𝙊𝙁𝙏 𝙊𝙋𝙀𝙉𝙄𝙉𝙂 𝙊𝙁 𝙉𝙀𝙒𝙇𝙔-𝙍𝙀𝙉𝙊𝙑𝘼𝙏𝙀𝘿 𝘾𝙄𝙏𝙔 𝙇𝙄𝘽𝙍𝘼𝙍𝙔 🏫📚📖

Matagumpay na idinaos ang soft opening ng bagong-renovate na Pasig City Library — isang makabagong espasyo na magsisilbing sentro ng kaalaman, pagkatuto, at inspirasyon para sa mga kabataang Pasigueño. ✨📖

Layunin ng proyekto na magbigay ng ligtas, komportable, at malayang lugar para sa pagbabasa, pag-aaral, at paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan ng bawat mag-aaral at mamamayan ng Pasig. 💙











𝗟𝗔𝗦𝗧 𝗖𝗔𝗟𝗟, 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗚𝘂𝗲𝗻𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛! 🗳️⏰Hindi sapat na maingay sa comments section, dapat maingay din ang boto. 😉𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲 na an...
14/05/2026

𝗟𝗔𝗦𝗧 𝗖𝗔𝗟𝗟, 𝗣𝗔𝗦𝗜𝗚𝘂𝗲𝗻𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛! 🗳️⏰

Hindi sapat na maingay sa comments section, dapat maingay din ang boto. 😉

𝗠𝗮𝘆 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟲 na ang last day ng voters registration para sa nalalapit na BSKE!

Kung kaya mong magpuyat para sa gala, concert, o ML rank game… kaya mo rin maglaan ng ilang minuto para magparehistro. 😌

Your vote is your voice, and the youth deserves a seat at the table - not just a reaction button online. ✊

𝗗𝗼𝗻’𝘁 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲 𝗼𝗽𝗶𝗻𝗶𝗼𝗻𝘀. 𝗦𝗵𝗮𝗿𝗲 𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿. Register now before the deadline hits

14/05/2026
14/05/2026

PANOORIN: Sa mas malinaw at mas mahabang kuha ng viral C5 Road incident sa Pasig City, makikita ang buong pangyayari kung paano nagsimula ang tensyon sa pagitan ng pulis at rider — hanggang sa aktwal na pagtulak na naging dahilan ng matinding pagsemplang ng rider sa gitna ng kalsada. 🚨🏍️

Umani ng matinding reaksiyon online ang insidente matapos kumalat ang video na nagpapakita ng umano’y paggamit ng puwersa ng awtoridad laban sa rider. Marami ang nananawagan ng masusing imbestigasyon at pananagutan upang mabigyang-linaw ang tunay na nangyari sa likod ng viral na eksena.

📍 C5 Road, Pasig City
📅 May 14, 2026








Credits to the rightful owner.

Address

Pasig
1611

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hawak Kamay ng Pag-asa - Pasigueño posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share