Association of Concerned Educ Students - Pasig

Association of Concerned Educ Students - Pasig ACES for Nationalist, Scientific, and Mass-Oriented Education!

PAHAYAG NG ASSOCIATION OF CONCERNED EDUC STUDENTS - PASIG ON SCHOOL SHOOTING INCIDENTS.Sa mga nakalipas na buwan muling ...
19/08/2026

PAHAYAG NG ASSOCIATION OF CONCERNED EDUC STUDENTS - PASIG ON SCHOOL SHOOTING INCIDENTS.

Sa mga nakalipas na buwan muling nasasaksihan natin ang sunod-sunod na balita tungkol sa karahasan sa loob ng mga paaralan, kabilang ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga mag-aaral. Apat ang nasawi at siyam ang sugatan sa naganap na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga nitong Agosto 18, 2026, bandang 8:40 ng umaga.

Bilang mga estudyante na magiging g**o sa hinaharap, mariin naming kinukundena ang ganitong karahasan sa loob ng mga paaralan. Hindi ito problema ng mga online games tulad ng roblox at ml, bagkus kapabayaan sa sistema ng edukasyon. Takot at pangamba ang patuloy naming nararanasan sa paglipas ng mga panahon dahil sa kakulangan sa seguridad sa mga paaralan, kakulangan ng suporta sa mga kaguruan at kawalan ng atensyon sa mental health ng mga kabataan.

Ang paghubog ng bayolenteng kaisipan ng mga kabataan simula ng EJK period ng Duterte Administration ay namumunga ng madugo at marahas na mga aksyon at pag-iisip sa kasalukuyan. Kasama na rito ang pasistang atake ng gobyerno, PNP at AFP laban sa ating mga kaguruan. Muli, hindi ang mga kaguruan ang dapat pumapasan ng bigat mula sa kapalpakan ng bulok na estado bagkos dapat na panagutin ang Marcos-Duterte sa kanilang kapabayaan sa edukasyon at kinabukasan ng kanilang mamamayan.

Grabeng insulto ito sa mga g**o na ang malinaw na panawagan ay dagdag sahod.Bilang mga education students, ramdam namin ...
25/04/2026

Grabeng insulto ito sa mga g**o na ang malinaw na panawagan ay dagdag sahod.

Bilang mga education students, ramdam namin kung gaano ito kalayo sa tunay na laban ng sektor. Habang kami’y hinuhubog para maging susunod na tagapagturo ng bayan, malinaw sa amin na ang ugat ng problema ay hindi kakulangan sa kaalaman kung paano mag-budget o umiwas sa utang. Ang ugat ay sahod na hindi makatao, benepisyong kapos, at sistemang patuloy na umaasa sa sakripisyo ng g**o para lang umandar ang edukasyon.

Anong mensahe ang ipinapadala nito sa amin na papasok pa lang sa propesyon? Na kapag hindi sapat ang sahod, ang solusyon ay matutong umutang nang "matalino"? Na kailangan naming tanggapin na bahagi ng pagiging g**o ang pagkakautang? Hindi ito paghahanda, normalisasyon po ito ng kakulangan. Hindi namin pinangarap ang propesyong ito para matutong mag-survive sa utang. Pinili namin ito para maglingkod nang may dignidad.

Kung tunay na pagpapahalaga ang layunin, hindi webinar sa debt management ang dapat inuuna. Dapat ay konkretong hakbang para sa dagdag sahod, disenteng benepisyo, at pag-alis ng mga gastusing ipinapasa sa mga g**o. Dahil walang seminar ang makakapantay sa isang sahod na sapat para mabuhay nang maayos—at walang "financial literacy" ang makakapalit sa katarungang matagal nang ipinagkakait sa mga g**o.

Kung seryoso ang suporta sa mga g**o, unahin ang makabuluhang umento, maayos na benepisyo, at pagbawas sa mga gastusing ipinapasa sa kanila. Dahil walang budgeting seminar ang makakapuno sa sahod na kulang sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Address

Daet
1800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Association of Concerned Educ Students - Pasig posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Association of Concerned Educ Students - Pasig:

Shortcuts

Share