Agila ng San Joaquin

  • Home
  • Agila ng San Joaquin

Agila ng San Joaquin Opisyal na page ng Pamahalaang Barangay ng San Joaquin sa pamumuno ni Kap. Erap Sanchez

🎒📚 DISTRIBUTION OF BAGS AND SCHOOL SUPPLIES 📚🎒Nais ipabatid ng ating Punong Barangay, Kap. Erap Sanchez, at ng buong San...
02/06/2026

🎒📚 DISTRIBUTION OF BAGS AND SCHOOL SUPPLIES 📚🎒

Nais ipabatid ng ating Punong Barangay, Kap. Erap Sanchez, at ng buong Sangguniang Barangay na magkakaroon ng pamamahagi ng Bags at School Supplies sa June 3 at June 4, 2026 para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.

Para naman sa mga Daycare, Kindergarten, at High School students, hinihiling po namin na antabayanan ang mga susunod na anunsyo sa ating FB Page para sa kanilang iskedyul ng pamamahagi.

Kasalukuyan pa pong pinoproseso ang karagdagang bilang ng bags at school supplies na ipamamahagi sa ating mga mag-aaral.

🎒 Ang bawat kwalipikadong estudyante ay makakatanggap ng:
✔️ School Bag
✔️ Notebooks
✔️ Ballpen
✔️ Lapis
📌 MGA KAILANGANG DALHIN SA PAGKUHA:

👨‍🎓 Para sa Estudyante (kahit alin sa mga sumusunod):
• School ID (nakaraang taon)
• Report Card (nakaraang taon)
• Enrollment Slip

👨‍👩‍👧 Para sa Magulang o Guardian (kahit alin sa mga sumusunod):
• Voter's ID
• Barangay ID
• Voter's Certificate

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pakikipagtulungan.




🛒🌾 Narito na ang iskedyul ng KADIWA ng Pangulo sa Lungsod ng Pasig!Mamili ng sariwa, de-kalidad, at abot-kayang mga prod...
02/06/2026

🛒🌾 Narito na ang iskedyul ng KADIWA ng Pangulo sa Lungsod ng Pasig!

Mamili ng sariwa, de-kalidad, at abot-kayang mga produktong pagkain direkta mula sa ating mga magsasaka, mangingisda, at lokal na prodyuser.

📅 Tingnan ang schedule sa ibaba at markahan ang mga petsang malapit sa inyong lugar.

Samantalahin ang pagkakataong makatipid habang sumusuporta sa lokal na agrikultura at kabuhayan.

Kita-kits sa KADIWA ng Pangulo!

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT. ‼️‼️‼️May nag Report na naman po ng acct ng ating Kapitan.Kung kayo ay may importanteng sadya...
31/05/2026

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT. ‼️‼️‼️

May nag Report na naman po ng acct ng ating Kapitan.
Kung kayo ay may importanteng sadya, maari po kayong tumawag sa kanyang personal Phone number.

Maraming Salamat po.

FINALS NA! 🔥🏆Mas lalo pang iinit at iingay ang buong court sa pinakahihintay na laban ng MOSQUITO DIVISION!Maghaharap an...
31/05/2026

FINALS NA! 🔥🏆

Mas lalo pang iinit at iingay ang buong court sa pinakahihintay na laban ng MOSQUITO DIVISION!
Maghaharap ang dalawang matitinding koponan para sa kampeonato at karangalan. Isang laban na puno ng determinasyon, husay, at puso para sa kanilang koponan.

Sino kaya ang mag-uuwi ng kampeonato at tropeo?🏆�
Magpapatuloy ba ang paghahari ng Defending Champion ng Visitacion? O magtatagumpay ang San Bernardo sa kanilang huling tapatan?

Kaya mga kabataang San Joaquin, halina't makiisa at suportahan ang inyong paboritong koponan! Damhin ang matinding aksyon, sigawan, at kasabikan habang tinutukoy kung sino ang tunay na kampeon ng Mosquito Division San Joaquin Basketball League 2026.

SEMI-FINALS NA! 🏀Handa na ba kayo sa matinding bakbakan ng MOSQUITO DIVISION? 🔥Ngayong SABADO na ang inaabangang Semi-Fi...
29/05/2026

SEMI-FINALS NA! 🏀

Handa na ba kayo sa matinding bakbakan ng MOSQUITO DIVISION? 🔥
Ngayong SABADO na ang inaabangang Semi-Finals kaya tara at suportahan ang ating mga batang manlalaro! 💪

Asahan ang dikdikan na laban, pusuan, at all-out na aksyon sa loob ng court! 👊

📍 VILLA MUNSOD COVERED COURT
🕑 SABADO | 3:00PM

Kita-kits at suportahan ang inyong koponan! 🏀🔥



MOSQUITO DIVISION - TEAM STANDING 🏀Narito na ang kasalukuyang Team Standings para sa Bracket A at Bracket B! 💪Bawat pana...
29/05/2026

MOSQUITO DIVISION - TEAM STANDING 🏀

Narito na ang kasalukuyang Team Standings para sa Bracket A at Bracket B! 💪
Bawat panalo ay pinaghihirapan, bawat laro ay bakbakan, at bawat koponan ay ipinakita ang kanilang lakas, puso, at determinasyon sa buong elimination round ng Barangay San Joaquin Basketball League! 👏🔥

Ngayon, mas iinit pa ang laban dahil Semi-Finals na ang susunod! 👀🏀
Walang bibitaw. Walang uurong. Lahat ng teams ay siguradong ibibigay ang kanilang best para makalapit sa kampeonato! 🏆

Maraming salamat sa lahat ng teams, players, coaches, at supporters na patuloy na sumusuporta at nakikiisa sa ating liga. Abangan ang mas dikdikan, mas mabilis, at mas exciting na bakbakan sa court! 🔥



28/05/2026

Para po sa kaalaman ng lahat.

Patuloy ang pagsasaayos ng ating Brgy. Engineering sa mga sirang takip ng drainage at pagkakabit ng mga pundidong ilaw s...
28/05/2026

Patuloy ang pagsasaayos ng ating Brgy. Engineering sa mga sirang takip ng drainage at pagkakabit ng mga pundidong ilaw sa ating mga street lights upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating pamayanan.

Hangad ng ating Punong Barangay Kap. Erap Sanchez ang isang maayos, maliwanag, at ligtas na komunidad para sa bawat mamamayan.

Address

San Joaquin, Pasig City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agila ng San Joaquin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share