10/08/2026
SA KABILA NG MALAKAS NA ULAN, TULOY ANG PAGTULONG ❤️🌧️
Si Nanay Zenaida ay nakita ng isang concerned citizen na naglalakad sa Fourth Estate around 9:30 pm. Aug. 8, 2026, at hinatid sa outpost ng Barangay. Dahil sa pag-aalala sa kanyang kaligtasan at kapakanan, agad na kumilos ang ating barangay upang siya ay matulungan at maihatid nang ligtas sa kinauukulang barangay.
Sa kabila ng malakas na ulan noong Agosto 9, 2026, isinagawa ng Barangay San Antonio Women’s Desk, na pinangunahan ni WDO Roschel Barrios Caril, ang maayos na pag-turn over kay Nanay Zenaida sa Barangay Singkamas, Makati City.
Ang pagkilos na ito ay isinagawa sa tagubilin ni Kapitan Pol Casale, katuwang si BHRAO Kagawad Tess Castillo, na tumugon sa sinumang nangangailangan sa ating Barangay.
Malakas man ang ulan, hindi hadlang ang panahon para tumulong sa ating kapwa.🌧️❤️
Barangay San Antonio Womens Desk
Malasakit. Serbisyo. Aksyon. 🤝❤️